Nagising ako sa liwanag mula sa bintana, naramdaman kong nakayakap sakin si Reid. Napangiti nalang ako, sana ganito kami araw araw. Sana ganito kasaya. Pero syempre, sa isang relationship, hindi naman mawawala yung mga away at problema, pero sana malampasan namin ng magkasama.
5months na din ako dito kila Reid. Matatapos ko na yung unang internship ko. Nakakaloka naman kasi tong school namin, kung bakit ba dalawang beses kailangan mag internship, isa sa local, tapos isa sa abroad. Hayynako. Ang gastos. Nahihiya na nga ako kay Reid kasi siya lahat gumagastos sakin pati kina mama. Pinatigil na din kasi niya akong magwork sa BB. kahit labag sa loob ko, ginawa ko nalang para hindi na namin pag awayan.
Bumangon na ako at naisipan kong tumawag kina mama.
*ringggggg*
"Hello ma? kamusta po?"
"Okay naman anak, nga pala, birthday na ng kambal sa linggo. Makakauwi ka ba?"
Oo nga pala. Birthday na ng kambal kong kapatid. 17th birthday nila.
"Sige po ma, uuwi po ako. Pero wag niyo po muna sabihin kasi isusurprise ko po sila ha."
"Sige anak, maraming salamat sa lahat ha. Alam kong hirap na hirap ka na diyan sa Manila, sa dami ng gastos ng boss mo dito samin, mukang ang hirap hirap ng trabaho mo anak. Yung sarili mo wag mong pababayaan ha."
Naguiguilty tuloy ako na nagsisinungaling ako kay mama. Hindi pa naman ako sanay na nagsisinungaling sakanya.
"Ah sige po ma, malelate na po kasi ako eh. Mag ingat po kayo ha. I love you ma!"
Maya maya ay nagluto na ako ng almusal namin,
Nagulat ako ng magring yung doorbell.
Sino naman kaya to? Ang aga aga.
Binuksan ko yung pinto,
at iniluwa ang isang nanamang anghel.
"Zig?" Nagulat ako.
"Hey Sab!" sabay beso sakin.
"Hi! Pasok ka. Gisingin ko lang si Reid."
Dali dali naman akong pumasok sa kwarto para gisingin si Reid.
"Babe.. Huy gising.."
"hmmm....maya naaaa." sabi niya ng nakadapa pa at antok na antok.
"No, gising ka andito si Zig."
Pagkasabi ko non ay bigla siyang bumangon.
"ha?! Ano naman ginagawa niya dito?"
Sabi niya na nagulat din ata nakakunot ang noo.
"Hindi ko alam. Lumabas ka nalang kasi at mag usap kayo."
At nauna na ko lumabas ng kwarto dahil nagluluto ako.
"Zig wait lang ha, palabas na siya."
sabi ko pero parang wala siyang narinig kasi nakatingin lang siya sakin, specifically sa legs ko kasi naka short ako. Nailang naman ako kaya tumalikod na ko para magluto."Anong ginagawa mo dito?" narinig kong sabi ni Reid.
"Hey bro! Hindi mo man lang ba ko kakamustahin muna? Haha" sagot ni Zig.
"Sige. Bro kamusta? Okay ka naman ba? Kamusta naman yung pagtitig mo sa legs ng girlfriend ko? Okay naman ba?" sarcastic na sabi ni Reid.
Nagulat naman ako kay Reid. Di ko alam na kanina pa pala nakatingin sakin si Zig habang nagluluto ako.
"Bro naman! Anyways, pumunta ko dito dahil pinapunta ako ni tita Amor. Birthday kasi ni mommy tomorrow, eh hindi mo naman kasi sinasagot yung mga message at call ni tita sayo, kaya pinuntahan na kita."
BINABASA MO ANG
After Last Night
RomanceIsn't it amazing how a person who was once just a stranger, suddenly meant the world to you? Meet Sabrina, a girl who lost so much in love. A girl who promised herself that she will never love again after her Ex broke her precious heart. After lo...