KABANATA 11 👌

119 4 0
                                    

One month passed by so quickly. Charott pero totoo lumipas na ang isang buwan at lumipas na rin ang mga araw na magkakasama kami ni Auntie dahil babalik na daw siya sa kanyang pamilya.

Bumalik na rin ang mommy ni Dan at bumalik na rin kami sa dati naming sistema. Madalang nalang kami kung magkita ewan ko ba kung ano ang pinagkakabusihan niya.

"Kuya! Good morning!"

Maligaya kong bati sa kanya ng masilayan ko siyang nagkakape.

"Good morning, li'l panget."

Pabalik niyang bati sa akin ng naka ngisi. Ang aga aga eh yan ang bumungad sa akin. Ganda rin noh? Tss.

"Kailan kayo babalik?"

"Gusto mo na ba kaming bumalik?"

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Ano ba sa tingin mo ang sinasabi mo? Sa tingin mo ba masaya ako kapag naiwan akong magisa dito?"

"Sorry na. Ito naman jinojoke lang."

"Not funny."

"Wag ka na ngang magalit. Siguro next Sunday."

"I see. Gusto niyo bang sumama sa akin?"

Pagyaya ko.

"Saan naman?"

"Bibili ng school supplies ko. Bukas na rin ang pasukan namin at sigurado ako magiging busy nanaman ako. Ano tara?"

"Sige."

Pagpayag niya.

"Sama na rin natin si Dan."

"Teka. Magkasama na nga kayo magdamag, hindi ka pa rin nagsasawa?"

"Sige na naman oh."

Pagpupumilit ko sa kanya.

"Don't tell me may gusto ka dun sa kaibigan mo? Umamin ka nga."

"Kuya naman eh! Ano bayang pinagsasabi mo?"

Pagtanggi ko, kahit totoo naman. Honestly, gusto kong sabihin kay kuya, syempre kapatid ko yan kaso nahihiya lang ako. Parang kahit sa kanya ang hirap umamin.

"Fine! Maniniwala nalang ako na wala kang gusto sa kanya kahit na meron naman."

Pagkukumbinsi niya na halata namang inaasar ako nito.

"Fine! I lo-like him. Happy? Tsk."

Pagamin ko.

"That's my li'l panget."

At inaamo niya ang ulo ko. Inalis ko naman ito dahil naaasar ako. Feeling ko nga bawat galaw niya naaasar ako eh feeling ko kasi inaasar niya ako.

"O sige na magayos kana at gigisingin ko pa ang magina ko."

"Tse! Sigurado rin ako na torpe ka. Baka nga si ate Shermain pa ang nanligaw sayo dahil sa katorpehan mo eh."

Nakita kong nanlaki ang mata niya pero agad nitong binawi. Hahahaha bull's eye. Kala mo ah.

"Hahahaha so totoo nga?! Hahahaha dami kong tawa para sa isang torpe? Hahahaha"

"Ganun? Ah sige mabilis lang naman makakarating kay Daniel ang mensaheng pinakatatago mo."

Pangbablackmail niya sa akin at ngumisi ng nakakaloko. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nakikipaglaban ng titigan. Kung sino ang umiwas ay siyang matatalo.

"Tara na nga!"

At umakyat na ako papuntang kwarto ko habang rinig ko ang malakas nitong pagtawa.

Bakla, Mahal Kita! 👫💑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon