Chapter 30
TRAITORMabilis ang naging pagkilos ko ng makaramdam ako ng kakaibang presensya sa paligid. Kaagad kong naalarma at inihanda ang mga sandatang maaari kong gamitin upang maprotektahan ang sarili, para masigurado ang kilos ay marahan kong hinawi ang mga dahong nagkukubli sa akin sa itaas.
Kitang kita ko ang pagdaan ng dalawang taong nakacloak at isang nakalab gown sa ibaba. Kaagad kong iniumang ang dagger na binunot ko sa suot kong boots upang maiasinta sa kanila.
"Shit!" Mura ko ng dumausdos ako paibaba. Hindi ko magawang ikilos ang aking mga kamay, kahit ang ang aking binti ay hindi ko magawang ipadyak dahil sa taong nakadagan sa aking likod.
Walang emosyong nakatingin sa akin ang babaeng nakalabgown at ang katabi nitong naka itim na cloak. Ang isa naman nilang kasama ay ang siyang nasa aking likod ngayon.
"Bring her." Kinilabutan ako sa lamig ng boses ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Mababa ngunit nakakakaba ang kaniyang tinig.
Kahit gustong gusto kong tumitig sa kaniyang mga mata dahil sa pagiging pamilyar nito ay hindi ko magawa.
I can't smell her essence of familiarity but I can feel it. The way she moves are so unfamiliar, but I know, that I once saw that gesture.
Walang imik na kumilos ang dalawang nakacloak. I was about to kick their ass and twirl their arm when they injected me something.
"What was that?" Nanghihina kong tanong. My body became numb at walang hirap nila akong napasan.
I am still aware of what was happening but I can't move even a single bit. Patuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa mapatapat sila sa isang kweba at tuloy tuloy na pumasok doon. No one is talking and no matter how much I wanted to shout and beat them to death, I can't.
After a minute inside the cave, we ended up into another paradise. The ambiance is so peaceful and the surrounding are full of different plants. Yet, at the back of it is another definition of hell.
Gustong gusto kong kumawala at tumakbo sa kinaroroonan nila. I can see from here their pain. The surroundings were scattered with blood and different lifeless body.
Kitang kita ko ang pilit na paglaban ni Mia sa kabila ng mga natamo na nitong sugat. Lydelle has a big wound at her left shoulder at s'ya ang katulong ni Hans sa pakikipaglaban. They are protecting each others' back while Erice were already lying on the ground, pero alam ko, alam kong buhay pa s'ya.
And Max....
Kitang kita ko ang pagtarak ng patalim sa kaniyang dibdib. Gustong gusto kong sumigaw. Kasabay ng paglandas ng mga luha sa aking mata ay ang pagbagsak ni Max sa lupa.
I tried hard to escape from this man shoulder and run towards him, pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makakilos, wala pa rin akong maramdamang iba kundi sakit, all I can feel is the terrifying pain inside and I can't do anything to subside it.
"Please" walang lakas na bulong ko sa aking isipan dahil kahit ang pagbuka ng bibig ay hindi ko magawa.
Palayo ako ng palayo sa lugar na iyon, at paliit na rin sila ng paliit sa aking paningin.
Nang tuluyan na silang nawala sa aking paningin ay lalo pang dumagsa ang luha sa aking mga mata.
Nawalan na ako ng lakas na manlaban kahit pa sa isipan ko na lamang. Tuluyan na akong nanlambot at nanghina.
BINABASA MO ANG
WHO ARE YOU
Mystery / ThrillerClaudette Vermont is a rebellious socialite who is sent back to the Philippines due to her scandalous affairs. Out of her will, she is forced to enter a University, her parents have chosen for her. Little did she know, her life would begin to turn...