S.A. Chapter 21:

14.8K 184 3
                                    

Jill at multimedia.. she's crying..:-(

-----------

Jill's POV:

o_O OMG!

Tila ipinako ako mula sa pagkatayo sa gilid ng nakabukas na pinto.

Paano ba naman kasi.. Bumungad sa akin ang isang malaking teddy bear na nakabalandara sa harapan ng condo.

"Princess, sino yang nasa labas.." tanong ni Nate na sumungaw mula sa kusina.

"Ah.. Eh.. Uso..?" naguguluhan kong sagot.

"Hi Jill.." bati ng isang tinig mula sa likuran ng bear.

Lumabas mula dito si Lourde.

"O, Lourde andyan ka na pala.." nakangiting saad ni Nate na lumapit sa akin.

Iniyakap niya ang isang braso sa aking bewang.

"O, eto na yung pinabitbit mo sa akin.. Grabe ang bigat ha?" angal ni Lourde at saka inunat ang kanyang mga braso.

Deretso itong pumasok sa loob ng condo at saka naupo sa sofa.

Nagkatinginan kami ni Nate at sabay na napangiti.

Pumunta na ako sa kusina habang kinuha naman ni Nate ang Uso.

Sobrang laki talaga nito at halos di magkasya sa pinto.

"Babe, saan mo yan ilalagay?" tanong ko.

Dinulutan ko ng juice si Lourde.

Naupo naman si Nate sa harap ni Lourde.

Iniwan ko muna sila sa sala at binalikan ko na ang nakasalang kong labahan.

Siguro tapos na ito..

Tama nga ako at tuyo na ang mga ito.

Kinuha ko na at dinala sa silid.

Inayos ko ito sa cabinet ni Nate at saka isinuot ang damit ko.

Huh? Naku malapit na palang mag-alas dose.. May usapan pa naman kami nina Avah na magmalling ngayon.

Lumabas na ako ng silid.

"Babe alis muna ako at may lakad pa kami nina Avah.. Una nako Lourde." paalam ko sa kanila.

Tumayo naman si Nate at sinabayan ako.sa may pinto.

"Di muna kita maihahatid princess at may pag-uusapan pa kami ni Lourde." sabi ni Nate at hinapit ako sa bewang.

"Okay lang.." nakangiti kong sagot.

Hinapit niya ako at hinalikan sa labi.

Nagtagal ding ng ilang segundo ang aming halikan.

Kapwa kami napangiti ng marinig ang ahem ni Lourde na nagpahiwalay sa amin.

"Ahem.. May tao dito.. Wag nyo namang inggitin." nakangising sabi ni Lourde.

Nginitian ko si Lourde at binuksan na ang pinto.

Napatda ako ng mapagbuksan ang isang magandang babae sa labas ng condo.

May katandaan na ito..

Subalit mas napatda ako ng makita ang babaeng nakasunod sa kanya.

"Tita sorry natagalan ako at naiwan ang susi sa kotse... Huh!? Jillian?" nakakunot noong tanong ni ate Shirly ng makita ako.

Bumaba ang tingin niya sa aking bewang na kasalukuyang nakayakap pa din ang isang kamay ni Nate.

Agad na nalukot ang kanyang mukha sa nakita.

Secret Affair [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon