Minuru's Death

5 0 0
                                    

Minuru's Death

His Lady's PoV

"Minuru?" Hinawakan ko ang balikat niya nang  tawagin ko siya. "Ayos ka lang ba?"  Nasa balkonahe kami ng aking palasyo habang dinadama ang malamig na hangin at pinagmamasdan niya ang paparating na ulan.

"My lady."

Tumayo ako sa kaliwa niya't pinagmasdan ang aking nasasakupan. Hindi naman na siya nagtanong o sumagot sa itinanong ko. Sa halip ay ginaya na lang ang ginawa kong pagtanaw sa kalupaan ng Scotland.

"Ngayon lang nangyaring magaan ka." Pahayag ko na hindi na niya ilinabigla. "Alam kong may gumugulo sa iyo Minuru at nasasaktan ka. Pupwede mo itong sabihin sa akin."

Ngunit tulad ng dati hindi siya nagsalita. Nanatili lang kaming malungkot sa sandaling iyo. Pinabayaan ko lang ang sandali na lumips hanggang siya na mismo ang magsalita tungkol sa kanyang nararamdaman.

"Malaya na siya. Inihatid ko na siya sa kanyang huling hantungan."

Pinagmasdan ko ang kanyang nalulungkot na mukha. Naroroon na nga rin ang pananabik at pangungulila ngunit wala siyang magawa kundi ang tumunganga't hayaang lumipas ang panahon sa kanya. Kahit siya ang Shinigami of Death na hindi mamamatay tulad ng labingdalwa pa.

"Hindi ko man lamang siya sinamahan. Pinabayaan ko lang siyang tahakin ang lugar na iyon ng mag-isa habang ako'y nakatayo sa likod niya't hinihiling na lumingon siya kahit alam kong hindi na niya ako nakikita."

Doon ko nakitang umiyak ang Mist Guardian at Fourth Boss ng Veco. Gamit ang kanang kamay bilang pantakip sa sakit na dinudulot ng mga luha niya at ang kaliwa para pang suporta sa sarili habang nakahawak sa sementadong harang sa harapan niya. Kulang na lang ay maglupagi siya sa ganoong posisyon pero hindi niya ginawa. Basta lang siyang umiyak sa harapan ko't wala naman akong nagawa kundi ang tumingala at hayaan ang nararamdaman niya ang mangibabaw.

Dalwang araw mula ng pakawalan niya sa poder niya ang mga bata ay nagtungo siya sa akin upang itago sa karamihan ng tao at ganoon nga ang ginawa ko. He never excisted. He died with Yohan that night and never recover his bones. Kahit pa ang totoo'y pinadala ko sila at ang tatlong sanggol sa islang kilalang-kilala niya.

Nasasaktan pa rin daw siyang makita ang mga bata dahil habang tumatanda ang mga ito'y lalo solang nakakamukha ni Yohan. Nasasaktan siya dahil sa mga panahng iyon hindi pa rin niya nadadala sa kabilang buhay ang kaluluwa ni Yohan at nang magawa na nga niya kahapon ay ito naman ang nangyari.

Para siyang estatwang nakatingin sa kawalan at hinahanap ang pusong muling bubuhay sa kanya kahit pa alam niyang hindi na niya makukuha ang pusong iyon dahil buhat at kamatayan na ang namagitan sa kanila.

Iniunat ko pataas ang aking mga braso bago magsalita, "Hindi ba't imortal at mananatiling imortal ang mga Shinigami hanggang sa makita nila ang taong kapareha nila sa susunod nilang buhay?" Tiningnan niya ako ng may luha pa rin sa mga mata pero agad din niya iyong pinunasan para makinig sa akin. "Namatay at nabuhay ka na Shinigami Yuya. Bilang master shinigami na pupwwdeng mamatay naging ordinaryong shinigami ka na mamatay sa kasunid na buhay kapag nakasama mo na ang minamahal mo kaya... Pupwede ka ng sumama sa kanya."

"Hindi. Nagbibiro ka lang My Lady." Hindi talaga siya naniniwala sa sinasabi ko kaya binigyan ko siya ng mapaitbna tingin. "I-imposible. Kapag... Pwede ba?"

"My Minuru, I've always been your lady it's time to make you happy. Goodnight. Yuya."

That moment I knew he died painlessly. Kahit pa tinitingnannko na sya ngayon sa ibaba ng tore. I kew that in the road to heaven magkikita't-magkikita sila. Maghahawak ng mga kamay ng may ngiti sa labi at mulingnipapakilala ang sarili.

"Hi, I'm Johnny Stepf Walker."

"Ppfft Stepf?"

"Oo bakit? Pulang labanos."

"Labanos ka d'yan."

"Kamamatay mo rin ba?"

"Ewan, siguro. Ang sama ng loob ko kahapon pero nang dumating ka ngayon Johnny magaan na ang loob ko. Bakot kaya?"

"Hehe ewan ko din pero magaan din ang loob ko na kasama na kita..."

"Yohan. Yohan Sandoval."

"Yohan."

At sa inyong paglalakbay alam kong baon niyo pa rin ang pag-ibig para sa isa't-isa.

"Hihintayin ko ang inyong muling pagbabalik, My Minuru."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shippable Stories (runesaito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon