Chapter 7

5.5K 163 5
                                    

+Elle's Point of View+ 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

+Elle's Point of View+ 

"Any last words, sweetie?"

Napayuko ako at napapikit sa sobrang takot.

May nagawa ba akong masama? 

"A-Ano bang nagawa ko s-sayo?" naiiyak kong tanong habang nakapikit. Naramdaman ko ang marahas na pag-angat niya sa ulo ko kaya't napadilat ako 

"Hindi mo alam ha? HINDI MO ALAM?!" 

Halos manginig ako sa takot nang sigawan niya ako. Kitang kita ko sa mga mata niya ang sobrang galit na para bang gusto nang tapusin ang buhay ko 

"YOU.KILLED.MY.FIANCE!" 

At patulak niyang binitawan ang aking baba. Para bang nawala halos lahat ng takot ko at napalitan ng kuryosidad. Ako? Pinatay ang fiance niya? Paano? 

"Paano ko magagawa iyon, kung hindi ko naman kilala kung sino siya?" kalmado kong tanong. Hindi ko alam kung paano ko nagawang maging kalmado sa bingit ng aking kamatayan. 

"You killed Geneva. I know you did." 

"I did not killed anybod-" 

"YOU DID! BINANGGA MO SIYA AT IYON ANG NAGING DAHILAN NG KAMATAYAN NIYA!" 

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Bakit, wala akong matandaan na nangyari yan? 

"Naaalala mo na? Car accident. At pagkabangga mo sa kanya ay pinasabog mo ang kotse. Natatandaan mo na ngayon?" 

Hindi ko alam pero mas lalo lang akong naguguluhan sa mga sinasabi niya. 

"Imposible. Wala akong matandaan na nangyari yan" 

"At eto pa, hindi namin alam kung paano ka nakaligtas. Nakakatawa." sarkastiko niyang sabi 

"Stop please!" 

"Bakit? Ayaw mo bang marinig ang katotohanan?" nakangisi niyang tanong 

Umiling ako "Hindi. Hindi yan totoo!" 

"That's the truth Elle." 

Pilit kong alalahanin kung mayroon mang nangyaring ganyan ngunit wala. Wala akong matandaan na nangyari ang bagay na iyan. Kaya imposibleng totoo ang sinasabi niya. I know I'm innocent. And I'm not capable of killing somebody. 

"B-Baka hindi yan ako. Imposible, wala akong matandaan!" 

"Mukhang hindi mo ata matandaan." itinago niya ang baril niya sa bulsa niya at seryoso akong tinignan. 

"May proweba ka ba na ako ang gumawa?" tanong ko at ngumisi siya 

"Of course sweetie. I hired a private investigator and based on his investigations, it's really you." meron siyang nilabas na isang picture at pinakita iyon sa akin 

BloodNight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon