Code Chasers:(Young) RandallXHeimdall (Gummy bears)

46 5 10
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Muli po ang kwentong ito ay tungkol sa CODE CHASERS Characters ni yoshiro_hoshi (wattpad).

Sina Heimdall at Randall ay parehong Cardinal sa Code Chasers. Mga may matataas na katungkulan sa Agrivan upang panatilihing tahimik at maayos ang lahat ng nangyayari sa mundo sa itaas ng providence.

Si Randall ang may mas mataas na rango kaysa kay Heimdall. Isa siyang Cheif Cardinall at kanang kamay niya si Heimdall. Si Randall ang pinakaBATANG naging Cardinal sa kasaysayan at mayroon siyang espesyal na abilidad na siyang nakatulong ng mahusay sa lahat ng laban nila sa mga Ghoul noong panahon ng labanan ang Photograpic memory o malinaw na nakikita ang lahat ng mababasa, makikita, at mapaguusapan.

Samantala, si Heimdall ay may kakaibang katauhan. Napansin ni Randall ang kaibihan ng kaibigan matapos nitong bumalik galing sa sagupang siya lamang ang natirang buhay. Kamangha-mangha. Subalit mayroong kapalit ang lahat ng aksyon sa ating buhay, maging sa kanila.

Kaya heto na po, ang taong mahilig sa Gummbers na si Randall at ang taong may dalawang katauhan na si Heimdall. Sino sila?

Sila ang taong mayroong PAG-IBIG mula Noon, hanggang Ngayon.

<3 <3 <3 <3 <3 Randall x Heimdall <3 <3 <3 <3 <3

Pag-ibig Mula Noon Hanggang Ngayon (part 1)

-Randall x Heimdall

Noon sa Pumag-ibig nina Noah at Fillan nagawang maghiwalay ng dalawa dahil kailangan ng bumalik ni Noah sa Agrivan at ayaw namang sumama doon ni Fillan dahil hindi siya pinagpala(blessed one) tulad ni Noah kaya nangako sila na pagkalipas ng limang taon ay muling magkikita.

Sa Pag-ibig ng Kaibigan naman, nakilala natin si Marcus. Ang taong nagmahal, nag-alaga at pumalit sa pwesto ni Noah sa loob ng higit apat na taong pagkakahiwalay ng dalawa. Minahal niya si Fillan ng walang hinihinging kapalit hanggang sa aminin niya kay Fillan ang nararamdaman niya. Pinuno niya ang lahat ng taong iyon ng pagkakaibigan nila Fillan hanggang siya'y lumisan sa mundo nila bilang isang Ghoul na nagmamahal pa rin kay Fillan.

Ngayon, makikilala natin ang dalawang Cardinal sa Agrivan. Mga taong nagsimula sa pagiging magkababata at higit pa ang pagmamahal sa magkapatid at kaibigan. Sina Heimdall at Randall.

<3 <3 <3 <3 <3 Randall x Heimdall <3 <3 <3 <3 <3

Ilang siglo na ang nakakaraan, kabataan nina Randall at Heimdall na parehong ipinanganak sa Agrivan, ang lupain sa langit kung saan naninirahan ang mga blessed one. Mga pinagpalang tao na may kapangyarihan at siyang lalaban sa mga ghouls kung nanaisin nila. Ang iba naman sa mga blessed one ay naninirahan sa Agrivan na parang mga tao lang din sa Providence.

Kainitan ng summer noon ng lumabas si Randall sa kanilang bahay hawak ang isang librong kaniyang paboritong basahin. Tungkol iyon sa nakaraan ng Agrivian at kung paano ito nabuo. Masaya siyang binabasa ng paulit-ulit kung paano nabuo ang mundo at kung anong kagandahan ang naidulot nito sa mga tao sa ibaba at ganoon na rin sa kanila. Gayon pa man nakasaad pa rin sa kwento ang tungkol sa mga Ghouls at mga ginagawang kasamaan ng mga ito.

Shippable Stories (runesaito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon