CHAPTER 11

383 41 10
                                    

CHAPTER 11: PICTURES







Padabog akong umupo sa may harapan n'ya para mag-almusal. Naiirita pa rin ako sa Maximillian Alcantras na iyon dahil sa ginawa n'ya kagabi. Talagang hindi n'ya ako pinagbuksan nang katukin ko ng katukin ang kan'yang pinto. Bwisit talaga sa buhay ang isang 'toh!'




"Good Morning." Bati n'ya sa akin na may nakakalokong ngiti nang mapansin n'yang hindi maganda ang umaga ko. Inismidan ko s'ya at tiningnan ng pasaring nang kumuha ako ng tinapay at gigil na naglagay ng palaman.



'Huwag mo s'yang pansinin Clau. Isa s'yang bwisit sa buhay mo.' Bulong ko sa sarili ko.



"Kamusta ang tulog mo sa kwarto ko?" Nang iinis n'yang tanong dahil talagang itinataas taas n'ya pa ang kanyang kilay. 'Just ignore him Clau.' Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko and pretended that I'm alone here in the dining.



"Mamaya nga palang 10 a:m ang schedule ng interment ni Grace. Napagpasyahan ng admin na sagutin na ang lahat ng expenses dahil sa naging request mo." This time napatingin na ako sa kan'ya.



"Bakit naman 'yon gagawin ng admin?" Nagtatakang tanong ko sa kan'ya. Ang totoo n'yan ay hindi ko maalala na lumapit ako sa kanila para sa usapin na iyon. All I can remember is that I just told them that I'll gonna claim Grace corps for proper interment.



"Ewan!" Kibit balikat n'yang sagot sa akin. Nakakapagtaka naman.



"Oo nga pala, pwede bang ikaw na lang ang pumunta sa libing ni Grace. Naisip ko kasi na dumiretso sa kwarto n'ya mamaya para ayusin na yung mga natitira n'yang gamit."



"Okay."



Ilang buntong hininga ang ginawa ko bago ko tuluyang binuksan ang pintuan ng dorm ni Grace; ang dati kong roommate.



Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Nakaramdam ako ng kakaibang lamig ng tuluyan kong mabuksan ang pintuan. Wala namang naiba sa pagkaka-ayos nito, ang itsura ay tulad pa rin noong una ko itong makita but the ambiance was different, the feeling of being at home and comfort was gone, maybe because of the tragedy.



As If on cue ay nagbalik ang ala-ala nang makita ko ang dorm mate ko na walang buhay, may sak-sak sa dibdib at patay. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at umiling iling na para bang sa ganoong paraan ay mawawala s'ya sa aking isipan.



Mabibigat ang hakbang na aking ginawa papalapit sa kanyang deck kung saan nakalagay ang kanyang mga gamit. Sa tabi noon ay mayroong dalawang cabinet, isang lagayan ng kanyang mga libro at iba pang gamit sa pag-aaral at ang isa naman ay para sa mga personal na bagay, kabilang na ang mga damit.



My heart beats erratically while taking her things off. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng kaba. Habang tinatanggal ko ang kanyang mga damit sa patas nito ay nakita ko ang isang nakataob na picture frame sa pagitan nito. Kaagad nanlamig ang kamay ko na nakahawak dito.



'Damn it Clau! It's just a freaking picture frame.' Sigaw ko sa aking isip ng makaramdam ako ng takot.



Nang iharap ko na ito ay bigla ko itong nabitawan dahilan upang mabasag ang bubog ng frame. Sa kabila ng pagkakabasag ay kitang kita ko pa rin ang larawan ng dalawang masayang babae na nakangiti sa harap ng camera.



Hindi ko maipaliwanag ang bilis ng pagtibok ng aking puso, may kasama itong emosyon na hindi ko mapangalanan. Natitiyak ko na si Grace ang isa doon kahit na may suot pa s'yang salamin, ngunit ang isa na may kagaya kong mukha ay hindi ko magawang mapatunayan na ako.



WHO ARE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon