KABANATA 9 👌

118 1 0
                                    

Layla's POV

Isang linggo na ang nakalipas ng bumalik si Auntie or should I say na nagbabakasyon dito si Auntie.

Sa isang linggo na yun marami raming lugar na rin kaming napuntahan. Nagshopping na kami't lahat lahat, kumain na kami't lahat lahat, and the best talaga ang mga araw na yun.

Mamaya na rin ang balik ni Kuya galing sa Paris kasama ang pamangkin ko syempre pati ang reyna niya.

Naghahanda na ako ng susuotin para sunduin ang pamilya at bumaba patungong kusina para tulungan si Manang na maghanda ng umagahan.

"Manang anong maiitutulong ko sa inyo?"

"Naku Kelly anak hindi na kaya ko na to."

Pagtanggi niya sa akin na tila nahihiya.

"Manang I insist po gusto niyo ako nalang ang maghugas nang Plato."

Lumapit na ako sa lababo at nagsimula ng banlawan ang mga ito at sinabunan.

"Ang bait mo talaga. Pero kaya ko naman yan eh. Sige na ako na diyan."

Pagngungulit na pagtanggi ni Manang sa akin pero wag kayo mas makulit ako. Kung anong hilingin ko ako ang masusunod.

"No Manang. Pagkatapos mong magluto diyan kumain ka muna pagkatapos ay magpahinga ka muna. Napapansin kong lagi kang pagod. Napapansin kong ring lagi kang nakahawak sa balakang mo pero dedma lang ako."

"Ok lang ako. Wag kang magalala."

Hindi ko inimba ang sinabi niya at nagpatuloy na maghugas.

"Pagkauwi ni Kuya sasamahan kitang magpacheck up."

Nagbuga ng hininga si Manang at tila sumuko na sa aking pangungulit at ipinagpatuloy ang pagluluto.

Pagkatapos kung maghugas sinulit ko na ring ihanda ang mga ito para sa gagamitin namin sa kakainin.

"Manang sabay sabay na tayong magumagahan ha. Gigisingin ko lang si Sleeping Beauty."

Sleeping Beauty means Daniel. Paano ba naman kasi ang hirap niyang gisingin tapos minsan hapon na nakakagising hindi mo malaman kung anong ginagawa tuwing gabi na parang laging puyat.

Pagpasok ko nang kwarto ay nakasalubong ko si Auntie at binati ko ito.

"Good morning Auntie!"

Bati ko sa kanya ng may malawak na ngiti namakikita sa maganda kong face.

"Good morning din."

Nakita kong mukhang inaantok pa siya at bumaba na siya.

Pagpasok ko nakita kong ang sarap at ang himbing ng tulog niya habang yakap yakap ang unan ko.

"Dan!! Gising na!"

Inalog alog ko siya pero wala pa rin.

"Sleeping Beauty! Gising na uy!"

Kinuha ko yung yakap yakap niyang unan ko at YUCK!! Yung favorite pillow ko may tulo ng laway niya.

"KADIRI KA!!! Dan!! Gumising ka! Lalabhan mo to! Tinuluan mo ng laway tong unan ko!!! Huhuhuhu"

Sigaw ko sa kanya habang pinaghahampas siya ng unan. Naramdaman ko nalang na gumalaw siya kaya lalo kong nilakasan ang boses ko.

"NEXT TIME TALAGA HINDI KA NA ALLOWED MATULOG DITO!!!"

Naramdaman ko nalang na hinablot niya ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa kanya at niyakap niya ako.

"Anu ba! Bumangon ka na nga!"

Bakla, Mahal Kita! 👫💑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon