S.A. Chapter 6

24.7K 270 3
                                    

First day of school kaya maaga akong gumising.

Kailangang maaga kami sa school dahil alas 8 ang first class ko.

Hay makaligo na nga.

Pumasok na ako sa banyo at naligo. Matapos ay nagbihis na ng uniform at harap na sa salamin.

OMG! Ang ikli naman ng palda! Masisilipan kami nito eh!

Suklay..

Lagay ng polbo..

Lagay ng lip gloss..

Ayan tapos na. Syempre ang likas na maganda ay di na kailangan ng kolorete.

Hehehe..(sabay kindat pa sa salamin)

Ayan okay na..

Krrrooooo....

Nasapo ko ang tyan ko ng biglang kumulo ang aking sikmura.

Gutom na pala ako. Dapat kakain muna. Bawal magpagutom sa first day ng school.

Lumabas ako ng silid at naghalungkat ng pweding kainin sa kusina.

Ayan! Pwede na to.

Kinuha ko ang cup noodles at nilagyan ko ng mainit na tubig. Nang makitang pwede na itong kainin ay naupo na ako sa dining table ko at sinimulang lantakan ang pagkain.

Nang maubos ay itinapon ko na ang basura at binitbit ang bag palabas ng condo.

Sumakay nalang ako ng taksi para mabilis akong makarating ng school.

Tamang tama naman na halos magkasabay lang kaming dumating nina Avah at Shirley.

"Jill...." tawag ni Avah pagkababa ko ng taksi. Sabay pala sila ni Shirley.

Kung sabagay, magkapitbahay lang ang dalawa.

"Kararating niyo rin lang?" tanong ko ng makalapit sa kanila.

"Yup!" sagot ni Shirley.

"Tara pasok na tayo!" ako sabay hawak sa magkabilang braso nila. Sanay kasi akong ganito.

Naglakad na kami papasok matapos ipakita sa guard ang aming id.

Marami narin ang mga studyante sa plaza at nagkanya kanyang kumpulan.

Alam niyo bang andito na pala si Dominic?

Talaga? Waahhh! Sana kaklase natin siya!

Siguro ang gwapo na niya ngayon lalo pa at dalawang taon din siya sa Amerika..

Oo nga.. Sayang nga di natin siya nakasabay sa graduation..

Yan ang narinig naming kwentuhan ng isang grupong malapit sa amin. Ipinagkibit ko lang ng balikat ang narinig.

"Sus lalaki na naman!" angal ni Avah.

"Pero ha, kanina ko pa kaya naririnig ang pangalang yan. Nakasakay palang tayo ng jeep eh yan na ang usap-usapan. Sino kaya siya?" curios na sabi ni Shirley.

"Maybe he's famous. Artista siguro." sagot ko.

Biglang nabaling ang aming atensyon ng may marinig kaming announcement galing sa speakers.

"All first years are requested to proceed at the quadrangle for our orientations."

Nagtungo naman kami sa sonabing lugar.

Nagsimula ang orientations sa pagsasabi ng mga roles and regulations. Tapos hinati kami sa sampung grupo at ipinasyal sa buong campus.

Malaki at malawak ang sakop nito kaya di namin natapos libutin sa buong araw. Sinabihan nalang kami na kami na ang bahalang mamasyal.

Secret Affair [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon