Chapter 29

4.8K 138 15
                                    

+Khell's Point of View+ 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

+Khell's Point of View+ 

Isang buwan... 

Isang buwan na ang nakalipas simula nang mangyari ang insedenteng iyon. Akala namin tulad lang ito ng dati, ngunit nagkamali kami. Mas malala ngayon, dahil maraming nawala na dugo sa kanya. Mabuti na lang at parehas kaming type AB at nasalinan agad siya. 

Pero noong sumunod na araw, hindi na namin siya nakitang lumabas ng dorm. She locked herself for a month. Wala rin kaming balita kay Dark, alam naming nagtago rin siya. And it's for the best. He needs to control himself. 

Hindi ko naman masisisi si Dark pero nagagalit pa rin ako. Imagine kung hindi ko siya kablood type, edi hindi agad siya masasalinan ng dugo? tsk. 

Lumabas ako ng dorm at napalingon sa pintuan ng dorm ni Dark. Napabuntong hininga ako nang maalala ang mga ginawa ko noong mga nakaraang araw. 

Day 1

Mahina akong kumatok sa pintuan ngunit walang sumagot. Buong araw ay hindi siya lumabas sa dorm kaya medyo nag-aalala na ako. Maging ang mga kaibigan niya ay nag-aalala na rin sa nangyari.

"Elle?"

Ang sabi nila ay ma inilagay na kakaibang drug sa inumin ni Elle. Hindi drug upang mamatay siya, ngunit drug ito na onto-onti kang papatulugin at kung hindi mo ito malabanan, macocomatose ka. Medically induced coma ang tanging solusyon nila upang patayin si Elle, ngunit naunahan sila ni Dark. Pero hindi niya ito sinasadya. Pero mabuti na lang at may panlaban kami sa drug na iyon.

"Elle nandyan ka ba?"

Ngunit wala pa ring sumagot. Sinubukan kong buksan ito ngunit nakalock pala ang pinto. Imposibleng wala siya rito, dahil unang una, hindi siya makakalabas lalo na't curfew na. At alam kong masakit pa ang kanyang sugat kaya hindi rin siya masyadong makakatayo. Napabuntong hininga na lamang ako at naglakad paalis.

Day 7

Kumatok muli ako ng mahina ngunit rinig ito sa loob

"Elle, alam kong nandyan ka."

Tinrack ko ang phone na ibinigay sa kanya ni Minzy at nakita ko na nandito lang siya sa loob. Walang silang alam tungkol dito at ako lang ang nakakaalam. Ang alam nila ay nagpapahinga lamang si Elle ngunit hindi ako naniniwala. Dahil sapat na ang isang linggo upang gumaling ang kanyang saksak. Dahil sa gamot na ininject namin doon, tatlong araw lang ay gagaling na iyon. Kaya alam kong sinasadya niyang hindi lumabas ng dorm. Isang linggo na kasi ang nakalilipas simula nang dalhin namin siya sa clinic upang gamutin ang kanyang saksak at doon na namin siya huling nakita, kinabukasan ay wala na siya. Naglaho na lamang siya na parang bula.

"Elle buksan mo ang pinto." sinubukan kong buksan ang pinto ngunit nakalock pa rin ito. Nag-aalala na ako ng todo sa kanya dahil hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya sa loob. Posible kayang nagpakamatay na siya?

BloodNight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon