S.A. Chapter 14:

15.2K 203 2
                                    

Dedicated to you... Thanks for always reading and voting my updates..

---------------

Matapos kumain ay pinagbihis ni Nate si Jillian.

"Princess, magbihis ka na may pupuntahan tayo!" nakangiting sabi niya.

Di naman ito ipinagtataka ng dalaga dahil ipinangako niyang susulitin nila ang araw na to dahil kinabukasan ay uuwi siyang Cebu.

Nagpalit lang siya ng isang casual na damit.

Wala naman kasi siyang ideya kung saan sila pupunta.

Samantalang kausap naman ni Nate ang kaibigan ng dalaga.

"Okay na ba ang lahat? Papunta na kami dyan.." tanong niya.

(Yup! Everything is ready! Im sure masusurprisa talaga si Jillian nito!)

Nang lumabas ang dalaga ay napahanga si Nate dito.

Simple lang naman ang suot nito pero talagang lutang ang kagandahan.

"Let's go!" nakangiting sabi ni Jill at ikinawit pa ang kamay sa braso ni Nate.

Bumaba na sila ng ground floor at sumakay ng kotse.

"Babe saan tayo pupunta?" tanong ni Jillian.

"Secret! Basta may surprise ako sayo."

"Nakakasuspense naman yan.. Ano ba yun babe?" pangungulit ni Jill at kumapit pa sa braso ng binata.

"Basta! Just relax okay? Malapit na tayo!"

Umayos naman ng upo si Jillian at nakanguso pa.

Natatawa lang ang binata sa pagkachildish ng kasintahan.

Maya maya ay narating nila ang isang hotel.

"Huh? Don't tell me mag checheck-in tayo dito? Babe okay naman sa condo ko ah?" nagtatakang tanong niya.

"Silly girl! Andito yung surprise ko sayo!" nakangiting piningot ni Nate ang ilong ng dalaga.

Napatingin naman sa kanila ang mga nakakasabay.

Ang iba'y halata ang inggit sa mukha.

*Ang sweet nila noh?*

*Sana may boyfriend din akong ganyan..*

Bulungan lang ng bulungan ang kanilang mga katabi na akala mo ay di sila maririnig.

Nagkatinginan naman sila Nate at Jillian saka pasimpleng nagngitian.

Kinindatan ni Nate si Jill kaya napahagikhik ito.

Saktong bumukas ang elevator sa third floor kaya lumabas na sila.

Tumigil sila sa harap ng isang hotel suite.

"Dito na tayo!" sabi ni Nate.

Akmang bubuksan na ni Jill ang door knob ng pigilan siya ni Nate.

"What?" takang tanong ng dalaga.

Ngumiti lang si Nate at saka pinihit ang doorknob.

Madilim na madilim sa loob kaya walang makita si Jillian.

Akmang kakapain na niya ang switch ng biglang bumukas ang lahat ng ilaw sabay sabog ng confetti sa kanya.

"Happy Birthday!" sabay sabay na sigaw ng mga kaklase at kaibigan ni Jillian na nasa loob ng silid.

Napanganga siya sa gulat.

"Woah! Bakit kayo nandito lahat?" sa gulat niya ay yun agad ang nasambit niya.

Secret Affair [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon