#35 The Revelation

3.4K 60 50
                                    

Sab's POV

Nasa byahe kami ni Reid papunta sa mansion nila Zig.

Ang akala ko hindi siya pupunta dito, ewan ko bakit biglang nagbago yung isip niya. Actually ayoko ngang sumama eh. Kaso mapilit nanaman siya, at binilhan nanaman niya ako ng pagkamahal mahal na damit.

At ito nga, kanina pa ko naririndi sakanya kasi paulit ulit siya sa mga paalala niya sakin.

"Nakikinig ka ba babe? Naiintindihan mo ba?"

Tanong niya.

"Yes babe! Hundred times mo nang sinasabi.

SMILE LANG KAHIT ANONG MARINIG KO.

SAYO LANG AKO MAKIKINIG.

MAHAL MO KO.

MAHAL NA MAHAL.

May nakalimutan ba ko?"

Sabi ko.

"I'm sorry babe" sabi niya sabay abot sa kamay ko at hinalikan niya to.

"Hindi ako galit ano ka ba?  Ano ba kasi yang maririnig ko don? Bakit ganyan yung mga paalala mo? Makakalabas pa ba ako ng buhay don? Hahaha" sinundan ko nalang ng tawa pero deep inside kinakabahan na ko talaga.

"Basta babe. Basta mahal na mahal kita."

Hanggang sa dumating na kami dito sa harap ng isang malaking gate nanaman, bakit ba ang tataas ng gate ng mga mayayaman? Nakakalula.

Inalalayan ako ni Reid pababa ng sasakyan.

Nakita ko si Zig na nakaabang na sa may pintuan.

"Bro! You made it! Sabi ko na nga ba di mo ko matitiis." Hindi kumibo si Reid pero nakipag fistbump naman siya.

"And Sab... Oh my god, you're so....so.... Uhhh... Can't find a word to describe you!" baling niya sakin.

Eh kasi naman, agaw eksena ata tong dami ko na para kong palara, kulay silver pa at backless.

"Zig, stop it. She's mine. Mine. Okay?" matigas na sabi ni Reid.

"Bro naman! Hahahaha! Okay sige, mauna na kayo at puntahan ko lang si Jigs." sabi niya at umalis na.

Pumasok na kami ni Reid, para nanaman akong ignorante, sala pa lang, jusko milyones na ata to. Kasing laki na ata ng bahay namin to.

Nanlalamig na din yung kamay ko sa kaba, siguro nahalata ni Reid kaya pinisil niya ito.

"Are you okay, Babe?" Tanong niya.

Tumango lang ako.

Hanggang sa makarating kami sa dining area, hindi ko sure kung dining area ba to o Malacañang. May isang mahabang dining table, siguro pang 20 na katao to sa haba.

Nandon na din yung ibang bisita. Mga relative lang siguro.

"Reid! Hijo, I'm glad you came." At tumayo ang isang babae na nasa 50's at bumeso kay Reid.

"Happy Birthday, Tita Claire!" bati ni Reid.

"Happy Birthday po" bati ko din.

"Thank you, hija." nagulat naman ako ng ibeso din niya ko.

Naupo na kami ni Reid. Mga malalapit na pamilya lang nila ang nandon. Ang mga pinsan niya, pati si Rica ay nandoon.

May dalawang bakanteng upuan pa, isa sa center at isa sa tabi ni Reid.

"Hintayin nalang natin ang si Amor, bago tayo kumain." sabi ng Tita Claire ni Reid.

Masayang magkkwentuhan ang lahat, ako naman ay tahimik lang at nakikinig. Parang ang saya saya ng pamilya nila. Close silang lahat at mukang mababait naman.

After Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon