KABANATA 15 👌

163 5 0
                                    

Layla Kelly's Point Of View.

Hindi ko inaasahan na bigla bigla nalang akong hihilain ng lalaking mahal ko patungo sa kung saan niya gustong pumunta.

"Aray! Dan! Masakit!"

Pagrereklamo ko. Nandito kami ngayon sa likod ng school at walang masyadong dumarayo na Studyante ang tumatahak dito. Ikinulong niya ako sa kanyang braso habang ako ay nakasandal sa dingding.

"Marami bang lalaki dito na may gusto sayo ha!"

Galit na tanong nito.

"Ha? Ano bang tanong yan?"

Naguguluhan ako bakit niya ba yan tinatanong sa akin.

"Well kanina para sa kaalaman mo may tsumatsansing na sayo pero hindi mo pa rin napapansin!"

"Hindi talaga kita maintindihan."

"Bakit hindi mo kaagad tinanggal ang pagkakahawak nila sa kamay mo!"

"Yung mga kaibigan mo ba ang tinutukoy mo?

"Oo!"

"Ang higpit kaya ng hawak nila atsaka wala lang yun. Kaibigan mo naman sila, anong masama dun?"

"Hindi ko na alam kung anong masasabi ko sa ka-slowan mo!"

"Bakit ka ba sumisigaw! Hindi ka naman sumisigaw sa akin kahit na may nagawa akong mali ah."

Natahimik siya sa sinabi ko.

"Parang nagbago ka. Isang araw ka palang dito pero parang hindi na ikaw ang kaibigan ko na lagi akong inaasar, malambing, sweet. Hindi mo ako pinapansin kanina tapos ngayon sinisigawan mo ako kasi galit ka."

Hay napakaemotional ko ngayong araw na to. Tumulo nanaman kasi ang kanina ko pang pinipigilang mga traydor na luha.

Napapikit nalang ako at hinawakan ang polo niya. Naramdaman ko nalang na pinupunasan niya ang mga luha ko at pagkadilat ko para akong naistatwa dahil hindi kamay ang gamit niya sa pagpupunas ng luha ko kundi ang dila niya?

Dinilaan niya ako my gosh! Napahigpit ang pagkakahawak ko sa polo niya at mas lalo niya pang inilapit ang niya sa mukha ko at dinilaan niya ulit para punasan ang luha ko.

"Dan! Ano ba yang ginagawa mo."

Pagtulak ko sa kanya ng bumalik ako sa katinuan.

"I'm wiping your tears."

"Pwede namang kamay ang gamitin mo noh! Mangangamoy bad breath ako niyan eh."

"Buti naman at ikaw na ulit ang kelly na kilala ko na mapangbara hindi ang iyakin."

Wika niya at nakita ko ang pagngiti niya.

"Nasan na si Dan na mapangasar! Ibalik mo na!"

"Mapangasar talaga ang hanap mo ah. Paano naman si malambing at sweet?"

Bulong niya sa kanang tenga ko na nagparamdam sa akin ng kilig at feeling ko tuloy namumula na ako.

"Aray!"

Daing ko dahil kinagat niya ang ibaba ng tenga ko.

"Ano bang nagyayari sayo? Sinapian ka ba?"

Tanong ko sa kanya.

"Narealize kong hindi si Warren ang pinagseselosan ko ng makita ko kayong dalawa sa mall."

Panimula niya.

"Sa mall? Ah! Nung time na niyaya kitang sumama pero may lakad ka kaya hindi ka sumama. Akala ko nga guni guni ko lang nung time na nakita kita nun eh yun pala nandun ka talaga."

Bakla, Mahal Kita! 👫💑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon