Epilogue:

26.1K 386 43
                                    

Malditang_nurz:

Every story had to come to its end.

Maganda man o pangit ang kabuoan ay magtatapos ang bawat kwento na ginawa.

Salamat po sa pagbibigay oras ninyo upang basahin ang kwentong nabuo ng masalimoot kong utak.

Sana po ay patuloy niyo pa ding abangan ang mga susunod ko pang ilathala.

------------

Jill's POV:

"Bilisan mo baby at late na tayo sa pupuntahan natin!" sigaw ni mama mula sa labas ng aking silid.

Naman oh!

Wala nga ako sa mood na sumama eh..

Di ko alam kung anong nangyari o anong napag-usapan nina Nate at lolo pero talagang nasaktan ako ng agad na umuwi si Nate ng manila kinabukasan at hanggang ngayon ay di pa din niya ako kinontak.

Biglang bumukas ang pinto ng aking silid at sumungaw ang ulo ni mama.

Nagulat pa siya ng makita akong nakaupo sa harap ng tokador at di pa inaayos ang sarili.

"Naku naman Jillian... Diba sabi ko magbihis ka na at may lakad tayo? Ba't nakatulala ka pa dyan!" paglilitanya ni mama at kinuha ang binili niyang damit na nakasabit sa harap ng aking aparador.

"Ma, pweding di nalang ako sasama? Wala po kasi talaga ako sa mood eh!" nakapangalumbaba kong sabi.

Pinitik naman ni mama ang noo ko.

"Di pwedi. Para sayo.. Este.. Para sa companya yun. Magagalit ang lolo mo kung di ka pupunta.." sabi ni mama at binihisan na ako.

Tinulungan pa niya ako sa paglalagay ng make-up at pag-ayos ng buhok.

"Ayan smile ka na anak.. Promise di na kita pipilitin sa uuli kung ayaw mo." sabi ni mama at tiningnan akong mabuti.

Napilitan tuloy akong ngumiti.

Niyakap naman ako ni mama ng mahigpit.

Ang wierd niya..

Para naman akong mawawala sa yakap niya eh..

"Ma... Over ka!' sabi ko.

"Ang baby ko.. Di ko namalayang dalaga na pala.." maluha luha niyang sabi.

Napatawa tuloy ako.

"Hahaha! Si mama ang OA." sabi ko at nauna ng lumabas ng silid.

Ang OA kasi. Nagpapahid pa ng luha.

Nakita ko naman si papa sa ibaba at abala sa pakikipag-usap sa kanyang celfon.

Agad itong napalingon sa akin ng bumaba ako ng hagdan.

Napatitig sandali si papa sa akin bago muling hinarap ang kausap.

Naupo nalang ako sa sofa.

"Asan ang mama mo?" tanong ni papa ng makalapit.

Nilingon ko ang hagdan at nakita ko si mama na pababa na.

Inginuso ko naman ito kay papa.

Sabay na kaming lumabas ng bahay at nagtungo sa mansyon ni lolo kung saan gaganapun ang party.

Pagbaba ko pa lamang ng sasakyan ay agad sumalubong sa akin ang matatamis na ngiti ng bawat bisitang aking madaanan.

Nakapagtataka..

"Hi Jill, congrats and merry christmas!" nakangiting bati ng isang kapitbahay namin.

"Thank you.." tanging nasabi ko sa kabila ng pagtataka.

Secret Affair [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon