#5 BitchBar

22.3K 284 4
                                    


After 1 month.....

"Sab may customer sa table #6. Ikaw na para sayo na tip."

"Sige! Thank you Cas"

Si Cas. Bestfriend ko. Parehas kami nagpapart time dito sa BB. As in Bitch Bar.

Oooopsss! Wait. Baka iba iniisip niyo ha. Waitress lang kami dito. Hahaha!

Binigay na sakin ni Cas yung customer kasi para akin tip. Alam niya kasing kulang pa yung pang-enroll ko for next sem. Eh isang linggo nalang. Kaya todo kayod ako ngayon eh. Nahihiya kasi akong manghingi kila mama. Alam ko naman kasing hirap na sila sa probinsya. Pero ok lang. Last sem ko na naman to eh. Konting tiis nalang.

4am na.

Pagod na ko. Yes off ko naaaaa! Makakapag pahinga na din ako. Yung eyebags ko isang sako na. Pero ok lang maganda padin naman ako. Hahaha!

"bes? Tara na ba?" tanong ni Cas.

"Oo. Gustong gusto ko na humiga. Sakit ng likod ko." daing ko.

"Gusto mo masahihin kita baby?" Si Ken.

"Muka mo baby!"

Kainis talaga yon. Waiter din siya. Poging waiter. Pero kahit pogi siya, finrendzone ko lang siya. Hahaha! Kasi baliw na baliw pa ko kay Clark non. Noon yon! Saka alam ko kasing babaero siya.

"Ken ako nalang masahihin mo! Sakit nito oh!" sabay turo ni Cas sa balikat niya.

"Pagod na din pala ko Cas. Hahahaha"

"hmp!" asar nanaman si Cas. Crush na crush kasi niya talaga si Ken. Kaso ewan ko ba kung bakit ayaw sakanya ni Ken. Maganda naman ang bes ko.

"Tara na bes!!!" aya ko.

"Bye papa Ken!!" arte ni Cas.

"Bye Sab!" wahahaha si Ken talaga eh.

Naglalakad kami ni Cas papunta sa terminal ng jeep. Wala na kasing nagdadaan kasi anong oras na.

"Bes?" tawag niya.

"Oh?"

"Nakita ko si Clark kahapon sa SM. May ka HHWW. Muka namang kabayong binugbog yung kasama."

"Who cares? Bagay sila. Hahahaha!"
Sabi ko.

Oo. Hindi na ko nasasaktan pag naririnig ko pangalan ni Clark. Ewan ko ba ang bilis kong naka move-on. O sadyang natabunan lang ng sakit nung isang gabing yon nung sakit na nararamdaman ko. Hahaha syempre mas mahalaga padin sakin yung pempem ko no kesa kay Clark. Conservative kasi family namin eh. Kaya ganon ka big deal sakin.

"Naka move-on na talaga ang ati mo oh! Kuh! Marami naman kasing nagkakandarapa sayo diyan. Ayaw mo lang pansinin. Minsan nga gamitin mo yang ganda mo! " pag-aasar pa niya.

Totoo naman kasi. Di ako mayabang. Pero campus queen ako, ika nga nila. Ako ang reigning Lakambini ng Lasalette 2016. Maraming nagkakagusto sakin. Nanunuyo. Nagbibigay ng kung anu-ano. Kahit nung kami pa ni Clark. Pero wala eh. Si Clark lang ang nakikita ko. Bulag ako sa iba dati. Ganon naman talaga pag nagmahal ka, parang siya lang yung makikita mo.

Pero hindi ako literal na Queen. Wish ko lang. Hindi kasi kami mayaman. Kung hindi nga dahil sa scholarship na bigay ng mayor sa bayan namin hindi ako makakapag-aral sa magandang university. Nagtitinda lang ng gulay si mama sa probinsya. Pati yung kambal kong kapatid na sina Sim at Sam. Highschool na sila pero tumutulong sila kay mama. Kaya ito nagpapart time ako. Kasi hindi naman sagot yung allowance at projects ko sa scholarship plus may miscelleneous fee pa. At para makapag padala na din ng kahit papano. Nung naging kami nga ni Clark, nagalit si mama kasi akala niya mag-aasawa na ko. OA talaga. Haha! Pero natanggap naman niya na. Nakalimutan ko palang sabihin, patay na yung tatay ko. Kaya kami nalang ang nagtutulungan.

"Bes anuney natulala ka na naman! Dito na us!"

Dito na pala kami sa dorm. Matutulog na ko ng mahimbing na mahimbing!!!!

************************************

A/N: comments & Voted kayo mga madam! :)

~JassyXiv

After Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon