CHAPTER 6: MAX
"Hello Jared! Do you know that Dad is here in the Philippines?" Agad kong tanong nang sagutin n'ya ang tawag. I am itching to know the answer for unknown reason. Adrenaline is rushing. Nanggigigil ako. There is something I wanted to know pero hindi ko alam kung ano. Something is missing and the hole is bothering me. 'I feel lost.'
Narinig ko ang pagbuntong hininga sa kabilang linya bago ito nagsalita.
"Yes." Alanganin n'yang sagot. One word and again I felt the same feelings before I left California. Loneliness was there. Bakit ko ba nakalimutan na kakambal ko nga pala s'ya? In my life never s'yang mawawala. Dad came here in the Philippines for some reason and he didn't even bother to visit me or just ask me how's my stay here. Tulad rin pala s'ya ni mommy.
"Hey Clau! Are you still there?" Narinig kong tanong ni Jared sa kabilang linya ngunit hindi ko na s'ya nagawang sagutin pabalik dahil nawalan na ako ng lakas. Bigla akong nakaramdam ng panlulumo. Pinatay ko na lamang ang tawag at bumalik na sa Campus.
Wala akong naiintindihan sa sinasabi ng teacher sa unahan. I am physically present but mentally absent. Wala naman akong malalim na iniisip pero hindi ko magawang magfocus. Marahas akong lumingon sa aking likuran ng may taong walang magawa na kumulbit ng kumulbit sa aking likod. Hindi ako nagsalita ngunit binigyan ko naman s'ya ng isang nakakamatay na tingin.
"Pahinging 1/4 na papel." Nakangiti n'yang sabi sa akin. Tinaasan ko naman s'ya ng kaliwang kilay. 'masyadong fc' Hindi ko na lamang s'ya pinansin at itinuon ko na lamang ang aking paningin sa labas ng classroom ngunit wala pang isang minuto ang nakakalipas ay naramdaman ko na lamang ang kanyang presensya sa aking tabi.
"Bilis na pahinging 1/4." Ulit pa nito at nanatiling nakaguhit ang kanyang ngiti. Para hindi na n'ya ako kulitin ay binuksan ko na ang bag ko para kumuha ng papel at ganoon na lamang ang aking gulat ng magsalita ang teacher namin sa unahan.
"Okay number 1, In a basic business - " napalingon ako sa paligid at halos lahat ng kaklase ko ay nakayuko na ang mga ulo at nagsusulat ng posibleng sagot. May quiz pala pero hindi ko man lang alam. Kailan n'ya pa ini-announce 'yon? Bakit hindi ako nabalitaan?
"Ui bilis na, pahinging 1/4 na papel." napatingin ako sa aking katabi. Kaya ba s'ya nanghihingi ng papel kase may quiz? Pero bakit hindi n'ya kaagad sinabi?
"Mr. Guzman and Ms.Vermont kung magtititigan lang kayo sa klase ko ay pwede na kayong lumabas." Napatingin ang buong klase sa amin dahil sa sinabing 'yon ng aming teacher. Nagsimulang umingay ang paligid. Napuno ng bulong-bulungan at sari-saring komento, pero hindi ko na lamang pinansin. Doon naman sila magagaling, sa 'tsismis'.
"I'm sorry po. Hinging paumanhin ko." Pero itong katabi ko ay wala man lamang kakibo-kibo na para bang hindi kami nasita ng teacher.
"You two seems so fond on staring to each other mukhang -" hindi na natapos pa ni Mrs. Idon'tknowwhosheis ang sinasabi n'ya ng biglang nabasag ang bintana.
Kitang kita ang ballpen na nakatusok doon dahilan ng pagkakacrack nito. Hindi nahulog ang mga piraso ng bubog dahil sa ballpen ngunit siguradong kapag inalis ito doon ay magkakapira-piraso ito. Gulat na gulat ang aking mga kaklase, maging ako, dahil doon. S'ya yung lalaki sa bar. S'ya din yung lalaki sa forest. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko 'yon gusto. Kitang kita ko ang takot na gumuhit sa kanilang mga mata, pero bakit? Samantalang ang katabi ko naman ay nawalan ng emosyon ang mukha at nanatiling blangko ang kan'yang mga mata.
"MR.ALCANTRAS!" Malakas at galit na sigaw ni Ma'm "NOT BECAUSE YOU'RE RELATED TO THE OWNER OF THIS SCHOOL AND HAS THE POWER TO RULE THE UNIVERSITY AY PWEDE MO NG GAWIN ANG GUSTO MO." Sermon nito. Kitang kita ang panggigigil sa kan'yang mukha. Ramdam ko ang nabubuong tensyon at alam kong ganoon na rin ang iba.
Akala ko ay tulad ng iba'y sasagutin n'ya ito ng pabalang at ipapahiya sa klase, ngunit hindi. Hindi n'ya na lamang ito pinansin at bagkus ay lumabas na lamang s'ya ng classroom.
"Narinig ko ang nangyari sa classroom n'yo kanina. Grabe talaga si Max hindi na kinontrol yung sarili n'ya." Komento ni Mia habang naglalakad kami sa hallway. Nakasalubong ko lamang s'ya sa may library kanina at sabi n'ya ay sabay na raw kami tutal ay iisa ang aming pupuntahan.
"Sinong Max?" Nagtatakang tanong ko. Saglit s'yang napahinto at tumitig sa akin.
"Hindi mo kilala?"
"Magtatanong ba ako kung kilala ko?"
"Psh' taray. Edi yung bumasag ng bintana n'yo. Siya si Maximillian Alcantras anak ng isang Mafia Boss, tagapagmana ng isang kilalang mafia at leader ng pinakamalakas na gang sa distrito. Pinsan din s'ya ng founder ng school na ito, pero ang alam ko second degree na." Dire diretsong sabi n'ya. Nagulat pa ako dahil nalaman kong tagapagmana pala s'ya ng isang mafia at leader pa ng isang gang. Alam ko naman na hindi na 'yon imposible dahil halos lahat ng nag-aaral dito ay may koneksyon sa mga ganoong klase ng samahan Pero mas naging interesado ako dahil sa nalaman ko na pinsan s'ya ng founder ng school na ito.
"Kaya naman pala ganoon na lang s'ya kumilos, nasa dugo na n'ya ang pagiging bayolente." Wala sa isip kong sabi.
"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan, kasalanan mo rin naman kung bakit hindi s'ya nakapagpigil. Makipagtitigan ba naman! Haler" Umiikot pa ang mga mata n'ya na para bang tinuturuan n'ya ako sa isang napakasimpleng bagay na hindi ko maintindihan.
"Eh ano namang kinalaman ko sa kan'ya?" Inis kong sabi. Ang ayoko sa lahat ay 'yong sinisisi ako sa isang bagay. Tiningan naman n'ya ako na para bang may nasabi s'yang mali.
"Ayy hehe! Oo nga 'no."
"Pero sagutin mo nga ako, sino ba ang founder ng University na ito?" Tanong ko sa kan'ya.
"Hindi mo rin kilala? Ano ka ba? It's a general rule bago ka makapasok sa paaralan na ito. Dapat kilala mo ang founder. This University was founded by Cherry Nadine Smith. A school for elites, sons/daughters of a notorious assassins, gangsters and for an heirs/heiress of a mafia groups pero bawal mo iyong ipagkalat. Tayo lang na nag-aaral dito ang may karapatan na makilala s'ya."
"Kung ganun, bakit kasali ako sa possible founder ng University na ito?" Nagtataka kong tanong.
"Huwag ka kasing naniniwala sa mga nababasa mong article. Isa ka sa mga kilalang estudyante dito kaya napasama ang pangalan mo dun, same reason sa ibang pangalan na nakalagay sa internet." Natahimik ako sa sinabi n'ya. Kilalang estudyante? Paano nangyari yun kung ngayon pa lang ako nakatapak dito?
Nang mapatapat na kami sa dorm n'ya ay agad na s'yang nagpaalam. Nasa ikatlong palapag pa lamang kami at sa ikaapat na palapag pa ang dorm ko kaya naman mag-isa kong tinahak ang daan patungo sa kwarto ko.
HAPPY READING 😘
BINABASA MO ANG
WHO ARE YOU
Mystery / ThrillerClaudette Vermont is a rebellious socialite who is sent back to the Philippines due to her scandalous affairs. Out of her will, she is forced to enter a University, her parents have chosen for her. Little did she know, her life would begin to turn...