KABANATA 6 👌

114 1 0
                                    

"Anong ngiti yan?"

"Wala. Namiss ko lang kasi ang endearment natin sa isa't isa nung mga bata pa tayo, Lilay."

Sabi niya and gosh! Biglang bumilis ang tibok nitong dibdib ko. Ang lakas talaga ng epekto sa akin nitong lalaking to na kasalukuyang naging bakla.

"Ahh Ok. Dali! Bangon na dyan at sigurado akong masusurprise ka!"

Bumangon naman siya at agad kong hinila pababa.

"Anu ba kasi yun at mukhang excited na excited ka!"

Bakas sa boses niya ang pagka- curious niya.

"Basta wala nang maraming tanong atsaka kailan pa naging surprise ang isang bagay kung sasabihin ko naman sayo Diba?"

Nagpahila nalang siya papuntang sa Living room.

"Nasan na yun?"

Bakit wala sila dito? Sa kusina kaya.

Kinaladkad ko pa rin si Dan hanggang sa makita namin siya sa garden namin.

"Auntie naman ehh kung saan ka nagpupunta eh."

Angal ko sa kanya ng makita ko siyang nakaupo at masayang tinitingnan ang mga bulaklak sa bakuran.

"Sorry niyaya kasi ako ni Manang na tignan ang garden niyo maganda daw kasi."

Paliwanag niya.

"A-auntie?"

Bakas sa boses niya ang hindi makapaniwala na nandito na talaga si Auntie sa harapan namin.

"Surprise!"

Sigaw ko at nabigla nalang ako ng tumakbo siya kay Auntie at niyakap. Well naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya dahil siya ang matalik namin Auntie friend. Weird ba?

"Oh! Ang laki mo na! Mas matangkad kana sa akin ngayon ah. Mas gumwapo ka ngayon ah."

At tumawa siya na nasabayan ko narin. Ang cute niya kasi habang nakayakap kay Auntie.

"Maupo na nga tayo at marami tayong paguusapang tatlo."

"Sige Auntie marami rin akong ikekwento sayo."

Sabi ko at naupo kami.

Nagkasya naman kami sa isang bench dito sa garden at pinagitna namin ni Dan si Auntie.

"O sige sino ang mauuna?" - Auntie.

"Auntie matanong nga kita. Bakit hindi ka nakapagpaalam sa amin noon?" -Daniel.

"Oo nga naman hindi mo man lang kami ginising."- ako.

"Bago ko sagutin yan, anong naramdaman niyo o reaksyon nang nalaman niyong umalis ako."-Auntie.

Napaisip ako sa nakaraan ko at

"Ako, umiyak tapos naiinis ako sayo kasi bakit kailangan mo pang umalis."-ako.

"Same."- Dan.

" Paano pa ako makapagpapaalam sa inyo eh baka hindi ako makaalis noon dahil sa inyo lagi kaya akong talo."

Nakita kong ngumiti si Auntie na nakapagpangiti sa amin.

"Ganun? Siguro nga. Hahahaha"

Nagsitawan na rin sila sa akin. Ewan ko kung anong tinatawanan namin basta tawa lang kami ng tawa hanggang sa nagtanong si amin si Auntie.

"Kayo, may napupusuan na ba kayong dalawa? Mga binata at dalawa na kayo kaya siguro meron na yan."

Nakangiti siya ng nakaloloko na parang nagbabasa ko kung ano ang dahilan nun. 'Kayo na noh?'

Bakla, Mahal Kita! 👫💑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon