#TYPOGM18: Closure

342 7 2
                                    

Third Person's POV

Umuwi muna si Khirsten sa bahay niya. Nasa kusina siya at naghahanda ng pananghalian niya dahil late na siya nagising. She sighed. Naalala niya ang nangyari noong isang gabi, concert ng mga Boss niya. Binaba niya ang spoon and fork sa plato, parang nawalan siya ng gana.

Hindi niya akalain na sa isang iglap lang, sisikat siya ng husto sa Pilipinas. Pumayag siya sa gusto ng Ate niya dahil gusto nitong makita siya ulit magperform. She admits that she enjoyed that night, she danced and sang. Parang bumalik siya sa dating siya. Maraming memories siyang naiisip. After niyang magperform, nag usap pa sila ng kaunti sa stage at bumalik siya sa seat niya. Nakita niyang masaya si Bow at proud na proud sa kanya dahil niyakap pa siya nito.

Pinakilala niya naman ang Ate niya sa K-Pop Boyband at nagpapicture. Hindi akalain ni Khirsten na naging instant fan ang Ate niya, ipapakita raw niya ang picture sa kambal. Pagkatapos nun, lumabas na sila kung saan naganap ang concert para umuwi pero nagulat sila ng Ate niya nang makitang nasa labas si Kalvin na parang sasabog sa galit. Kaya nasa bahay niya siya ngayon. Mukhang mag-aaway yata ang mag-asawa. Kasi naman pasaway ang Ate niya.

Paggising niya kahapon, nagulat siya sa text message ni Agent 13 na pinag-uusapan daw siya ng Pilipinas. And her Dad ordered Agent 13 to keep her life in private, na walang makukuhang info sa kanya. That day too, her Dad called her na magstay daw siya muna sa bahay niya hanggang sa humupa ang biglaang pagsikat niya. Isa ito sa reasons niya kaya ayaw niya sanang magperform sa concert at maging model, kaya nga lang hindi niya matiis ang mga kaibigan, lalo na sila ang karamay niya sa Korea. Hindi niya rin masabi na dapat manatiling private ang buhay niya dahil maraming naghahabol sa kanya. At malaking problema pa dahil baka ang K-Pop Boyband group at Munich ang mapapahamak.

She sighed again when her phone rang. Her Kuya Kerwin called her. Kahapon pa ito tumatawag sa kanya at kahapon pa din ito bumubusina sa gate ng bahay niya. Pero hindi niya sinagot o pinagbuksan man lang dahil nga sa dahilan na galit ang Kuya niya

"Kuya"

"Khirsten" seryosong sabi ng Kuya niya

"Po" magalang na sagot niya. Alam niyang mapapagalitan siya.

"Bakit kayo pumunta ng concert ng hindi namin alam?! Alam mo naman ang situation natin 'di ba?! Mas lalo na ikaw at ang Ate mo! Paano kung andoon yung humahabol sa'yo?! Dalawa lang kayo Khirsten, dalawa lang at ngayon sikat ka na, how about the safety of your friends?! Lalo na si Munich? You put their lives on danger!"

Hindi umimik si Khirsten. Alam naman niyang kasalanan niya eh, masama bang mag enjoy ng isang gabi na parang normal ka lang na tao na gustong magsaya at magperform?

She heard the sigh on the other line.

"Look baby girl, alam kong gustong mong magperform. I know you love that pero your case is not solve yet, kunting tiis na lang baby girl"

Hindi siya sumagot at pinatay ang tawag. Ilalapag niya na sana ang phone niya ng may tumawag ulit. Si Avril.

"Coach" matamlay niyang sagot

"Sweetheart! Napanuod ko ang performance mo, galing mo talaga"

Hindi siya umimik. Natunugan naman siguro ni Avril na wala siya sa mood.

"Okay ka lang ba? Puntahan kita?"

"Wala ka bang gagawin?" tanong niya

"Meron pero para sa'yo, puntahan kita" parang bata na sabi ni Avril kaya natawa siya.

"Oo na Coach, text ko sa'yo kung saan tayo pwedeng magkita" sabi niya at pinatay ang tawag. Tinext niya si Avril kung saan sila magkikita at mabilis siyang kumilos.

TNP : The Youngest Princess of Galaxy MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon