Chapter 29

141 12 2
                                    

Chapter 29
All Out War

Nagising ako sa gitna ng parang.
'wait!' Parang???

Kaagad akong bumangon at ilang mura pa ang aking nabitawan ng makaramdam ako ng sakit ng katawan. Para akong binugbog ng paulit ulit.
'Damn it!' Ano bang ginawa nila sa amin.

Mariin akong napakapit sa pinakamalapit na puno ng makaramdam ako ng pagkahilo, at doon ko lang napansin ang tila relong nakakabit sa kaliwang kamay ko.

May mga numerong nakalagay dito, 02:12:50:34 at sa bandang itaas nito ay may nakalagay pang 000. Natitiyak kong hindi iyon oras ngunit wala na akong sapat na lakas upang intindihin pa iyon. Ang sakit ng katawan at pagkahilo ay sapat na upang hindi ko mapagtuunan ng pansin ang buong paligid.

Padausdos akong humimlay sa puno sa aking tabi dahil sa iniindang sakit ng ulo at pagkahilo.

Ang huli kong naaalala ay kasama ko si Max kanina, iniligtas n'ya ako sa mga nagbabagsakang debris pero asan na s'ya ngayon? Wala akong makitang kahit sino, ni maramdamang presensya ng iba ay wala.

Nang matantya kong lumilipas na ang aking pagkahilo ay marahan kong iminulat ang aking mga mata.

Ang kahapong dilim na tila kalawakan sa itaas ay isa na ngayong maaliwalas na kalangitan. Bughaw ang langit ang payapa ang mga ulap.
Bagay lamang sa parang na aking kinatatayuan. Nagmumukha itong paraiso para sa mga taong naghahanap ng kaginhawaan.

Nagpasya akong hanapin ang iba pang mga estudyante. Hindi ako pamilyar sa lugar ngunit nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad.

Sa halos mahigit dalawang oras kong paghahanap ay wala akong nakita. Tinawid ko na lamang ang gitna ng kagubatan ng makarinig ako ng lagaslas ng tubig.

Laking galak ko ng isang batis ang sumalubong sa akin. Bigla ay nagparamdam sa akin ang pagkauhaw at panunuyot ng lalamunan. Kaagad akong dumalo rito at walang binti alinlangan kong sinalok ang tubig gamit ang aking palad. Hindi pa man lumalapat sa aking labi ang tubig ay agad ko na itong nabitawan. Langhap na langhap ko ang lansa nito. Nakakasulasok ang amoy at nakakapanakit ng tiyan.

Binaybay ko ang daan patungo sa bungad ng batis, at ganoon na lamang ang pagbaligtad ng sikmura ko ng makita ang namumutlang mga laman at parte ng katawan ng tao na nakababad sa tubig. Nahaharang ng mga bato ang ilang mga binti na tila ilang linggo na doon dahil sa pagkaputla.

Walang akong nakitang ulo para sana sa mabilis na pagkakakilanlan, tanging mga braso at binti lamang ang mga nandoon.

Kahit kinikilabutan ay pinilit kong lumapit doon. Tanging babae o lalaki lamang ang masasabi kong nagmamay ari ng mga parte ng katawan na iyon dahil na rin sa mga ugat at pagkakahubog nito.

Nang may mapansin ako sa kanilang may pulso ay kaagad kong kinuha ang materyal na iyon na katulad na katulad ng suot kong relos, na nakita ko na lamang sa aking pulso ng magising ako. Ang pinagkaiba na lamang ay ang mga nakasulat na numero.

02:09:46:30 ang nakalagay sa kanila at sa bandang taas ay 300. Sa akin ay may asul na button pang umiilaw ngunit sa kanila ay wala na. Sa tingin ko ay isa itong tracker.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at tama nga ako. May mga nakakabit na camera sa mga puno. I smirked, 'So we're being watched huh!'

Kaagad akong tumayo at bago ko lisanin ang lugar ay kinuha ko muna ang ilang kagamitan na makakatulong sa akin. May bag rin ako ng pagkain na natagpuan. Ang mga sandwich at ilan pang sira na pagkain ay iniwan ko. Ang mga naka sealed at nasa sachet na lang ang tangi kong napakinabangan.




+++++










Mabilis akong umakyat sa puno ng makaramdam ako ng presensya sa paligid. May camera pa akong nakita na kaagad ko rin namang sinira.

Tatlong nakacloak na itim ang dumaan. Hindi ko sila mamukhaan dahil sa tabing sa kanilang mukha.

Kaagad kong kinuha ang daggers kong may sinulid at asintadong ibinato sa direksyon nila. Wala naman silang ginawa sa akin ngunit hindi ko rin sila kakampi. Mas mabuti ng maging maingat, sa labang ito, All I need is to survive.

Sabay sabay silang tumumba at natitiyak kong ilang minuto lamang ay malalagutan na sila ng hininga, dahil na rin sa may lasong patalim na ginamit ko.

Napatingin ako sa relos na suot ko ng bigla itong umilaw. Nagbabago ang mga numerous sa bawat paglipas ng oras, tama! 'Oras'

Maaaring oras ang sinisimbolo ng mga numerong ito. 02:07:28:12

02 days, 07 hours, 28 minutes and 12 seconds.

Ang 000 sa bandang taas nito ay nagbago rin, 300 na ito ngayon.

Bumaba na ako sa puno at nagpatuloy sa paglalakad. Sa bawat taong napapatay ko ay nagbabago rin ang mga numero sa itaas, 800, nangangahulugan na 8 walong tao na ang napatay ko.

'Huh! Pambihira!' So this is how it works.

Nang makaakyat ako ng may bundok ay limang estudyante ang sabay sabay na sumugod sa akin. Natitiyak kong pagod na sila at nangihina dahil na rin sa bagal ng kanilang kilos at paghahabol ng hininga.

Upang wakasan na ang kanilang paghihirap ay hinugot ko ang espada sa aking may likod at iniisang wasiwas ko sa kanila.

Rinig na rinig ko ang kanilang pagdaing at kitang kita ko pa kung paanong pilit inaabot ng isa sa kanila ang kunai sa kaniyang gilid.

Pinagmasdan ko lamang ang kanyang paghihirap at ng mainip na ay ako na mismo ang pumulot nito at nagtarak sa kanyang dibdib.

'This game is survival, and it never entertain weaklings. Will never entertains you.'


02:01:23:56 and 1300





Dumidilim na ang paligid, palagay ko ay gumagabi na. Pero sa pagkakatanda ko ay nababalot kami ng barrier.

Gamit ang sinulid sa aking dagger ay ginawa kong palaso ang kunai na nakuha ko kanina.

Ipinatama ko ito sa itaas at hindi nga ako nagkamali ng tila tumalbog ito. Nababalot pa rin kami ng barrier at kahit ang mga lugar ay minanipula lang din nila.

Naghanap ako ng puno na maaari kong tulugan. Masasabi kong mas ligtas sa itaas at hindi kaagad matutukoy ng kalaban. Mas mabilis at madali ring maramdaman kung may kakaibang presensya.

'Haixt! Sa lahat ng nakasalamuha ko ngayon, wala man lang akong kakilala.' Pero mas mabuti na rin 'yon, ayoko naman na kami kami rin ang magpapatayan.

'Kamusta na kaya sila???






*Please be reminded that this is unedited

'Happy Reading Baebies ^_^'
ENJOY!!!

WHO ARE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon