Rae's POV
Nagulat ako nang biglang bumalik ako sa ulirat dito sa pag iimagine ko..
Napansin kong pinatay na ni Josh ang sounds at nagsi-uwian na ang mga ARMYs ..
Tapos na nga pala ang 30 mins. siguro nakalayo layo na rin yung Bangtan..
Mabilis naman agad kumonti ang tao dito sa airport. Kaming apat nalang na magkakaibigang Armink ang natira dito pati yung isa rin namin kaibigang fanboy na spazzer na may dalang speaker si Josh, at ung isang spazzer Si Ivy.
Tumayo agad ako sa kinauupuan ko at nag unat unat.
May iba pang fanboy na kasama si Josh na tutulong sa kanya magligpit ng speaker kaya di na namin sya tinulungan katamad eh. Haha!
Maya maya lang nakita kong nagsilapit ung apat sakin.
"Bes!! Grabe ang saya ng araw na to!" Sabi ni Marianne.
"Kaya nga waaaaaaah grabe nakita ko na rin suga babes kooo!" Sigaw ni Faye.
"Oh ano na balak naten ngayon??" Tanong ni Ella.
"Ewan hahaha kayo bahala kung gagala pa ba tayo!" Sabi ko naman Na hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko dahil sa nangyari kanina... Kinikilig talaga ko!! di ko akalaing kikindatan ako ni Bias.!
Napagisip isip ko na wag muna ikwento sa mga kaibigan ko dahil magwawala yun.!
"Unnie Rae, grabe pala kanina .. Ang galing mo hahaha! biruin mo yun, napigil mo ung mga ARMYs hahaha!" Sabi ni Ivy
"Hahahaha di naman. Siguro naisip na rin nila yung patutunguhan kapag nagpasaway sila kaya ganun." Sabi ko naman.
Maya maya pa ay lumapit si Josh samin na tapos na magligpit ng speaker..
"Ohh ano na balak naten guys? ayoko pa umuwi eh." Tanong nya.
"eh paano ung speaker mo? bitbit mo lang pag gumala pa tayo???" Tanong ni Ella
"Ha? hindi ah.. Yung mga fanboy na kasama kong yun, pinsan ko rin ung mga yun.. Hindi sasama satin yun kaya sila na mag uuwi ng speaker sa bahay. May sasakyan naman sila kaya di na sila mahihirapan." Sabi nya.
"Ahh edi sige tara na! Mag aabang pa tayo ng masasakyan!" Sabi ni Marianne na paalis na sana at susunod na sana kami nang magsalita si Josh.
"Uyyy wag na! dun na tayo sumakay sa kotse ko.!" Pahabol nya.
Nagtinginan namin kaming lima dito.
"Aba yaman ah!! May kotse ka pala?!" tanong ni faye.
"Dimo nasabi samin yan ah." Sabi ni Ivy.
"Hahahaha tara na nga dami nyo daldal!"
At sumunod na kami sa kanya.
Di talaga namin alam may sasakyan pala tong mokong na to.
Nang makapasok na kami sa loob ng sasakyan nya...
"Guys saan tayo?" Tanong ni Josh na nakapwesto sa driver's seat.
Nasa passenger's seat naman si Ivy. At kaming apat naman ng armink magkakatabi sa likod.. Maliit lang kasi tong kotse ni Josh.. Pero hindi naman kami siksikan mapapayat naman kami eh. Bukod lang sa isa na si Ella hahahaha charot!!"Kung saan nyo gusto dun tayo!" Sagot ni Ivy
"Riverpark nalang kaya ulit tapos pag nagsawa deretsong riverbanks?" Suggest ko .
"Sige dun nalang.. amboring din kasi sa mga mall. sigurado namang bukas na yun eh mag a alastres na din!" Sabi ni Ella.
"Kain na rin tayo ng lunch dipa tayo kumakain eh gutom na gutom na ko promise!" Sabi ni Marianne..
"Ehh kelan ka ba nabusog?" Pagtatanong ko.
"Uy grabe ah.!" sabi nya naman ulit. Hahaha!
Sya kasi pinaka matakaw dito samin.
"Sakto! dun narin tayo magkuwentuhan about sa nangyari kanina.. Dun natin ilabas ang feels natin waaaah!" pag ka excite na sabi naman ni Faye.
"Ayyt Gehgehgeh!" Pag sang-ayun naming lahat.
V's POV
Nandito na kami sa hotel na pag tutuluyan namin. Hindi naman kalayuan at hindi rin traffic kaya naka dating kami ng mabilis.
Malaki naman ang kwarto nato sobrang lawak isang bahay na ata to eh. May sari sarili kaming kwarto dito.. Dito naman sa salas may kama pa.. Hahah ba't kay may kama pa dito? anong trip nila ?? pero kahit naman may kama malawak parin ung salas. tsaka ung TV dito ang laki hahaha !
biglang sumagi ulit sa isip ko ung topic namin sa sasakyan kanina habang nakaupo ako dito.
Nakakainis lang kasi ung pinaguusapan naming babae hindi na namin napagusapan kasi nagising bigla si manager-nim. kaya ngayon, maitutuloy na namin ung pinaguusapan namin dahil hindi na namin kasama si manager-nim may sarili kasi syang room na kinuha.. Pero katabi lang rin naman ng roon namin.
Siguro kaya nagbukod sya, nakulitan samin.. magulo kasi kami lagi eh hahaha!
Nagpapahinga pa kami sa ngayon. Mamaya na namin aayusin ung mga bagahe namin.. Pagod pa kami eh.. Haaaay.
Pagkatingin ko sa mga kagrupo ko, para kaming mga lantang gulay dito, ung iba katabi ko ditong naka upo sa sofa ung iba andun magkakatabi sa kama ung iba naman nakatuwad .. joke.
Naisip isip ko habang nagpapahinga kami, Sisimulan ko na ung topic kanina na naputol dahil kay manager-nim.
"Mga hyung.. Ung tungkol kanina..!" Sabi ko..
"Huh?" Tanong ni rapmon hyung na napabangon sa pagkakahiga.
"Ayy oo nga pala!!" Sabi naman ni Jin Hyung na napabangon din bigla. magkatabi sila ni Rapmon hyung eh. Hahaha!
NamJin hahaha!
"Ayy sige ituloy na natin ung topic kanina si manager-nim kasi nagising bigla." sabi ni jhope hyung na nakaupo sa tabi ko.
"May naalala ako HAHAHA!" sabi jungkook.
"Kanina nakita ko si V hyung kinindatan nya ung babae hahahaha!" dagdag pa nito.
"Nakooo sabi na nga ba eh may lalandiin agad to eh sa airport palang." Sabi ni Jimin hyung .
"Grabe kayo saken ah!" inis kong sagot.
"Oh dalii na ung babae na!" madaling sabi ni suga hyung.
"Ayun na nga! namumukhaan nyo ba yun?!" ako.
"Oo naman!!!" Sagot nila.
"Sya ba talaga yun?!!!" Tanong ni Jhope hyung..
"Parang ..... parang..... kamukha lang eh.." sabi ni Jungkook
"Oo nga wag nalang natin pangunahan.. Baka nga kamukha nya lang." sabi ni Jin Hyung.
"Mga hyung!!!" pahabol ni Jimin.
"Kanina may napatawag sakin eh... Sa ph sim na gamit ko wait lang."
Napatingin naman agad kami sa kanya na may pinipindot sa cellphone nya ..
"Eto oh." Pinakita nya samin ung phone nya.. Nanlaki agad ang mga mata namin nagulat kami. kasi number nya yung tumawag!!
"Hala?? Paanong????? Bakit??? ay hindi Paaano?!!??" pagtatakang sabi ko
"Hindi ko alam. sabi nya wrong call daw." Sabi ni jimin..
"Paanong na wrong call????" tanong ko ulit..
"hindi ko alam..."

YOU ARE READING
Lucky ARMY
Fanfictionisang babaeng baliw na baliw sa grupong bangtan boys.. ..... .......... See More