+Dark's Point of View+
Walang emosyon akong nakatingin sa natutulog na si Elle. Ang sabi ay may Black Elixir na nakahalo sa shuriken na ibinato sa kanya.
Iisang tao lang ang alam kong gumawa 'non. Si Fionelle, tss.
"Dahil naturukan na siya ng White Elixir dati, medyo naimune na ang katawan niya. Siguro mga isa o dalawang araw lang siyang makakatulog ngayon." paliwanag ni Minzy at tumango ako
"Maaari mo na akong iwan. Ako na ang bahalang magbantay sa kanya." utos ko at tumango siya. Pumunta siya sa pintuan at binuksan ito, ngunit nagsalita siya bago umalis
"Ano nga palang plano mo kay Fionelle? Paparusahan mo ba siya sa ginawa niya?" tanong niya at napailing ako
"Hindi ko pa alam. Pag-iisipan ko pa lang."
Tumango siya at napabuntong hininga
"I understand." at isinara niya ang pintuan.
Umupo ako sa tabi ng higaan ni Elle at pinagmasdan ang inosente niyang mukha.
She really reminds me of someone...
Gabi noon at tahimik kaming kumakain ni Mama. Kaming dalawa na lamang ang natira dahil namatay na si Papa four years ago.
"Oo nga pala anak. Nakalimutan kong sabihin sayo."
Ibinagsak ko ang hawak kong kutsara't tinidor at pekeng ngumiti
"Ano yun mama?"
Napabuntong hininga siya at kinuha ang kamay ko
"Anak, wag kang pupunta sa basement ha?"
Kumunot ang noo ko "Bakit po mama?"
"Kasi tuwing gabi, may naririnig akong kung ano-anong tunog. Pakiramdam ko, minumulto ata tayo ng Papa mo."
BINABASA MO ANG
BloodNight Academy
Misterio / SuspensoHighest Rank: #6 in Mystery/Thriller In which they all welcome her to a hell-like school. But that's not all, because there's someone wanting to have a revenge against her. But who is she anyway? Is she someone special? Or just an ordinary gi...