Reid's POV
Nagising akong wala na yung katabi kong matulog kagabi.
San na naman kaya nagpunta yon ≧ω≦
"Babeeee???" pumasok na ko sa loob.
Wala.
"Babeee???" Pumunta kong cr.
Wala.
"Saaaaab? Asan ka ba?" wala pa ding sumasagot. Malapit na ko mainis ha.
Pumasok ako sa kwarto.
"SABRINAAAA!!!"
Wala padin.
Paglabas ko saka ko lang napansin yung pagkain sa mesa at yung note.
Good morning sir,
Sorry nauna na kong pumasok. Kain ka na. Ingat!
Your SLAVE.
SIR? SLAVE?? Ano nanamang problema nito.
Kumain na ko at mabilis na nag ayos at umalis para pumunta ng school.
"Good Morning class." bati ko pagpasok ko ng room.
"Good morning sir!" bati nila.
May hinahanap yung mata ko.
Nasan yung katabi ni Cas.
" Ok class attendance muna tayo."
Natawag ko na lahat ng tao dito maliban sa isa.
"Ms. Montemayor"
"Ms. Montemayor??"
"Ahm sir wala pa po." sagot ni Cas.
Wala pa??? Akala ko ba maaga siyang pumasok?
(︶︹︺)(︶︹︺)
"Since exam niyo na next week, magreview nalang kayo. Walang lalabas, ok?"
"Yes sir!" sabi nila.
"Ms. Cassery, come here. May itatanong lang ako"
"Kyaaaaah! Sir wala po. Wala pa po akong boyfriend! " sabi ni Cas habang nagtatawan ang klase sakanya.
"I know. Come here. " mabilis naman siyang lumapit. " Where's Sab?" mahinang tanong ko.
"Kala ko ba naman sir tungkol sakin. Haynako sir. Hindi ba kayo ang magkasama sa bahay?" bulong niya.
"Maaga siyang umalis. Sabi niya papasok na siya."
Tinry siyang tawagan ni Cas. Pero cannot be reach siya.
"Sir di ko talaga macontact eh.Ngayon lang hindi sumagot yon ah. Ano kayang nagyari don sa bessy ko. " sabi ni Cas.
Nag-alala na ko. Kasi naman bakit ba kailangan umalis ng maaga eh!
Hindi ako mapakali, I tried to call her hundred times pero off talaga phone niya. Tinawagan ko nadin yung kapatid niyang si Sam pero wala din daw siya don. Lumipas na yung maghapon pero wala pa din siya.
Papaalis na ko sa school ng may tumawag sakin,
"Sir!"
"Yes? What is it Troy?"
"Alam ko kung nasaan si Sab."
Agad ko siyang pinasakay sa kotse at tinuro niya sakin yung direksyon kung saang lugar naroon si Sab.
Naiinis ako kung bakit siya yung may alam kung nasaan si Sab. Bakit kay Troy siya nagsabi? bwisit!
"Bakit alam mo kung nasaan si Sab?" hindi ko na napigilang itanong.
BINABASA MO ANG
After Last Night
RomanceIsn't it amazing how a person who was once just a stranger, suddenly meant the world to you? Meet Sabrina, a girl who lost so much in love. A girl who promised herself that she will never love again after her Ex broke her precious heart. After lo...