Ang kwento pong ito ay nagmula sa "Transfer Student From Public High" ni .
Though hindi niya talga gustong magkaroon ng SHIPPINGS sa mga character niya naisip kong gawan nang magandang kwento ang isang parte ng kanayang chapter kung saan malaki ang pagkakatulad nina Tita Los at Mr. Morgan. Sa kwentong ito ninyo makikita kung bakit nga ba naturingang Witch si Tita Los at kung bakit malaki ang galit niya kay Cloud.
S'yempre ang kwentong marami pa ring butas dahil hindi ko pupwedeng isiwalat ang mga nakaraang wala pa sa tunay na libro at ang kwentong ito ay walang SPG moment para naman sa kapayapaan ng utak ng author ng Transfer student.
But then again, mahaba pa ang lalakbayin natin pero tutungo at tutungo tayo sa isang shipping na kasama si Cloud.
Hindi lamang sa Cheese Above Cloud kundi higit pa doon.
Teka, paano kung ang kwento dito ay related din sa Cheese above Cloud?
Hhahha... Just give me a VOTE and COMMENT and I'll continue updating.
Thank you for being with us!
ANCHOR's UP! LET THE SHIP SAIL!!!
The Transfer of Love
-Mr. Morgan x Cloud Patrick
Kasunduan
Narration
Isang katanghaliang tapat nang dalhin ni Celeste o tita Los si Mr. Morgan sa bahay na tinutuluyan nila ng kanyang ina at buntis na kapatid.
"Sigurado ka ba dito?" tanong ni Mr. Morgan habang hawak ang kamay ni tita Los.
"Oo Adrian." Mahina at nahihiyang tugon nito.
Ang buhok ni Tita Los ay parang isa sa mga pang-model ng shampoo at conditioner. Maganda at masasabing parang bagong ligo. Maayos din ang pananamit nito na para bang palaging pupunta sa party. Samantalang si Mr. Morgan ay ang kaswal nitong kasuotan. Simpleng jeans at polong itinupi ang hanggang siko na may kulay pang light blue na s'yang mas nagpapagwapo sa kanyang kaanyuan maging ang kulay dilaw nitong buhok ay nagsisilbing asset para sa binatang itinatangi na ni tita Los mula nang makilala niya ito.
"Pero hindi ba't naroon ang kapatid mo?"
"Eh, ano naman? Mas maganda nga 'yon para mas makilala mo sila." Ngumiti at yumakap sa braso ni Mr. Morgan si tita Los at wala namang nagawa ang binata sa mga sandaling iyon.
Nang makarating sila sa sinasabing bahay ay agad nilang nakita ang kapatid ni tita Los at kinamusta ito ni Mr. Morgan.
"Magandang umaga, kamusta po kayo?" sadyang magalang si Mr. Morgan pero sa loob nito siya iyong tipong malihim at paminsan-minsa'y si tita Los lamang ang nakaka-alam ng iniisip nito.
"Mabuti naman." Sagot ng kapatid ni tita Los saka hinimas ang tyan nitong nasa kabwanan na.
"Nandito ako para—"
Hindi natapos ni Adrian ang sasabihin dahil biglang dumaing ang kapatid ni Tita Los ng pananakit ng t'yan.
"Aray. Celeste, manganganak na yata ako!"
Agad na kinabahan ang babae saka tinulungan ang kapatid. Hindi na rin nagdalwang isip pa si Mr. Morgan at isinakay nila sa kanyang kotse ang ginang. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan. Walang liko-liko o stop over. Emergency ito at kahit pa maraming sasakyan ay para siyang naglalaro sa isang video game dahil mabilis niyang iniiwasan ang bawat sasakyan pagkatapos ay muling papaharurutin ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Shippable Stories (runesaito)
RomanceALL of this are my collection of my SHIPPING partnership in Wattpad. First, what is Ship/Shipping? -It is a term use by FANS specially YAOI (Boys love/Partnership) to partner their first person to the second person even though they don't have specia...