Muling magkikita sina Randall at Heimdall pero sa pagkakataong ito, may nagsakripisyo, maraming nasaktan. May maghihiganti. at mayroong dalwang taong magkikitang muli.
Masakit na malamang ang taong mahal mo ay may mahal na iba.
Ngunit mas masakit at nakakainis malaman na ang taong mahal ng minamahal mo ay mayroon ding mahal na iba at nakikita mo siyang nasasaktan dahil hindi ang taong mahal mo ang iniibig ng iniibig niya.
Magulo, maloko, nakakalito pero ganito ang buhay ng mga taong lihim na umiibig.
Ganito ang buhay nina Grau, Mikael, Randall at Heimdall.
Ito ang.... HALIK SA HANGIN.
Please read Code Chasers para malaman ninyo ang pinagkaiba ng gagawa ko sa totoong kwento.
Bale, parang fanfiction lang ito kaya sana'y suportahan ninyo si yoshiro_hoshi sa kanyang kwentong ito.
Arigathankies!!
Vote and Coment!!
~runesaito
------------------------------------
Halik sa Hangin
Randall x Heimdall
Sa isang malamig na gabi kung saan hinihila ni Randall si Fillan dahil sinumpa si Randall ng Arkanghel na si Mikael. Nais makuha ni Mikael ang binatang si Fillan dahil ito ang Deciper-ito ang susi sa pinakaiingatang lihim. Isang importanteng bagay na nagkatawang tao, nabuhay bilang tao at nagkroon ng kaibigan na parang isang tunay na tao. Lahat ng kalungkutan at sakit ay napunta na kay Fillan at nais pang makuha ng mga mamasamang nilalang maging ng mga Arkanghel ang kapangyarihang hawak ng binata.
Lahat ng ito ay hinaharap niya ng mag-isa, at lalo pa siyang nahihirapan sa pagkwala ng kaibigang si Noah.
Kasalanan niya... iyon ang pagkaka-alam niya.
Natatakot sya. May takot kay Grau na ngayon ay nasa katawan ng matalik na kaibigan ni Randall na si Heimdall.
Walang ibang nagawa si Fillan ng gabing iyon kundi ang titigan ang mukha ni Heimdall-ni Grau habang nakatingin ito sa sumasakal sa kanyang leeg gamit ang braso na si Randall na kontrolado ng Arkanghel na si Mikael na ngayon ay nakaharap sa isang salamin kung saan nakikita niya ang nakikita ni Randall at si Grau iyon.
Kita rin ni Fillan habang nakaharap din kay Grau ang pagkabahalang nararamdaman ni Grau kahit pa hindi ito halata sa mukhang iyon ni Heimdall.
Masama ito... hindi ko maaring saktan si Randall, pero hindi ko pwedeng hayaan sa kamay ni Mikael ang Deciper.
Iyon ang naisip ni Grau habang tinitimbang ang sitwasyon. Deciper ang tawag kay Fillan sa hinaba-haba ng panahon at si Grau ang nagkulong dito sa mga nakalipas na siglo. Nagkaroon lamang ng pagkakataong nakawala si Fillan sa kulungan dahil nakilala ni Fillan ang isang batang kamukha ni Noah, o si Noah ang panibagong buhay ng batang iyon. At ng sandaling muling lumaganap ang kasamaan at kinailangan ng katawan ni Grau, si Heimdall ang kanyang sinapian sa pangakong hindi nito hahayaang mapahamak ang pinakamamahal na kaibigang si Randall.

BINABASA MO ANG
Shippable Stories (runesaito)
RomanceALL of this are my collection of my SHIPPING partnership in Wattpad. First, what is Ship/Shipping? -It is a term use by FANS specially YAOI (Boys love/Partnership) to partner their first person to the second person even though they don't have specia...