V's POV
Hayss hapon ngayon, saturday parin time check 6:05 pm palang nandito parin kami sa SoKor kakatapos lang namin mag ayos ng mga gamit na dadalhin namin papuntang Pilipinas bukas para sa bakasyon. SOBRANG EXCITED NA TALAGA AKOOO WOOOOH. Sana makahanap na ko ng gf dun JOKE! hahaha pero seryoso sa Pilipinas ko talaga pinaka gustong makapang asawa ng ARMY! Oo gusto kong makapang asawa ng isa sa mga fans namin sa Pilipinas! Dahil doon lang sa tingin ko ang may pinakamababait na fans namin.
Mababait rin naman ung fans namin sa iba pang mga bansa pero ewan ko ba Pilipinas ko pinakagusto eh.
Nga pala sa Pilipinas, may pagbabakasyunan kami doon na isang beach resort pero 1 week lang. At the rest na mga natitirang araw ay ang paggala namin doon kung saan namin gusto.. Diba? ang bait ni Manager-nim at pinayagan kami sa gusto namin actually kami ang nagrequest ng gagawin doon eh. Eh hindi rin naman kami matiis ng manager namin kaya napa-payag namin sya. Gusto ko rin kasi maggala gala sa mga malls doon malay mo dun ko na mahanap poreber ko haha joke lang ulit!✌ Atat na atat narin akong makabalik sa Pilipinas dahil last last year pa kami nang huling nakapunta doon noong last concert namin nung TRB in Manila."Mga Unggoy." Bigla nalang ako nagulat nang marinig kong magsalita ang kararating lang namin na leader na si badjao este RM galing sa office ni manager-nim.. Grabe naman to maka unggoy!
"Wow maka unggoy ah, di porke't badjao ka.!" Sigaw ni Jimin
"Shut up pandak! you got no jams!" Napa pout naman tong si Jimin hyung ..
"May mahalaga akong sasabihin sa inyo.." Sabi ni Badjao.
"Ano yun Badjao este Rapmon hyung?" Tanong ko
"Hindi na daw tuloy ang summer vacation naten sa Pilipinas."
O____O
ANO?! HINDI PWEDE!!
"WHAT?!!!!" sabay sabay na gulat na sabi namin.
"Joke! huehue!" Sabay tawa nya samin.
"Rapmon hyung umayos ayos ka baka gusto mong singhutin ka ng ilong ko!" Nakasimangot na sabi ni jungkook.
"Heh! manahimik ka jan. Kahit singhutin mo ko, hindi ka parin naman mapapansin ni IU mo!" Sabat ni Rapmon hyung.
"TAMA!" pasigaw na sagot ni Suga hyung.
"Teka ano na ba kase ung sasabihin mo hyung?" tanong ni Jimin.
"Wala naman pina alalahanan lang naman tayo na pagkatapos ng summer vacation natin sa Pinas, sunud sunod na ang sched naten." Paliwanag ni rapmon hyung.
"Sus yun lang pala eh alam na namin yun lagi naman eh." Sabi ni jhorse este Jhope hyung.
"Ano pa bukod dun wala na?" tanong ni jin hyung kay rapmon hyung.
"Wala na. sinabi nya lang na magready na tayo para bukas."
"Ready-ng ready na kami hyung kanina pa.. ayan na nga ung maleta oh nag aabang na sa gilid." sabi ko sabay turo sa mga bagahe namin.
"Bukas nalang ang hinihintay namin" dagdag ko pa.
"Psh, atat ka no?" pangaasar sakin ni suga hyung.
"Oo yan pa!" Sabi ni Jin hyung.
"Hindi naman sa atat, excited lang!" sabi ko.
"parang ganun narin yun hyung!" Walang reaksyon na sagot ni ilong.
------
Rae's POV
Nandito kami ng mga kaibigan kong si Ella, Marianne, at Faye sa Riverpark dito sa Marikina habang naglalakad papuntang riverbanks.
"Rae, ano na? kumpleto na ba ung mga inassign mong magdadala ng mga banner para bukas?" Tanong ni Ella.
"Oo ok na." Alam nila lahat ng yun. At syempre fan din sila noh kaya di pwedeng di sila kasama sa airport bukas. Pag diko sila sinaman sigurado magkakaroon ng rambulan.
"Good!" Dagdag pa ni Ella.
Ang bias ni Ella, sa BTS si Ilong.. Si Marianne naman si Jin, At Kay Faye ay si Gilagid. Pare pareho kaming naka BTS shirt ngayon tapos mga naka leggings at may nakatali na checkered na longsleeves sa may bandang likuran namin. Kaya ganto yung porma namin kasi napalaban kami ng Kpop Dance Battle dito. Ang sinayaw namin Boombayah ng Blackpink Tapos mga suot namin naka BTS shirt hahaha ! ganun talaga pag multifandom😂 Sa sinuswerte nga naman eh kami pa ang nanalo kaya eto napanalunan namin 5k. Kapag may mga Kpop event kasi dito syempre di kami nagpapahuli lagi kaming sumasali sa mga pa-contests lalo na kapag dance battle.. Mahilig rin kasi kami sumayaw.
Actually, may mga sariling ipon na kami lagpas na ng 15k ang sarili naming mga ipon kaya sapat narin para maka bili ng VIP ticket para kung magkakaconcert man ang bangtan dito eh ready na kami.
ung mga napapanalunan naman naming pera sa mga dance battle contest, ay extrang pera namin para naman may pambili kami ng mg merch or pagkain or whatsoever.maya maya lang habang naglalakad kami papuntang Riverbanks may mga grupo ng babaeng parang papalapit saming apat. Nagulat kaming apat dun.. Anong meron? Samin ba sila lalapit?? Or hinde?? Tumatakbo sila oh haha! anu meron? May isa kaming nakitang babaeng tumatakbo nangunguna dun sa iba malapit na samin.
"Ateee!!! Pwede po magpapicture???" Sabi nya ng natataranta at parang sobrang saya.
"H-huh?" Sabay na tanong naming apat.
maya maya nakita namin ung mga babae nasa lagpas sampu na ata, nandito na agad samin at pinapalibutan kami. huh? anung meron diko talaga magets?"Unnie Ella, Marianne, Faye, At Waaaaaaaah unnie Raeee!!" Sabi pa nung isang babaeng nagwawala na haha.
"alam nyo ba kami ang super fans nyo!! famous na famous na kaya kayo dahil sa pagsasasayaw nyo! di nyo ba alam?" sabi pa nung isang cute na babae.
Eh? jinjja? kame? fame? di namin alam😂😂
"Totoo ba narinig ko Rae?" bulong ni Ella sakin.
"Tayo?! Pemus ?!! Aba matinde!" Dagdag ni Marianne
"Magpapapicture pa sila huh? wow haha panaginip ba to?" manghang sabi ni Faye.
"Unnies pwede po ba kami magpapicture sa inyo?!" Tanong ng isa nilang kagrupo.
"Ah-eh Oo naman !" sagot ko
"Kyaaahh napakagaling nyo sumayaw at ang gaganda nyo pa mga unnie!! lalo ka na unnie Rae!! Ang galing mo sumayaw!!" Sigaw nila.
"Oo tapos mukha pa syang korean!" Sabi nung isa.
"Ayy grabe hindi naman hehe." sabi ko naman.
Grabe ha! hahaha totoo ba to..
at ayun after 100000 yrs natapos ren ang pagpapapicture nila. di talaga ako makapaniwalang may mga fans kami.
"O'sya mga unnie!! mukhang may pupuntahan pa po kayo hihi sorry sa abala." Sabi ng pinaka matangkad sa kanila.
"ay haha ok lang" Sabi ni Marianne.
"Wait may tanong lang po ako ano nga po palang group name nyo?" tanong nung isa.
"Armink.. Armink ang name ng grupo namin Army plus Blackpink or blink equals Armink" ngiting pagpapaliwanag ko.
"Ayy ang cute!!" Sabi nila.
"sige aalis na po kami.. sa susunod po ulit Byeee!"
At nagbabye narin kami sa kanila.
Pagkaalis nila ay pinagpatuloy na namin ang paglalakad namin papuntang riverbanks."Grabe Diko akalaing magkakafans tayo haha!" Sabi ni Marianne.
"Bagong Kpop Girl Group tayo haha! galing sa Crazy Entertainment." sabi ni Ella.
"Haha baliw. Sating apat si Rae ang pinaka gusto nila no?" Sabi ni Faye na naka ngiti.
"Oo nga Rae! How to be you ba?" tanong ni Marianne.
"Nukaba hindi yan noh. pantay pantay tayo." Sabi ko.
"Sus" Sabay inirapan nila ako ng pabiro. Mga babaeng to talaga.

YOU ARE READING
Lucky ARMY
Fanfictionisang babaeng baliw na baliw sa grupong bangtan boys.. ..... .......... See More