Jill's POV:
"Hoy! Kanina pa kami dadak ng dadak dito wala naman palang nakikinig!" sabi ni Shirley sabay pitik ng kanyang daliri sa tapat ng aking mukha.
Tila naman naalimpungatan ako.
"H-ha anong sabi nyo?" takang tanong ko.
"Ayuuuuun!! Ang sabi ko, saan ka galing at di ka pumasok kahapon?" nakataas ang isang kilay ni Avah habang nakapamewang pa sa harap ko.
Nasaan kami ngayon? Nasa canteen lang naman. Wala kasing professor namin kaya dito kami tumambay.
Napangiti ako ng maalala ang tinatanong ni Avah.
"Ahm... Sa condo lang.. Natulog.." sagot ko na ngiting ngiti pa.
"Asuuuusss... Ikaw, umabsent para lang matulog? Himala yata yun ah?" di naniniwalang saad ni Shirley.
Umiling lang ako. Wala akong balak sabihin sa kanila ang nangyari kahapon. At least di pa ngayon.
Napakainit naman ng panahon ngayon. Pinagpawisan na ako. Wala sa loob ko na itinaas ang aking buhok at ipinusod.
Nanlaki naman ang mata ng dalawa habang nakatingin sa akin. Nagtataka tuloy ako.
"Bakit?" tanong ko sa kanila.
"OMG! Sabi na nga ba eh! Nagmimilagro ka kaya ka absent..!" sabi ni Shirley.
"Hoy! Sinong may gawa niyan?" deretsang tanong ni Avah at may itinuro pa sa bandang dibdib ko.
"Huh?" nanlaki ang mata ko ng marealize kung ano ang tinutukoy nila. Agad kong tinanggal ang pagkapusod ng aking buhok at inayos ito upang takpan ang nakita nina Avah.
"Ah eh.. Hehehe... Kasi..." putol putol na sabi ko.
"Sino?" sabay na sabi nina Avah at Shirley. Napalingon tuloy sa kinauupuan namin ang ibang naroon.
Pinandilatan ko naman sila ng mata kaya napatakip sila pareho ng bibig.
"Si Nate.. Kami na.." mahinang sabi ko.
"Woahhh!! Eeeeehhhhh.... Yes! Panalo ako!" impit na tili ni Shirley.
"Huh? Akala ko ba di pa siya nagpakita?" takang tanong ni Avah.
"Dumating siya noong nakaraang gabi may dalang malaking teddybear.... Basta nangyari nalang bigla at kami na.." sabi ko.
Ang saya lang ng feeling..
Kahit ngayon ay tila lutang pa rin ako..
"Mahal mo siya?" tanong ni Avah.
"Syempre naman noh? Kita mo ngang lutang pa yan eh.." singit ni Shirley.
"Eh baka high lang doon sa nangyari.." Avah uli.
"Basta panalo ako.." si Shirley.
"Mahal ko siya. I know maaga pa para sabihin yun. But im sure mahal ko siya." sagot ko sa kanila.
Nagkibit balikat naman si Avah bago napangiti.
"Mukha nga.. Ngayon ka lang nagkaganyan eh.. Sayang akala ko pa naman si Dominic na ang magiging first bf mo!" si Avah.
Napakunot noo ako sa sinabi niya.
Huh? So nagpustahan pala sila kung sino ang maging bf ko?
Langya naman tong dalawang bestfriend ko..
"Grabeh kayo ah! Nagpustahan talaga sa magiging bf ko?" nanlalaking matang tanong ko sa kanila.
Sbay naman silang ngumisi at nagpeace sign pa.
BINABASA MO ANG
Secret Affair [ Completed ]
Fiksi Umumyou've met him by chance. you love him by choice. but he's commited with someone else. is there a chance that you could have him forever? or you'll just stay with him having.... Secret Affair.. . a/n: some scenes are not suitable for all or any ages...