Next Day (Sunday)
V's POV
time check 5:10 am maaga ang gising namin ngayon dahil ngayon na ang punta namin sa Pilipinas Woooooohhh aaymm ready naa!
"GOOD MORNEEEEEENG!!!" narinig kong sigaw ni rapmon hyung doon sa kwarto namin. nandito kase ako sa kusina para mag almusal. kami palang ni Jin at Rapmon hyung ang gising dahil si Jin hyung ay maagang gumising para magluto ng almusal namin.. Ako naman eto maaga ding nagising dahil nga sa sobrang excited. ung apat namang natitira andun ginigising ni rapmon hyung sa kwarto.. grabe ang lakas talaga ng boses nun! Rinig na rinig ko.
Maya maya'y nakita ko mga nagsilabasan ung apat na ugok na mukhang bangag ung itsura haha!
"Eommaaaa anong almusal?" Agad na tanong ni Pandak na papuntang lamesa para kumain
"oy oy oy ano? walang hilamos hilamos ng mukha? kahit mag toothbrush ka manlang pandak!" Saway ni Jin hyung kay jimin hyung.
Parang nanay talaga to si Jin hyung 😂
"Yan kase.. kadiri ka hyung maghilamos ka muna dun." Sabi ni ilong.
"Oh! Aga mo namang elyen ka?! himala ah." Sabi ni jhorse hyung na nakatingin sakin ng gulat.
"Hala. Ikaw ba yan?! V, eh ikaw ang laging huling nagigising samin eh tapos ngayon naunahan mo pa kame?" Sabi naman ni Jimin na kakatapos lang mag hilamos at magtoothbrush.
"Malamang excited na pumuntang Pilipinas." Sabat ni Gilagid hyung.
"Wag nga kayong ano jan!" Sabi ko naman. Wala akong maisip na sasabihin eh totoo naman kase lahat ng pinagsasabi nila.
"Opo manager-nim, sige po" bigla nalang kaming natigilan nang marinig naming may kausap na si Rapmon hyung sa Cellphone nya.
"Mabilis nalang po kami.. Thank you po." Sabay pinatay na nya ang cellphone nya. Si manager-nim ang kausap nun sigurado.
"Tumawag si Manager-nim, Sabi nya maaga daw ang flight naten ngayon kaya bilisan nyo na kumain at magready na kayo 6:30 lang susunduin na tayo dito kasi dapat daw 7:00 nasa incheon airport na tayo." Paliwanag ni Rapmon hyung.
Tumingin naman ako bigla sa wall clock dito sa dorm namin hala! 5:25 am na!
Bigla naman akong nagulat nang makita kong naguunahan na sila sa pagkain dito sa mesa.
"Pfft HAHA! Para kayong mga gutom na baboy!! tignan nyo naguunahan kayo sa pagkain ang tatagal kasing gumising!" asar ko sa kanila na may pagpipigil ng tawa.
"Wow ha!! Di porket mas maaga kang nagising samin ngayon. Batukan kaya kita tignan mo!" Sabi ni Pandak hyung haha!
"Ikaw ba tapos ka na kumain?!" Tanong ni Badjao este rapmon hyung saken.
"Oo!" Pagmamayabang ko..
"Tapos ka na pala eh. imbis na mangasar ka pa jan eh bilisan mo na kumilos maligo kana dahil marami pa kaming maliligo oh! Hinahabol na nga naten ung oras magaasaran pa kayo jan!" Inis na sagot nya.
"Ayy wag na naten habulin ung oras jusko panalo na si Jhope hyung jan!" Sagot ko naman. Nakita ko namang tumingin si Jhope hyung sakin ng masama.
"KIM TAAEHYUUUUNNGG!" galit na sabi ni rapmon hyung
"Eto na nga oh. maliligo na!" Sabay takbo ko agad papuntang kwarto para kunin ung nakasabit kong tuwalya at dumeretso na sa banyo.. Pero bago ako makapasok sa banyo narinig kong nagsalita si Ilong.
"Hyung bilisan mo maligo ah!! Baka mamaya kung ano pa gawin mo jan sa loob!" pangaasar na sabi nya.
"aba ilong, wag mo kong magaya gaya kay Jimin hyung ah!" Sabi ko naman.

YOU ARE READING
Lucky ARMY
Fanfictionisang babaeng baliw na baliw sa grupong bangtan boys.. ..... .......... See More