+Elle's Point of View+
Hirap akong lumakad papunta sa kusina para kumuha ng pagkain. Nagkamali ako, hindi lang pala laslas ang ginawa niya. Sinaksak niya pala ito.
Nang makakuha na ako ng pagkain ay bumalik ako sa kama at umupo. Biglang nakuha ng atensyon ko ang switch ng ilaw. Dahan dahan kong iniabot iyon at pinindot ang off. Kinuha ko ang isang maliit na salamin at tinignan ang repleksyon ng aking mga mata. Dahan dahan kong tinanggal ang salamin na nagsisilbing proteksyon neto at inilapag ito sa table.
Akala ko guni-guni ko lang ang lahat, hindi pala. Talagang dumilim ang kulay ng aking mga mata. Pero, paano nangyari ito? Posible ba talaga na dumilim ang kulay ng mga mata?
Kung dati ay may light purple akong mata
Ngayon ay naging dark purple na.
Napailing ako at dahan-dahang inilapag ang salamin sa gilid. Humiga ako at pumikit. Hindi ako masyadong sanay nang hindi suot ang eyeglass ko. Simula nang gumising ako sa pagkacomatose ay suot ko na ito at hindi ko ito tinatanggal on purpose. Matanggal man ito ay hindi iyon sinasadya.
Natawag ng pansin ko ang gamot na binigay sa akin ni Jilla. Kumuha ako ng isa at ininom iyon. Dapat ay araw-araw ko itong iniinom ngunit palagi ko na lamang nakakalimutan.
BINABASA MO ANG
BloodNight Academy
Mystery / ThrillerHighest Rank: #6 in Mystery/Thriller In which they all welcome her to a hell-like school. But that's not all, because there's someone wanting to have a revenge against her. But who is she anyway? Is she someone special? Or just an ordinary gi...