#26 ILY Once More

16.5K 247 11
                                    






I parked my car in front of Sopistikada's Boutique,  a well known boutique in the country.

"Good Morning sir!" bati sakin ng guard.


"Where's Rica?" tanong ko

"Nasa office po niya."

Dire-diretso akong pumasok sa pinto ng isang napaka-eleganteng opisina. Tumambad  sa harap ko ang isang babaeng nakaupo sa office table niya, maganda siya. Napaka ganda. Matangkad, makinis, sexy. Pang Miss U sabi nga nila.

"Reid! Where's your manners? Hindi mo ba alam na kailangan mo munang kumatok ng pinto bago ka pumasok?" tumayo sya at bumeso sakin.

"I'm sorry. I just missed you. Excited ako masyadong makita ka." sabi ko at yumakap sakanya.

"Haynako hindi ka padin nagbabago. So, what brings you here?" inabutan niya ko ng isang baso ng wine.


"I think, I'm in love." mahinang sabi ko.


"Seriously? You're in love? Hahahaha! No no no. I knew you, matigas ang puso mo. Hindi ka basta basta naiinlove, bukod kay....."

"Stop! Wag na nating pag usapan ang nakaraan. Please"

"I'm sorry. So who's this unlucky girl?" 

Kinwento ko sakanya lahat. Lahat lahat. Kung pano kami nagkakilala hanggang sa paano ko nalamang mahal ko siya.


"Seryoso ka ba Reid? It's just less than a month. Love agad? baka naman lust lang yan. hahaha!" she said after taking a sip of her wine.


"Kaya nga ako pumunta sayo dahil alam kong ikaw lang ang makakatulong sakin."


"Oh baka naman naguiguilty ka lang dahil ikaw ang nakauna sakanya. Kaya feeling mo may invisible tie na na meron kayo."


"I don't know. All I know is I don't want to lose her. Ayokong nawawala siya sa paningin ko. "

"Hindi kaya nagiging selfish ka lang?"

"I don't know!" then I comb my hair with my finger. Naguguluhan na ko.

I received a text message from Sab.

From: Babe Sab

"Bakit hindi ka pumasok? San ka?"

"I need to go. Hindi ako pwedeng magtagal. So ano ng gagawin ko?"

"Court her. If you really want her, court her."

"You know it's not my nature. I definitely don't know how to make ligaw." angal ko

"It's your problem baby. Bye!" sabi niya at hinalikan ako sa pingi.


****************************************************************************************


"Babe?"

"Babe?"

San ba nagpunta yon. Gabi na ha. 7pm na ko dumating sa condo pero wala naman siya. May nakita akong note sa may ref,

"Nakapagluto na ko. I-microwave mo nalang yung ulam. Pasok na ko sa BB.

-SAB"

Habang binabasa ko, parang wala man lang emotion yung note niya. Napaka-plain. Wala man lang smiling face.

Agad kong kinuha yung susi at umalis ulit.


After Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon