Ang kwentong/pairing na ito ay nagmula sa "The Cold Mask and four elements" Created by Elyon. Ang kwento ay napapaloob sa babaeng nagngangalang Elyon Yu na napili ng four elements na maging sisidlan at master nila. Isa itong Normal type meaning hindi talaga ito nahahaluan ng BxB o kahit anong related na genre and with the blessing of the author pupwede akong gumawa ng Shippings at isa na ang shippings na ito na mayroon talagang potensya katulad ng FillanXNoah ni Yoshiro-san.
Though sa Kwento ni Elyon, hindi masyadong maraming moments silang dalwa dahil may thrid wheel na pupwedeng sumira sa shipping na ito but I will do my best to make them more shippable than the story itself.
So ano nga ba ang Cold mask?
Ang kwento ay tungkol kay Elyon na kailangang pumunta sa isang isolated na lugar kung saan kahit summer ay malamig at pupwedeng mag-snow. Mataas ang gate noon at masasabi nga talagang isolated ito sa buong mundo o bansa malapit dito.
Bago mamatay ang reyna, nakilala nito si Elyon at mukhang doon nagsimula ang kalbaryo nya para maging sisidlan. Iyon din ay sa kadahilanang pupwede siyang maging 'slave' ng for elements kung mahina s'ya bago mangyari ang selection. Dahil dito kinakailangan niyang paghirapan ang mga takdang aralin sa academy kasabay ng pakikipagsagupaan niya sa mala-demonyong 'training' ni master Hagiza.
At dahil sa ibinigay sa kanyang rule, kinakailangan niyang magsuot ng halfmask sa school na naging dahilan kung bakit siya binu-bully ng halos lahat ng mga tao roon.
Later on, mababawasan ang kanyang mga bully at makakakilala siya ng mga bagong kaibigan, ang tanong lang; sino sa kanila ang totoong kaibigan?
Kaya naman tunghayan natin ang dalwa sa kaibigan ni Carlisle bago pa man maganap ang unang practice sa kanilang Music Video.
WARNING!
Some part of this story has SPG or mature content like kissing, touching and THAT stuff so if you don't want it, please skip or take that risk.
The Cold mask of Regie
-Alexander X Reggie
Just look at me and Nobody else
Narration
Nasa isang parke sina Reggie at Alex nang maisipan ni Alex na hawakan ang kamay ni Reggie.
Ikanagulat iyon ni Reggie kaya agad siyang lumayo dito at sinabing, "Ano ba Alex?" medyo nakataas pa ang kanyang kamay sa parteng puso at kunot ang kanyang noo habang sinasabi iyon.
Bagamang nasaktan si Alex sa naging reaksyon ng kaibigan ay ngumiti pa rin ito at sinabing, "Ito naman, hindi man lang mahawakan." May halong pangungulit ang tinig ni Alex na s'yang naging dahilan ng pamumula ni Reggie. "Hindi ba talaga pupwede?"
Alam ni Alex sa sarili niya na gusto niya si Reggie at ganoon din ang pagtingin niya sa kanya subalit dahil nagiging desperado na s'ya nitong nakaraan ay hindi na siya nag-aaksaya pa nang sandali para ipakita rito kung gaano niya kamahal si Reggie.
Iyon nga lang, tanging mga babae lamang ang kanyang nakakasalamuha sa parteng iyon ng pagka-curious niya at dahil sa mga babae niya tini-testing ang kanyang moves, hindi niya maisip kung bakit hindi iyon umeepekto kay Reggie.
Sandali pang napatingin si Alex sa kanyang ipinanghawak na kamay kaya medyo nakatunog si Reggie sa mga pinagsasabi nito.
Sandaling kumabog ang dibdib ni Reggie at ginusto niyang muling hawakan ang kamay ni Alex para sana ipakita rito na nagulat lamang siya kanina ngunit agad na may dumaang mga lalaki at kinausap si Alex.
BINABASA MO ANG
Shippable Stories (runesaito)
RomantizmALL of this are my collection of my SHIPPING partnership in Wattpad. First, what is Ship/Shipping? -It is a term use by FANS specially YAOI (Boys love/Partnership) to partner their first person to the second person even though they don't have specia...