Chapter 8

5.9K 163 6
                                    

+Hanshin Dei's Point of View+

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

+Hanshin Dei's Point of View+

Pinagmasdan ko ang paligid. Wala talagang pinagbago dito, mala impyerno pa rin ang lugar na ito. Mabuti at tapos ko na rin ang aking ginagawa at nakalabas na ako sa kagubatang iyon. 

Agad kong tinawagan si Zion upang kamustahin. Matagal tagal rin kaming hindi nagkita. Kamusta kaya ang pagpapatakbo niya sa Crossers? 

[Hello?] sagot niya sa telepono. Serious as usual. 

"Remember me?" nakangisi kong tanong at nanahimik ang kabilang linya 

"Hello?" 

[Hanshin, is that really you?] paninigurado niya 

"Of course it's me! dalawang buwan lang tayong hindi nagkita kinalimutan mo na agad ako?" biro ko at kunwari pang nasasaktan. 

[Wag ka sanang maooffend pero oo. Dahil dalawang buwan na kaming walang balita sayo, akala namin ay wala ka na.] 

Kumunot ang noo ko. What the actual fvck? 

[Hahaha biro lang! Oh kamusta naman ang ginagawa mo?] 

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko tuluyan na nila akong nakalimutan 

"Tapos na siya. Kaya't nandito ako ngayon sa tapat ng building A. Oo nga pala, kamusta si Dark?" 

Nairinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya 

[Siguro mas mabuti kung sa personal natin pag-uusapan iyan. Hintayin mo ako dyan.] at pinutol niya na ang linya. 

Ilang minuto pa ay dumating na siya. Inaya niya akong maupo kaya't sinundan ko siya papunta sa bench

"Nakita na namin ang pumatay kay Geneva." 

Kumnot bigla ang noo ko "Paano kayo nakakasiguro? 2 years nang sinarado ang kasong 'yan!" 

"We did several tests, at nagtugma na siya nga ang bumangga sa kanya. But.."

Napabuntong hininga siya at seryoso akong tinignan 

"That girl is his girlfriend." 

Halos mapanganga ako sa narinig ko. Imposible, kilala ko si Dark. Hindi siya madaling mahulog sa isang tao lalo na't sa taong pumatay sa fiance niya. Grabe ang pagmamahal niya kay Geneva, at sa tingin ko ay wala nang makakapantay sa pagmamahal na naibigay niya. 

"Teka, alam ba niya na yung babaeng iyon ang pumatay kay Geneva?" tanong ko and surprisingly, he nodded. 

"Yes. Pagtitripan ko lang sana si Dark upang bilhin niya sa akin ang babae, ngunit laking gulat ko nang sabihin niyang girlfriend niya ito. Hindi kapani-paniwala." 

BloodNight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon