Chapter 28

146 13 2
                                    

Chapter 28
Death Is Coming


Mahigit 30 minuto na ang nakakalipas mula ng dumating kami sa gymnasium at wala pa ring instructor na dumarating. Sa bawat paglipas ng oras at pagikot ng kamay sa relo ay ang s'yang pagragasa ng kaba sa aking dibdib.


Pakiramdam ko ay unti-unti akong hinahatulan ng kamatayan. Ang aking palad ay namamawis at namumuo ang butil butil na tubig sa aking noo.


Hindi ko alam kung bakit, ngunit sobra ang kaba na aking nadarama.



Tatayo na sana ako sa aking pwesto upang iayos ang aking sistema ng biglang mamatay ang lahat ng ilaw. Kasabay nito ay ang marahas na pagsara ng mga pintuan at ang mumunting pagsilay ng liwanag mula sa mga salitang nabubuo sa paligid.





Ngayon ko lang napansin ang mga glow in the dark na papel na nakakapit sa dingding. Dito nagmumula ang kakarampot na liwanag bagamat hindi sapat upang makita at makikala ang iyong mga katabi.







'Hold the person in your right side and choke her/him to death.' Yan ang unang salita na nabuo.








Bagamat madilim ay ramdam ko ang paninigas ng bawat isa. Walang nakakilos, ang lahat ay natulala at tila pinoproseso ang nabasa.


Isang malakas na sigaw ng pagsusumamo ang s'yang naging hudyat upang sakalin ang kaniyang katabi.


Mabilis akong kumilos. Kahit madilim ay tumalon ako sa kanilang mga balikat habang itinatarak ang dagger na mabilis kong binunot sa aking may binti. Ang buong gymnasium ay nabalot ng mga panaghoy.



Ramdam ko ang mga pwersang pilit humihila sa akin pababa kaya naman buong lakas akong tumalon sa ere upang makabwelo para sa depensa. Ang tatlong dagger sa pagitan ng aking mga daliri ay asintado kong inihagis na saktong tumama sa kanilang noo.



Dahil sa sinulid na nakakabit dito ay kaagad ko itong nakuha at muling inihagis sa kabilang direksyon. Paulit ulit ko itong ginawa hanggang sa bumaba na ang pwersa sa aking paligid, nangangahulugan na iilan na lamang ang nananatiling humihinga sa loob ng gymnasium.




Ilang sandali lamang ay nagbukas ang mga ilaw. Pulang paligid ang unang sumalubong sa akin kasunod ang nagkalat na bangkay.





Iilan lamang ang masasabi kong namatay dahil sa pagkakasakal. Karamihan sa mga bangkay ay may tama at bakas ng patalim, mayroon ding nabalian ng buto at mabibilang sa daliri ang bilang ng mga nakabukas ang mata at kinapos sa hininga, mga binigti.








"CONGRATULATIONS TO THE ALL OF YOU WHO MADE IT 'TILL HERE. YOU ARE NOW THE OFFICIAL PARTICIPANTS OF THE UPCOMING ANNUAL ALL OUT WAR." Anunsyo sa amin sa pamamagitan ng mga naglalakihang speaker.








Ang stage sa unahan ay nagkaroon ng lagusan. Walang pag aalinlangang nagtungo doon ang mga estudyante.


Ng makarating kami sa bandang gitna ng daan ay biglang nagsarado ang magkabilang lagusan. Nakahanay ang lahat na nahahati sa dalawang pila.


WHO ARE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon