CHAPTER 20

250 19 2
                                    

CHAPTER 20: STOLEN MOMENT










"Oh my God!" Lydelle beamed in disbelief as her eyes were full of confusion. I was caught off guard. Hindi ko alam ang gagawin. Kung tatayo ba ako, yuyuko o hindi na lang s'ya papansinin at aaktong walang nangyari.


My heart beats eratically and my mind seems at its lost.


I glance on Maximillian side and there he is, sitting on the bed while his hand was on his pocket.


Damn man! Nagagawa n'yang umakto na parang wala lang samantalang halos atakihin ako sa puso dahil sa napaka bilis na pagtibok nito.


"Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ko at marahang tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig at nagdiretso sa pinaka malapit na cabinet.

Nagpanggap akong may hinahanap kahit na wala naman para lang maiwasan ko ang mapanuksong tingin ni Lydelle, kahit pa alam kong wala naman akong kawala sa nagbabadya n'yang pangi-intriga.



Habang binubuklat ang mga papel na hindi ko naman alam kung tungkol saan ay hindi ko maiwasang manginig. Hindi ko mailipat ng maayos ang mga pahina dahil sa sobrang kaba. Napabuntong hininga ako at ibinukas-sara ang mga kamay.

My hand is trembling for a certain reason at hindi nakakatulong ang presensya ng isang Maximillian Alcantras doon.


I am scared -nervous rather for what may Lydelle say. Baka hindi nito mapigilan ang sarili at may kung ano pang masabi na maaaring makapagpahiya sa akin sa harap ni Max.


Damn! Why am I even thinking about what he'll say. So what then?



"I saw it clearly right?" Tila hindi pa rin makapaniwalang tanong n'ya. "Oh my god! Clau and Max, kneeling on the floor. K-I-S-S-I-N-G" Napatapik pa ako sa noo at mariing napapikit habang hindi maintindihan ang gagawin. Shit! Double embarrassment talaga itong ginagawa ni Lydelle.


"Hindi talaga ako makapaniwala. I knew it! May nararamdaman na talaga akong something sa inyo noon pa. Gosh! My ship is sailing and I feel like winning." Nagwawala na nitong sabi at umikot ikot pa sa amin ni Max.



Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi kaya naman ng hindi ko na makaya ang hiya ay kinaladkad ko na s'ya palabas. I left Max inside na mukhang wala sa sarili habang namumula ang mga tenga.



"Hey! Wait Clau! Masakit." Angal n'ya habang kinakaladkad ko s'ya papalabas sa designated room para sa amin. Dinala ko s'ya sa cr at malakas na ibinagsak ang pinto papasara.


Walang nagsasalita sa amin ng makapasok kami roon. We kept silent for a minute nang bigla s'yang magsalita.


"You kissed!" Nakangiti n'yang sabi. Her smile seems dangerous. It is devilishly pretty na para bang may nalaman s'ya na hindi dapat. That she discover something that can make her opponent kneel in defeat.


"And so?" Nakataas ang kilay kong tanong. Pilit itinatago ang kaba. I can't stand with the thought that someone can act superior on me, aside from the empress.


"It means that I won." Nakangiti n'ya pa ring sabi na nagpakunot sa noo ko. 'She won from what?'


"You won huh? At saan naman?" Tanong ko dito.


"Correction, kanino! And you see, the fact that you and Max kissed means something."


"What?"


"It means defeat for that girl named 'Mia'


"Wait! Pinagpupustahan n'yo ba kami?" Naninindak kong tanong. Paanong matatalo si Mia dahil nakita n'ya kami ni Max?


"Of course not! Alam mo Clau, kami ni Mia may silent rivalry sa pagitan naming dalawa." Napatawa ako sa sinabi n'ya. Naiiling akong tumingin sa kan'ya at hindi na itinago ang panghahamak sa mukha.


"Lydelle, anong silent rivalry ang sinasabi mo? Kulang na lang ay pasabugin n'yo ang kwarto sa tuwing magkakasama kayong dalawa at isa pa para kayong mga aso't pusa. Nasaan ang silent rivalry doon hmm?" Natatawa kong tanong.


"Ah basta! Ang mahalaga ngayon ay ang nakita ko. Oh my gosh! Hindi ko mapigilan ang kilig ko. You and Max kissed. Like this oh." Pinagtapat n'ya ang kanyang mga daliri na hugis tuka at pinagdikit ito.


"You. Max. Tsup!" Napailing ako sa inasta n'ya.


"God! Totoo ba ang narinig ko? Clau and Max kissed?" Napalingon ako sa may pinto nang magsalita mula rito si Mia. Bakit ba nauuso ngayon ang hindi pagkatok at basta na lang pagsali sa usapan?


"Aha! They kissed. Clau and Max kissed. Gosh!" Kinikilig na sagot ni Lydelle. Napatapik na lang ako sa noo. Bakit ba napapaligiran ako ng mga wirdong tao.


"Tumigil na kayo, pwede?" Saway ko sa dalawa. Baka kung saan na naman mapunta 'to kapag nagpatuloy pa sila.


"But how about Jared? Bagay pa naman kayo." Nanlulumong tanong n'ya. Kahit ako ay natahimik. How about Jared? How about Max? How about me? Bakit napaka-komplikado ng mga bagay? Dapat ba talagang maging ganito?


"Guys, stop it. Don't misinterpret things." Sabi ko na lang at nauna ng lumabas sa kanila.


"Hmmp- what?" Gulat kong tanong. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Max being this near to me is enough to put my heart in a haywire.


"Clau"


"What? Bakit ba basta basta ka na lang naghihila? Paano kung may makakita sa atin? Baka kung ano pa'ng isipin nila." Kahit gaano ko pa kagusto na malapit ka sa akin, hindi pa rin pwede. Napabuntong hininga ako sa naisip.

Iniikot ko ang paningin ko sa paligid. Nasa may eskinita kami sa may cr at wala masyadong tao ang nagdadaan pero ang kaba sa dibdib ko ay hindi pa rin naiibsan.


"I don't know either."


"What are you doing?" Bulong ko na halos, nang ilapit n'ya ang mukha sa akin. My breathing is now uneven. Ang kaba ay mas dumoble pa.


"I'm about to kiss you again." Nanlalaki ang mga matang napakapit ako sa kan'yang braso. Hindi ko maintindhan kung ano ang dapat kong maging reaksyon.
Dapat ko s'yang itulak palayo pero hindi ko magawa dahil kahit ako ay gusto ko ang halik n'ya.


I want him mine but I know that I can't.


Paano ko gugustuhin ang isang bagay na s'yang naging dahilan kung bakit kami nasira?


Ipinikit ko ang aking mata at dinama ang kan'yang halik kasabay ng lihim na pagpatak ng aking luha.


Kahit ngayon lang, panakaw ng sandali.












ENJOY READING 😘

WHO ARE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon