Jill's POV:
Christmas break na kaya ihinanda ko ka ang dadalhin pauwung Cebu.
Kinakabahan ako..
Pero kailangan kong umuwi.
Sabi naman ni Nate ay sasamahan daw niya ako.
Ayoko sana pero sabi niya kakausapin daw niya ang parents ko.
Mas lalo tuloy itong nakadagdag sa alalahanin ko.
"Okay ka lang, princess?" tanong ni Nate.
Kasama ko na nga pala siya ulit sa condo ko.
Napag-alaman kong umuwi na si Ate Shirly sa Cebu.
Pero mukhang di ito nagsumbong kina papa dahil di naman ako tinawagan nila.
"Oo babe! Okay lang ako. Medyo kinabahan lang ako sa daratnan natin." sabi ko habang ipinagpatuloy ang paglalagay ng gamit sa maleta.
Lumapit sa akin si Nate at niyakap ako mula sa likuran.
"Dont worry babe.. We can get through this.. As long as we have each other, were strong.. Okay?" sabi niya.
Napangiti ako at humarap sa kanya.
Ang swerte ko talaga to have him.
Alam kong mahal na mahal niya ako.
He prove me that in many times.
"I love you babe.." nakangiti kong sabi at yumakap ako sa kanyang leeg.
Hinalikan naman niya ang tungki ng ilong ko.
"I love you more princess.." sagot niya at siniil ako ng halik sa labi.
"Love birds tama na muna yang tukaan at gutom na kami noh! Mang-inggit ba naman!" sigaw ni Shirley na sumungaw mula sa pinto ng silid.
Agad naman kaming naghiwalay ni Nate.
Nagtatawanan kaming lumabas ng silid.
Oo nga din pala. Kasama namin sina Avah at Shirley ngayon dahil mamaya ang flight namin pauwi at nilibre sila ni Nate.
"Tara sa labas nalang tayo kumain at deretso na tayo sa airport." saad ni Nate.
"Yes!" sabay na sabi ng dalawa at mabilis kinuha ang dala-dalahan nila.
Natawa naman ako ng makitang ang laki ng mga bag nila.
"Di naba kayo babalik ng manila?" tanong ko.
"Ah hehehe! Di naman kasi kami tulad mo noh na maraming damit kaya di na kailangang maghakot." nakairap na sagot ni Avah.
Nagtawanan nalang kami.
Binitbit na ni Nate ang gamit ko at sabay kaming apat na bumaba.
Van ni Nate ang sasakyan namin at driver nila ang maghahatid sa amin sa airport kaya di na nagdala ng kotse si Nate.
Matapos naming kumain sa isang restaurant malapit din sa airport ay deretso na kami sa waiting area.
Masama talaga ang pakiramdam ko.
Tila hinahalukay ang tiyan ko sa kaba.
Ginagap naman ni Nate ang palad ko at marahang pinisil.
Alam kong naramdaman niya ang takot ko kaya pilit niya akong pinapakalma.
Ngumiti ako sa kanya at sumandal sa kanyang balikat.
Ilang oras din kaming andoon bago tinawag ang sasakyan naming eroplano.
BINABASA MO ANG
Secret Affair [ Completed ]
General Fictionyou've met him by chance. you love him by choice. but he's commited with someone else. is there a chance that you could have him forever? or you'll just stay with him having.... Secret Affair.. . a/n: some scenes are not suitable for all or any ages...