#15 ReidSavesHerAgain

18.7K 298 7
                                    


Inayos ko na ang mga gamit ko.

"Bes sigurado ka na ba sa desisyon mo? Iiwan mo ko dito? " tanong ni Cas. Sinabi ko na kasi sakanya ang lahat.

"Oo bes. Kung ito ang ikabubuti ng pamilya ko. Kaya kong magsakripisyo."sabi ko

"Kuh. Kahit naman siguro sino pag inaya ni Sir baby sa bahay niya tumira eh sasama. Hahahah!

"Para kila mama to bes. Wag ako." nang aasar pa to. Kala niya naman gusto ko to.

"Eh bes kailan ka ba papasok? Miss na miss ka na namin nila Ken at Yan. Si Troy nga minsan hinahanap ka. Ikaw ha di ka pa nagkukwento sakin. Yieeeh!" pang aasar pa niya.

"Kakausapin ko muna si Reid. "

Hayy nga pala. 2 weeks na din akong absent. Ang dami kong hahabulin.

"Reid? Wow bes ha first name calling ha! Hahaha"

"Yun kasi ang gusto niya no. Tara na nga may duty pa tayo. Bukas na ko pupunta sakanila."

Sabi ko at saka tumayo na para pumasok.

@Bitch bar

"Saaaab! Namiss kita!" bati agad sakin ni Ken ng makita niya ko. Niyakap pa ko.

"Namiss ko din kayo."

Siniko naman ako ni Cas. Hudyat na bitiwan ko si Ken. Haahhaa

Nagkwekwentuhan kami ng dumating yung manager namin.

"Guys mamaya darating si sir Brylle. Ayusin niyo trabaho niyo ha. Kasama niya yung mga kaibigan niya"

"Opo sir." sabay sabay naming sabi.

Si sir Brylle yung may-ari ng bar na ubod din ng gwapo. Bata pa ito. Siguro nasa mid 30's palang. Isang beses ko palang siyang nakita.


"Sab table #9." sabi ni Cas


Habang nagseserve ako may dumating na tatlong lalaki. Natanaw ko lang sa malayo. Namukaan kong si sir Brylle yung isa. Dumiretso sila sa VIP room.

Habang gumagabi ay padami na ng padami ang mga tao. Mga lasing na din.

Habang nagseserve ako ay kinausap ako ng customer.

"Hi! What's your name?" tanong nito lalaki na di naman kagwapuhan.

"I'm Sab po sir." pakilala ko. Normal na sakin ang ganitong eksena. Lagi naman kasing may nagtatanong ng pangalan ko. Pero tapos non ay di ko na sila pinapansin. Mga nakainom na din kasi.


"Sab pwede bang dito ka muna." sabi niya.

"Sorry sir pero may trabaho pa po ako. Excuse me po."paalam ko.

Nakatalikod na ko ng bigla niya kong hawakan sa braso..

"Di ba sabi ko dito ka lang?!" sigaw niya na agad namang nakakuha ng atensyon.

Nagpumiglas ako.

"Bitiwan mo ko ano baaaa!!!" sigaw ko.

Pero ayaw niya kong bitiwan.

"Nag iinarte ka pa eh!" sigaw niya din.

Umiiyak na ko. Nakatingin lang yung mga tao samin.

"Bitiwan mo siya."

Out of nowhere may nagsalita.

"eh kung ayoko?! Gusto mo nito?!" sabay naglabas ito ng baril.

After Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon