Jimin's POV
Nagpaalam na ako sa babaeng katext ko..
Hahaha bakit ba kasi ayaw nyang maniwala ano pa bang dapat king gawin para maniwala syang ako nga talaga yung kausap nya?
Siguro nasa isip nya.. Ayaw nyang maniwala sakin kasi nga, Idol nya kami, sino ba namang maniniwala na isang idol ung kausap nya parang ang hirap paniwalaan diba? Tapos kakausapin ko sya ng biglaan?
Parang di nga naman kapani-paniwala yun.. Pero gagawin ko lahat para maniwala man lang sya sakin na ako ang kausap nya.
Kung pwede lang, kung gusto nya, edi sana pinuntahan ko na sya sa bahay nila eh.. hehehe kaso bawal!
Sisimulan ko na bukas! Papatunayan ko na, na isang Park Jimin na bias wrecker nya ang kausap nya..
Hahah! naiimagine ko tuloy kapag napaniwala ko na sya, ano kayang magiging reaksyon nya? syempre masaya yun for sure.. Pero mas masaya ako.. Or kami ni V kasi kami lang naman ang kumakausap sa kanya eh. Bawal namin ipaalam sa ibang kagrupo kahit kilala nila ito, baka magsumbong sila kay Manager-nim .. Yes kilala din ni manager-nim etong babaeng to.
Tinry na naming ilihim ito kay manager-nim na kilala namin sya kaso wala eh hindi kami makakatakas sa kanya alam na alam nya na mga ugali namin at alam nya na kung may tinatago kami kaya eto, sinabi nalang namin yung totoo nung araw na tinanong nya kami..
Hindi naman sya nagalit or what pinagsabihan nya lang kami ..
Kanina pa ako nandito lang sa loob ng kwarto ko at nakahiga sa kama habang itong si Alien ay naka upo naman na pa-indian sit sa may gilid ko.
Kakatapos ko lang makipag text sa babaeng to ngayon medyo naiimagine ko ang pwedeng maging reaksyon nya sakin haha!
Sigurado naguguluhan yun.
V's POV
Magkasama kami ni Jimin Hyung dito sa kwarto nya.. Kakatapos nya lang makipag usap sa babaeng pinaguusapan namin ngayon.
Naiinis ako sa kanya sa totoo lang. Bakit hindi nya man lang pinakausap sakin yung babaeng yun? ako naman ang bias nya eh .. Baka mamaya pumalit na si Jimin hyung sa akin..!
Hindi pwede!!! Hindi ko hahayaan na maagaw sya ni Jimin Hyung sa akin lalo na't nararamdaman kong nagkakagusto na ako sa babaeng yon! Hays..
Maya maya lang pinitik ko sya sa noo
"ARAY!" reklamo nya
"Bakit nung kausap mo sya sa tawag dimo man lang ako binigyan ng chance na makausap sya ha?!! nakakainis ka hyung nangungulit pa ako sayo eh! Edi sana kung paiinggitin mo lang ako, hindi mo na ako pinapunta dito sa kwarto mo! Wala rin akong napala!! Ikaw lang rin naman ang kumausap sa kanya!" Pagmamaktol ko sa kanya
"Ha?!! eh narinig mo naman boses nya diba?!"
"Oo nga!!! Eh ikaw naman kausap nya! iba parin ung feeling kapag nakausap ko sya! Ako pa naman ang bias nya!"
"easy ka kang tae ok?!! ayaw nya nga maniwala na ako to na kausap nya eh sayo pa kaya?! Wag ka magalala ipapakausap ko rin sya sayo Sa tamang panahon."
"Dami mo alam may pa tamang panahon tamang panahon ka pang nalalaman!" Sabi ko.
" Subukan mo syang agawin saken, magkakaalaman tayo
" bulong ko pa sa sarili ko."Oy alien May sinasabi ka?!!" nagulat ako nang matanong nya sa akin yun.
"Ahh w-wala hyung! ahh ganto nalang! ibigay mo nalang sakin ang number nya para makausap ko na rin sya!"
"Hindi pwede!!"
"Sige na hyung jebal!"
"Bawal nga sabi!"
"Ahh so ayaw mo ibigay??" sabi ko sabay napangisi
"Ok sige wag mo ibigay, isusumbong kita kila hyung!" pagbabanta ko.
"Sige isumbong mo! never mo naman na makakausap to!" sabay pakita nya sakin ng phone nya na may picture ng babe este babaeng yun.
Hays!! Ano ba pwedeng panakot dito?!
"Bakit ba kasi ayaw mo ibigay hyung?!" tanong ko.
"Basta.. wag ka makulit.. makakausap mo naman sya eh.. Kapag naniwala na syang isa ako sa member ng BTS. Kaso mukhang matagal tagal pa yun. Ayaw nya talaga maniwala eh.
Napa iwas ako ng tingin sa kanya at tumingin sa ibang direksyon
"Sige. basta siguraduhin mo lang na hinding hindi mo sya aagawin sakin! hyung, kundi magkakaalaman tayo!" sabay tumingin ako sa kanya ng seryoso.
Wala syang naisagot at napangisi lang sya.
"hyung kung balak mo syang agawin, please maghanap ka nalang ng iba. Alam mo namang sya ung tipo ng babaeng gusto ko.."
"Hindi ko maipapangako Tae." Walang ekspresyong sabi nya na nakatuon sa phone nya.
Nakakainis!!! nakakainis!
umalis na ako dito sa kwarto nya at isinara ko ng padabog ang pintuan paglabas ko.
Nakita ko naman ang iba nanonood sa salas na nagulat sa akin nang makita ako.
"Oh alien? San galing?" Jin hyung.
"Sa mars" walang ekspresyong sabi ko sabay umupo na sa isang sofa.
"Tsk." Suga hyung
"Alam nyo naman kung saan diba? kitang kita nyo na nga kung saan ako lumabas, tatanong pa kayo." inis na sabi ko.
Napansin ko namang nagulat sila sa sinabi ko.. Heto nanaman mangaasar nanaman sila. Minsan lang kasi nila ako makitang seryoso at lagi akong nagpapasaway kaya ganyan tingin nila sakin ngayon. Parang nagtataka.
"Ohh ba't parang badtrip ka? Anyare?" Jhope hyung
"Hindi ata nila natuloy yung gagawin nila!" Sabi ni Jungkook na nakangiting nakakaloko.
"Akala mo naman nakakatawa.. Tss" Sabi ko at nilayasan ko na sila dumeretso na ako ng kwarto ko para makapag isip isip ng kung ano ano.
Gusto ko muna magsolo ngayon nababadtrip lang talaga ako.

YOU ARE READING
Lucky ARMY
Fanfictionisang babaeng baliw na baliw sa grupong bangtan boys.. ..... .......... See More