EPILOGUE 💖⌛

227 4 0
                                    

Seven years later.

"Ahhhhhh!!!"

"Sige push mo pa! Nakikita ko ba ang ulo niya!"

"Huhuhuhu ahhhhhhh!!!!!!"

"Sugar! Push pa daw!"

"Aaahhhhhhh!"

"Oh ayan na!"

Lahat nang pagod ko napalitan ng saya ng marinig ko ang iyak ng anak ko. Pagkatapos kong masilayan ang anak ko ay agad na bumigay ang katawan ko at nawalan ng malay.

Naalimpungatan ako sa naririnig kong iyak ng bata, at sa pagmulat ng mata ko nakita ko si Dan na buhat buhat ang aming anak.

"Sugar kel, wanna carry her?"

Tumango ako at ibinigay niya sa akin ang anak ko. For 9 months na dala dala ko siya sa sinapupunan ko ngayon nasilayan ko na rin ang mukha ng baby ko.

"Kamukha ko siya. Dan look ang ganda ganda niya."

Masayang wika ko sa kanya habang hinahaplos ko ang mukha ni baby.

"Sugar kel salamat. Salamat dahil binigyan mo ako ng isang anghel. Salamat dahil nandito ka pa rin sa tabi ko hindi mo ako sinukuan sa lahat ng paghihirap na dumating sa atin noon."

Wika niya at hinalikan niya ako sa noo.

"Ako na siguro ang isa sa mga masuwerteng babae dito sa mundo. Binigay ni lord sa akin ang pinakagwapong lalaki at ikaw yun at si baby Daniela."

"Daniela? Sounds good."

"Daniela Kayle M. Ruther."

"Well name her that. Mixing your name into mine and we became one."

"Asus!"

Hindi nagtagal ang paglalambingan namin nang bumisita ang aming maaasahang kaibigan.

"Hello Lay! Congrats!"

Bati ni Taylor at binigyan ako ng beso kiss sa pisngi.

"Uy pre! Musta!"

Bati ni Warren ang asawa na ngayon ni Taylor, nakipaghand-fist ito kay Dan. Man to man.

"Oh nasan si Baby Brix?"

Tanong ko.

"Ayun nasa bahay natutulog."

May baby na kasi sila and he's a two older kay baby Daniela.

"Pre masusundan ba yang princessa niyo?"

"Oo pre hindi ko hahayang magisa lang si Daniela sa buhay namin noh. Diba sugar kel?"

Paglalambing nito.

"Hay naku! Kung alam mo lang."

"Hahahaha ang cute niyo talaga. Osha ito gifts namin sa inyo at ito naman ay para kay baby Daniela."

May inabot si Bessy na paper bag at full of gifts ang naroon.

"Salamat Bessy upo muna kayo."

Umupo naman sila at masaya kaming nagkekwentuhan tungkol sa aming nakaraan.

*tok* *tok*

"Dan, pakibuksan naman."

"Sure sugar kel."

"Bessy, balita ko nakapagtayo na kayo ng restaurant? Ano naman yan?"

"Oo Bessy italic food ang napili namin. Daan kayo minsan dun."

"Talaga? Sige, basta may discount."

"Yan tayo eh.!"

At nagtawanan kaming dalawa like the old days.

Bakla, Mahal Kita! 👫💑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon