KABANATA 4 👌

135 1 0
                                    

Umiling lang siya at ngumiti pero para sa akin pilit lang yun. Para sa akin ang mga ngiting yun ay makikita mong nasaktan siya, nasaktan siya dahil kay Warren at Taylor.

Pero paano naman ako nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at hinigit ko ang isa niyang kamay.

"Tara na. Umuwi nalang tayo."

Sabi ko.

"Huh? Hindi na natin sila babalikan?"

Takang tanong niya.

"Alam mo namang ayaw kong nakikita kang nasasaktan."

Sabi ko.

"Ok lang ako, Kelley. Tara balik na tayo?"

Malambing sa boses ni Daniel sa akin. Ngayon siya na ang nanghihila sa akin papunta kila Taylor.

Naabutan naming naglalambingan ang dalawa kitang mo ang saya sa pagitan nilang dalawa kung paano sila magasaran, magkulitan kahit na mukhang naiinis si Taylor pero makikita mo rin ang pamumula ng pisngi niya.

Napahigpit ang pagkahawak niya at napansin kong nakangiti siya ng mapait sa nakikita niya.

Hindi nagtagal napansin kami ni Taylor at lumapit sa harap namin.

"Layla. Nood tayo sine!"

Pagyaya niya habang may malaking bakas ang ngiti sa kanyang mukha.

Tumango ako bilang pagpayag sa alok niya at ngayon namimili kami ng gusto naming panuorin.

Against ako sa gusto ng magjowa na dramatic story ang panuorin namin at horror movie ang gusto kong panuorin pero dalawa sila eh magisa lang ako kaya wala akong nagawa at ngayon nakaupo na ako naiinis nga ako kay Dan eh hindi man lang kumampi sa akin.

Umupo si Taylor sa dulo syempre kasunod si Warren, ayoko namang tumabi sa kanya kaya si Daniel ang katabi niya sumunod ako.

So Boring. Ang masasabi ko sa pinapanuod namin ngayon. Napansin kong parang naluluha si Dan sa movie. Naiinis man ako sa kanya kanina pero napawi na yun at kinuha ko ang panyo ko at ibinigay sa kanya. Napatingin naman siya at tinanggap iyun.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at nang isinilip ko isang lalaki ang uupo sa tabi ko. Hindi ko na binigyan pansin at kinuha ang popcorn na hawak ni Dan na binili niya kanina.

Omg! Matagal pa ba?! Ina antok na ako.

Habang wala akong pake sa pinapanood ko napapansin ko na ang ingay ng katabi ko banda sa kaliwa ko kaya sumilip ako pero Gosh! Spell LANDI. Paano ba naman kasi kita ko nalang may SPG nang nagaganap dito tapos sa tabi ko pa! Hindi na sila nahiya! Marami pa namang may bakanteng upuan pero dito pa talaga sila gumagawa ng scandal nila.

Gusto ko nang umalis dito sa kinauupuan ko!

"Aalis na ako!"

Sigaw na pabulong kong sinabi ko sa kanila. Hindi ko na sila hinintay pang magreklamo at tumayo na ako sa kinauupuan ko.

Magbabadyang aalis na dapat ako ng hawakan ni Dan ang wrist ko at tumayo na rin siya na balak sumama sa akin. Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan ko siyang sumunod nalang sa akin.

Nang makalabas kami parehas kaming umupo sa harap ng stand ng popcorn.

"Bakit ka sumunod sa akin? Di ba gusto mo siya? Chance mo na yun para mapalapit ka sa kanya ah.."

Bumungad sa kanya ang mga kanina pang mga tanong na pumapasok sa utak ko. Like they said "Curiosity kills a cat." Tama ba? Hayy bahala na nga!

"Alam ko naman yun ehh pero ewan ko lang nainis kasi ako kanina sa kinauupuan ko ng makita silang dalawa ng kaibigan mo na magkahaw ng kamay kaya di ko na matake."

Bakla, Mahal Kita! 👫💑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon