Gagsti sa Manhole
Hi po. Hehehe.. Ito po ay fanmade ko lang tungkol sa lovestory nina Eiji, Buknoy, Alexander at Nathaniel. Sana po ay magustuhan nyo dahil namimiss ko nanaman po sina Eiji at Buknoy. Alam ko naman pong hindi na nila kwento ang Gagsti pero namimiss ko sila nung napasama sila sa isa sa mga story ko kaya po nakakatuwa na ngayon ay ang Gagsti naman ang umaarangkada sa Wattpad.
Nominated po ang Multo sa Manhole kaya nakakatuwa na after three years ata ay narecognize na ang ating mga BxB stories. Being a part of this story (As a reader) ay nakaka-proud talaga!!
Kaya heto po ang aking Fanmade story para sa kanila. Sana po ay tanggapin nyo.
~rune saito.
-------------------------
GAGSTI! Sa Manhole.
Narration
Naglalaro ng pitik-bulag sina Eiji at Buknoy sa parke kung saan palagi silang nagpupunta noon. Kasama rin nila si Mark na ngayon ay hindi nila alam kung nasaan dahil baka may nililigawan nanaman ito.
"Ano ba ang kulit mo naman eh. Huwag ka nga munang mumulat kapag hindi pa kita pinipitik." Asar na nagcross-arms si Eiji at lumihis ang katawan nya pamula kay Buknoy para ipahiwatig na nagtatampo sya sa kasintahan.
"Honey bee naman." Agad na yumakap si Buknoy kay Eiji sa bandang likuran nito para makapaglambing sya dito. "Hindi ko naman kasi matitiis na hindi ka makita kaya hindi ko makaya na maging bulag dahil hindi kita makikita." Nagawa pang halikan ni Buknoy ang leeg ni Eiji dahilan para mapatalon ito sa gulat at mamula na parang kamatis.
Malakas nyang pinalo si Buknoy sa balikat na agad namang ininda nito subalit hindi na sya nagsalita at paawa ang mukhang tumingin kay Eiji ng medyo nakangiti.
"Ayaw mo ba ng mga ganoon Honeybee? Sige hindi ko na lang sasabihin yung mgaganoon wag ka lang magalit." Lalo lamang namula sa hiya si Eiji ng sabihin iyon ni Buknoy.
Gusto ko nga kaya kita pinalo. Nakakainis ka naman eh.
Ipinikit ni Eiji ang mga mata habang medyo nakatungo at nakataas ang mga balikat habang iniisip ang pwedeng mangyari sa parke kapag hindi nya napigilan ang sarili maging ang pagmamahal ni Buknoy sa kanya. Ayaw nyang mapunta sa kung ano mang pangyayari ang kakulitan nila ngayon at baka mapauwi pa sya ng papa nya sa malayong lugar at malayo nanaman sya kay Buknoy.
Hindi na nya kakayanin pang mawala si Buknoy sa kanya. Ang kalahati nya ay nasa taong minamahal nya. Mentallyat Physically nasa kay Buknoy na ang katauhan nya. Mahal nila ang isa't-isa at susuporthan nila ang mga sarili para sa ikakabuti nila.
"Honeybee, sorry na oh. Please wag ka ng umiyak. Hindi ko nauulitin. Please naman oh." Ulit-ulit sinabi iyon ni Buknoy at pinunasan ang mga mata ni Eiji na ngayon ay gulat at lumayo kay Buknoy.
Pinunasan nya ang pisngi at napatunayan nga nyang lumuha sya habang namumula pa rin. Tiningnan nya si Buknoy sa ganoon pa ring ekspresyon. Gulat na namumula.
Naalarma doon si Buknoy. Natatakot na baka tuluyan ng mapalayo ang loob ng kanyang mahal sa kanya. Hindi rin naman mahalata ni Eiji na marami ng what if's na pumapasok sa isipan ngayon ni Buknoy at ang nasa isipan lang nya ay ang mga pangyayaring pwedeng mangyari sa isang park na wala masyadong tao.
Hindi ko alam ang gagawin ko? Saan naman kaya kami magtatago ni Buknoy. Sa totoo lang matagal na rin naman naming hindi nagagawa yun at kung mag-aakit naman sya, papayag naman ako eh. Whhhhaa ano ba itong naiisip ko?!!
Tinakpan ni Eiji ang kanyang mukha at nagtaka pang lalo doon si Buknoy. Nanatili lang sila sa ganoong posisyon ng biglang sumulpot sa gilid nila si Mark na may hawak na cellphone.

BINABASA MO ANG
Shippable Stories (runesaito)
RomantiekALL of this are my collection of my SHIPPING partnership in Wattpad. First, what is Ship/Shipping? -It is a term use by FANS specially YAOI (Boys love/Partnership) to partner their first person to the second person even though they don't have specia...