Chapter 42

4.5K 150 24
                                    

Early update!

+Elle's Point of View+

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

+Elle's Point of View+

Dumiretso ako sa school garden upang magpahangin. Napansin ko na malapit na rin maggabi kaya malamig na ang simoy ng hangin. Napayuko ako at may naramdaman na lamang akong pumatak sa aking ulo. Mas lalong dumami at bumilis ang mga patak kaya napatingin ako sa kalangitan. 

Umuulan pala... 

Nanatili lamang ako sa pwesto ko habang palakas ng palakas ang ulan. Alam kong magkakasakit ako pero parang mas gusto ko munang manatili sa ilalim ng ulan. 

Bumaba ang tingin ko sa ekis na marka sa aking binti. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin natatanggal ang peklat nito. Wala sa sarili akong napangiti at napapikit. 

"Never leave me, that's an order." 

Napahalakhak ako ng malakas nang maalala ang sinabi niya sa akin 

"You're the one who left me bastard. I hate you!" sigaw ko at sumikip ang dibdib ko 

Hindi ko alam kung luha ba o ulan ang nasa pisnge ko ngayon. At hindi ko na rin balak pang alamin. 

"I love you and despise you. Fuck! I must be really crazy." nakangisi kong wika at yumuko 

Napalingon ako sa aking kanan at nahagip ng paningin ko si Dark na nasa hindi kalayuan. Walang emosyon na nakatingin sa akin. Kinakausap siya ni Fionelle ngunit hindi siya rito nakikinig. Mas lalong lumaki ang ngisi ko at tumayo 

"Are you fucking happy now? Masaya ka na bang nakikita akong nasasaktan because of your bullshits?!" sigaw ko ngunit hindi man lang nagbago ang kanyang ekspresyon. Napalingon rin sa akin si Fionelle at masama ang tingin niya sa akin 

"I should have picked Khell over you. Or maybe Jaxon? Because compared to them, you're nothing. N-O-T-H-I-N-G. You know what? I'll just forget you from now on. Hindi na kita kilala, at kung mababalik ko lang ang oras, babaguhin ko ang tadhana ko, para hindi na magtagpo pa ang landas natin kahit kailan pa." 

Nakita ko ang biglaang pagbabago ng kanyang ekspresyon ngunit hindi ako nagpaapekto doon. Napangisi ako nang makita ang nanggagalaiting si Fionelle. Padabog siyang naglakad tungo sa akin at naramdaman ko na lamang na dumampi ang palad niya sa pisnge ko 

"How dare you compare Dark to Khell and that Jaxon of yours! Baka nakakalimutan mo, kailangan mong respetuhin ang Dark King at ang BG members, you just broke that rule bitch." galit na wika niya at sinundan naman siya ni Dark upang pigilan. 

BloodNight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon