Sab's POV
"Urgh! Leche ka Clark! Mamatay ka na!"
Nandito ko ngayon sa bar. Nag-iisa. Nagwawalwal. Gusto kong makalimot. Pero wala eh, kahit gaano karaming alak ang inumin ko naaalala ko padin yung pangyayaring yon.
Isang buwan na din pala ang nakalipas.
Flashback...
It's our 2nd anniversary. Sobrang excited ako sa araw na to. Isusurprise ko si Clark sa condo niya. Kaya eto, napakarami kong bitbit. Mga cartolina na anek anek. Heart hearts at mga pictures namin. Balloons. Ginawa ko na kasi lahat sa dorm para ikakabit ko nalang sa condo niya. Mamayang gabi pa naman kasi yung tapos ng class niya. At may spare key naman ako mg condo niya. Nag-absent pa ko para dito.
I texted him.
"Good morning hon! Happy 2nd Anniversary! School ka na ba?"
Tagal magreply ha. Ni hindi pa ko binabati. 11am na ah. May klase siya ng 9am so dapat gising na siya. Haynako. Tawagan ko nalang.
"The subscriber's cannot be reach, please try again later."
Pang limang tawag ko na ah. Kainis. Baka nasa school na to.
So I've decided na pumunta na sa condo niya.
14th floor......
Yey dito na ko!
As I inserted the key, hindi nakalock. Bat ganon. Di naman niya iniiwan nakabukas to. Baka nandyan pa siya. OMG!
Kaya ang ginawa ko, iniwan ko yung mga bitbit ko sa may fire exit. At saka ko bumalik. Baka kasi nandon pa siya at makita niya.
Bukas yung knob. Dahan dahan kong binuksan. Unang tapak ko palang sa loob, parang kinakabahan na ko. Lalo na ng may makita ako isang malaking hikaw sa lapag. Kinukutuban na ko.
No Sab. Baka sa katulong lang niya yang hikaw na yan. Pero taray ng katulong ha. Laki ng hikaw.
Hikaw....
High heels.....
Ahm.. Baka nakahigh heels si inday habang naglilinis.
Belt...
Iba na to.
Habang papalit ako ng papalapit sa kwarto niya, ibang ibang gamit ang nakikita kong nakakalat sa lapag. Parang ayoko ng tumuloy. Parang di ko kayang tumuloy. Pero kailangan.
Nanginginig ang katawan ko habang lumalapit ako sa kwarto niya.
Dahan dahan kong binuksan.....
Halos matumba ako sa panghihina sa nakita ko...
Ang boyfriend ko.
Ang pinakamamahal kong lalaki.
May ibang kayakap sa kama.
Habang walang tumatakip sa kanila kundi ang batman na kumot na binigay ko pa.
Mga walanghiya.
Napaupo nlng ako sa labas ng kwarto. Umiiyak. Nanghihina. Pero naisip ko, hindi pwede to. Hindi ako makakapayag na manahimik nalang.
Tumayo ako at pumunta sa kusina.
Binuksan ko ang ref at may nakita akong isang pitsel ng juice. Kinuha ko. Dahan dahan ang galaw ko. Hot sauce. Tama hot sauce. Ang talino mo talaga Sab. Hinalo ko yung hot sauce sa pitsel.
Bumalik ako sa kwarto. Aba at ang sarap padin ng tulog nila.
Kaya mo yan Sab!
1..... 2..... 3......
"Ahhhhhhhhhhh!!!!!!"
Sabay silang napasigaw ng haltakin ko ang kumot at ibuhos ko sakanila ang nagyeyelong juice na may hot sauce. Take note, sinadya kong ibuhos sa mukha nila at sa bandang gitna! Wahahaha!
Halos hindi nila madilat ang mga mata nila habang sumisigaw.
"Myghadd! You fvcking b*tch!" sigaw ni girl
"Who are you!!!" sigaw ni Clark na nakapikit pa din. Ikaw ba naman malagyan ng hot sauce ang mata diba. Plus yung sa gitna pa nila. Wahahah!
"Happy Anniversary, Hon!"
"Sab?!" pinilit niyang idilat yung mga mata niya.
Ako naman hinaltak ko yung buhok ng haliparot na babae na to habang di padin madilat yung mata niya.
"Ahhhhh! Fvck! Ang sakit. Bitawan mo yung buhok ko!"
"masakit?! Kulang pa yan sa nararamdamn ko ngayon!"
"Hon please stop!" sigaw ng magaling kong bf.
"FU! Wag mo nako tawaging hon!"
Hinatak ko si girl hanggang makalabas siya sa condo. Nang walang damit. Napakadali dahil basang basa siya. Hahaha! Pagkatapos ay pumasok ako sa condo at nilock ko ang pinto.
"buksan mo toooooo! Yung damit koooo!"
Wish niya namang pagbuksan ko siya diba. Bahala siya tutal makati naman siya. Bagay lang sakanya yon.
Binalikan ko sa kwarto si Clark at dinatnan ko padin siya sa ganong itsura. Ngunit nakabalot na ng kumot.
"Hon please let me explain." pagmamakaawa niya.
"Explain? Wala ka ng dapat iexplain. Nakita ko na lahat." maiyak iyak na sabi ko.
"Mahal na mahal kita Hon. Please. "
"Mahal na mahal? Kung mahal mo talaga ko hindi mo gagawin to. Ilang beses mo na ba akong niloko? Baka hindi lang to. Hindi lang talaga kita nahuhuli. Ito ba ang anniversary gift mo sakin? Sweet ha." nakatayo lang ako sa may pinto habang pinagmamasdan siya at ngayon palang nagsisink in lahat sa utak ko.
"Hon please. Hindi ko gusto to. Nalasing lang ako. Please naman."
"Ayoko ng makarinig ng kahit ano man sayo. Alam ko nagkulang ako dahil hindi ko pa kayang ibigay sayo yung hinihingi mo, pero di sapat yon para lokohin mo ko. Tapos na tayo."
Pagkatapos non ay nagdiredretso na ko palabas. Narinig ko pa siyang sumisigaw at tinatawag ang pangalan ko. Paglabas ko ay wala na din yung haliparot.
Napakasakit. Sobrang sakit. Sobrang durog ako.
Pinapangako ko, huling beses na tong tutungtung ako sa lugar na to.
End of flashback
---------------------------
A/N: Sana nagustuhan niyo. Hahahhaa! Please vote po sa chapters! :)~JassXiv
BINABASA MO ANG
After Last Night
RomanceIsn't it amazing how a person who was once just a stranger, suddenly meant the world to you? Meet Sabrina, a girl who lost so much in love. A girl who promised herself that she will never love again after her Ex broke her precious heart. After lo...