KABANATA 3 👌

160 6 0
                                    

"Oh sino nga yun?" Tanong niya sa akin na hanggang ngayon hindi pa siya kumakalas sa aking pagkatitig.

Ikaw! Ikaw! Ang taong yun!' Hay kung pwede lang na mabasa niya kung ano yung mga naiisip ko ehh. Edi sana matagal na niya ako siguro niligawan o matagal na din siguro kami naghiwalay.

"Si..." Pabitin ko sa kanya.

"Si?"

"I think we need to go na malapit ng mag 2:30 ohh." Pangiiba ko ng topic baka masabi ko pa sa kanya ng wala sa oras eh.

Umakyat muna kaming dalawa sa kwarto ko para kuhain ang mga bagay na dadalhin.

"Ikaw ah. Mamayang pagkauwi natin sasabihin mo sa akin kung sino siya!" Ahh?

"Galit ka ba? Wag ka nang magalit sasabihin ko rin naman sayo ehh sadyang nahihirapan lang ako ngayon na aminin sa iba na ang nararamdaman ko sa kanya dahil gusto ko yung mahal ko mismo ang unang makaalam na mahal ko siya." Syempre habang sinasabi ko ulit yun nakatitig lang ako sa mga mata niya. Yung feeling na right now nakapagconfess ka na sa kanya iba lang ang way mo.

Nakita ko siyang biglang nalungkot, "Uy wag ka ngang magemote diyan." Sabay tusok ko sa tagiliran niya. Mabilis naman siyang nagreact malakas kasi ang kiliti niya kaya sanay na ako.

Nakuha ko ang atensyon niya at inilahad ko ang kamay ko para abutin niya." Tara na. Ayusin mo na ang mukha mo dahil makikita mo yung crush mo." Inabot naman niya yung kamay ko at nagsimula na kaming naglakad papuntang park ng magkaholding hands.

Park

Nang makarating kami dito ay agad naming nasilayan si Warren na nagaantay samin. Nakatingin sa paligid na parang may inuobserba ang paligid habang nakasandal sa pader.

Papalapit na ako sa kanya ng mapansin kong hindi ko na kasabay sa paglakad si Daniel.

"Uy. Dan. Tara na." Ngunit bigo akong makuha ang atensyon niya dahil titig ang mga mata niya sa lalaking nasa tapat na namin.

"Oh... Hello binibini." Bati ni Warren. Kinuha niya ang kanan kong kamay at aakmang hahalikan to.

"Aray!!" Binatukan ko nga.

"Sa susunod na gagawain mo to... Alam. Mo. Na." Pagbabanta ko sa kanya.

"Oo na, masusunod Layla baby." At kinindatan pa ako.

Tinapakan ko ang paa niya at napahawak ito sa sakit. "ARAY!! Hindi pa nga tayo, battered na agad ako sayo?"

"Kadiri. Ka. Alam mo ba yun. Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo. Atsaka dream on, Warren never akong papatol sayo noh. Kadiri!" Disgusting talaga ang baliw na to.

"Naku, Layla don't be shy. Ganyan mo ba talaga ako kamahal?" Bwisit na to! Kung ano ano ang pinagsasabi.

"Wow lang dre! Assuming much and added mo pa yung feelingero much. First of all, yes I have someone I love pero out of question ka na kung nasa list ka pa. And second hindi ako shy dahil makapal ang face ko kaya kung sino mang may gustong sumampal sa akin, kamay lang nila ang masasaktan. And third you're disgusting, dude!" Naiwan siyang tulala sa mga sinabi ko at hinila ko na si Daniel para makasabay sa akin.

Mga ilang minuto pa rin kaming nagaantay at hindi ko na matiis ang masyadong kahanginan ng kasama namin.

Ipagmayabang ba daw na siya ang pinakapogi sa lahat ng balat ng lupa.

"Uy! Sweety pansinin mo naman ako." I gave him a death glare.

"Attention seeker masyado. Nasan na ba yung babaitang yun?!" Reklamo ko. Tatawagan ko palang siya ng bigla siyang lumitaw na parang bula sa harapan namin.

Bakla, Mahal Kita! 👫💑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon