YOHAN: Leap of Faith PoV of Minuru

13 1 5
                                    

Leap of Faith

Yuya's PoV

Hawak ko  sa bisig ko ang lalaking pinag-alayan ko ng buong puso ko. Ginawa ko lahat ng makakaya ko mailigtas lamang siya sa kinasasangkutan niyang gulo. Pinilit ko pa ang sarili ko noon na suwayin ang kagustuhan ni Col na layuan ko si Yohan dahil alam niyang pupwede akong mahulog dito at masaktan ko si Al pero pinili ko pa ring alagaan at protektahan si Yohan maibalik ko lang ang tiwala ni Al na mahal ko pa noon.

Mahal ko si Al pero unti-unti at parang naging tama na lang sa pakiramdam na palagi kong kapiling si Yohan. Hindi ko naramdaman ang pagkahipnotismo o pagkabighaning sinasabi ng marami na nararamdaman nila kapag nakikita nila si Yubabes. Basta lang ramdam kong naroon siya, kumikinang, nagliliwanag habang tinitingnan ko siya kahit malayo. Naninikip ang dibdib ko ngayong hawak ko siya sa ganitong kalagayan dahil kahit alam kong sa lahat ng pagkakamaling ginawa ko, ang ibigin siya ang tama. Naroon lang, kumikinang, ngumingiti para lamang sa akin.

Lahat ng kalokohan niya, pagiging maharot, pilyo at kahit 'yong mga sandaling nagagalit siya't umaastang parang bata ay nagsisilbing ligaya para sa akin. Doon ko napagtantong ang makasama si Yohan ay katumbas na rin ng aking paghinga.

Kaya naninikip ang dibdib ko habang ngayo'y tinitingnan siya.

Walang buhay, sa aking mga bisig.

Kusang tumutulo ang mga luha ko habang patuloy na nakatitig. Hindi ako kumukirap dahil umaasa akong didilat s'ya't magbibiro lamang pero ramdam ko. Ramdam ko ang unti-unting paglamig ng kamay na hawak ko at kahit sinong kakilala ko sa paligid ko'y naglaho sa paningin ko dahil si Yohan lang ang nais ko.

"Yubabes. Yubabes please... Please... Nagbibiro ka lang 'di ba?" Patuloy ako sa pag-iyak kahit pa pinapatahan na nila ako dahil yakap ko pa rin ang taong ito. "Papatunayan pa natin kina Mike na tayo talaga ang tinadhana hindi ba? Tayo Yohan, Yubabes... Tayo."

Noon ko lang ipinikit ang mga mata ko at niyakap ang walang buhay niyang katawan. Ang mahaba niyang buhok ay nakasayad na sa sementadong daan pero heto ako't itinatayon kaming dalwa habang patuloy akong naghahanap ng init mula sa kanya... Kahit alam kong wala na.

Hindi ko na alam kung paano ako naihiwalay sa  katawan ng mahal ko nagising na lang akong nasa isang kwarto. Hindi ito bahay ni Aren, hindi rin kay Al pero naroon ang pakiramdam na nagpunta na ako dito minsan.

Umiyak ako. Ilang araw at gabing bigla na lang tumutulo ang luha ko. Ilang segundo lang na maalala ko ang nangyari'y napapatitig ako sa kawalan at nakikita ang dugo sa kamay ko habang nasa bisig ko ang katawan ng mahal ko.

Bakit nga ba sa dinami-rami ng sakripisyo ko hindi pa rin umayon sa amin ang tadhana?

Ang bigat sa pakiramdam na itinatanong ko na lang sa sarili ko kung saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali? Lahat ba ng ginawa ko'y mali? Mali bang naramdaman kong si Yubabes ang tama sa lahat ng desisyon ko?

Minsan pa naiisip ko kung nakarma na ba ako dahil una kong minahal si Al kaysa sa kanya? Pero sumasagi rin sa isip kong totoo ang lahat ng isinakripisyo ko dahil mahal ko siya hindi dahil nagmumukhang nakikipagkumpitensya ako sa pagmamahal ni Al kay Aren kundi dahil karapat-dapat siyang mahalin ng ganoon.

Hindi ako si Mike na umibig sa kanya matapos makipagsex. Hindi ako si Koibito na nabighani sa mukha niya. Ako lamang si Yuya na nakita siya bilang pulang labanos. Mapusok, makulit, maharot pero mapagprotekta para sa mga taong mahalaga sa kanya.

Wala akong halos naibigay. Hindi rin ako namatay para sa kanya pero ginawa ko ang makakaya ko para hindi siya maiwang mag-isa.

Hindi ko lang naisip na mauuwi ang lahat sa ganito, ang manatili ako dito nang wala siya sa tabi ko.

Shippable Stories (runesaito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon