Tsaka ayoko namang sisihin ako ng co-ARMYs ko kapag ginawa ko yun. Hahah natatawa ako akala ng Bangtan na dito sa Pilipinas ang may pinakamababait na armys, di lang nila alam kami ang pinaka byuntae😂😂 You know, kada mv nila, tingin mula ulo pababa kung may bakat pati rin sa dance practice ganurn😂 ganun talaga pag fangirl haha mapagmatyag, mapangahas, matanglawin! Pero alam nyo kung saan mas maraming bakat? sa mga live performances nila! Sheteee kaya ang dami kong live na mga video nilang nagpeperform dito sa cp ko eh😂.
Maya maya pa ay naisip kong magpost sa fb. May naisip ako sana makisama ung mga co-armys ko😊
"Co-ARMYs please take time to read this.. Siguro alam na nateng dito magsa-summer vacation ang Boys naten ano? May naisip lang sana akong gawin natin. Friday ngayon right?? And sa Sunday ng umaga na sila pupunta dito. May gagawin tayo ... Sasalubungin natin sila sa airport para isurprise sa Sunday at iwewelcome naten sila syempre may mga hawak tayong Banner kada isang banner isang letter lang ang nakalagay at ang word na mabubuo naten dapat is 'WELCOME BACK TO THE PHILIPPINES BOYS, ENJOY YOUR VACATION!' ang maghahawak nyan ay mga naka hilera syempre dun tayo pupwesto sa kitang kita nila. Para makita nila at ma-surprise natin sila ng todo. Makita lang naten silang mapangiti, ok na. Pero syempre pagkaalis nila ng airport, please lang ung mga nagbabalak na sumama para lang sumunod sa kanila, wag nyo na ituloy dahil kaya tayo pumunta doon sa airport para isurprise lang sila at hindi sundan. Kaya nila dito napiling magbakasyon dahil isa ito sa mga paboritong bansa nila at sabing mababait nga daw ang mga ARMYs dito kaya co-armys wag naten silang bibiguin okay? Pag nasa airport na tayo, please lang kumalma kayo. Ginagawa naten to para rin sa Boys at sa atin at para mas lalong magustuhan ng Bangtan na balik balikan dito sa Pinas. 😊 Sa mga willing na sumama comment nalang kayo at gagawa ako ng gc para mapagusapan na agad naten ng maayos ito.😊"
Posted..
Ayan na napagod daliri ko kakatype ah. Seryoso na to para rin sa ikasasaya ng Bangtan at ng ARMYs gagawin ko na to. First time kong maging leader sa mga gantong gawain. Kaya hinding hindi ko hahayaang may mangyaring masama dito ang balak ko lang na gawin ay masurprise talaga ang bangtan.. Gustuhin ko man silang sundan kaso HINDI NGA PWEDE😂 Kaya nagpasimuno ako ng ganto para kahit di namin sila pwedeng sundan, atleast makita man lang namin sila. Alam kong mababait ang ARMYs at iisipin din naman nila ang kaligtasan ng bangtan kaya sure akong, hindi na sila gagawa ng kung ano pang eksena sa airport.
Ilang sandali pa ay ang dami na agad nag like at nagcomment sa pinost ko. Pagkatingin ko 50+ na ang nagcomment ng sasama at agree na agree sila edi ako eto dali daling gumawa na ng gc para maayos na naming mapag usapan ang gagawing plano. May in-assign na akong magdadala ng mga Banner at hindi naman sila umangal kase halatang gusto din naman nila. Para sa BTS na rin naman yun noh?! ano angal pa sila?😂😂
Maya maya ay nakikita ko parami na ng parami ang nagcocomment nafifeel ko na gagana ung plano ko. Yiiieeee excited much na aketch!! Pati yung ibangkaclose kong co-spazzer ay nagsi-comment na rin sa post ko. Mayghaad di na ko makapaghintay! Excited na ko mga nigga!😂--------
kinabukasan..RM's POV
Nandito kami ng buong bangtan boys sa loob ng dorm namen at nagaayos na ng mga gamit na dadalhin para bukas papuntang Pilipinas para sa Summer Vacation namin. Bakas sa mga mukha ng mga kagrupo ko ang pagkaexcite sa mga mukha nila.
Maya maya pa ay nakita kong di mapakali itong si V na parang may mangiyak ngiyak na sa hawak nya... Goggles?!!"Oy V! Ba't para ka namang bata jan na umiiyak dahil naiwanan ng space ship?!" Tanong ko.
"Eh hyung, nasira ung goggles ko!" Nakapout na sagot nya na nagkukunyaring umiiyak.
"Goggles lang yan!! jusmiyomarimar!" Sabat ni Jhope.
"Hindi lang to basta goggles hyung!!" Sabi ni V na nakapout parin.
"Huh?" Sabi ni Suga.
"Mahalaga sakin to eh! Wala kong magagamit pang swimming!" V .
"Eh pwede ka pa naman bumili nyan ah!!? Laki ng problema mo! wag ka nga magpout ampanget mo!" Pangaasar ni Jhope.
"Heh!! Haba parin naman ng baba mo!" Sabat ni V.
"Atleast hindi malaki ilong" sabat ni jhope sabay tingin kay jungkook.
"Shit, ba't lagi nalang akong nadadamay sa asaran nyo!? ok lang na malaki ilong kesa naman maging Pandak!" Sabay tingin ni jungkook kay jimin na halatang gulat.
"Atleast hot!! 😏 kesa naman isa jan na magilagi--" Napatigil naman agad si Jimin sa pagsasalita nang makita nyang nakatingin na ng masama sa kanya si Suga.
"Ako hindi ko kayo pinapakelaman jan ah..! Baka pag ginantihan ko kayo..." pagbabanta sa iba naming kagrupong nagaasaran.
"Eto na nga tatahimik na nga diba?" Sabi ni Jimin.
"Aish tama na nga yan at ipagpatuloy nyo na yang pag aayos ng gamit nyo. Marami pa tayong dapat gawin ngayon!" Sabi ni Jin.
"Opo eomma!" Sabi ni V na parang bata.
Ganito sa dorm lagi.. siguro kahit isang beses wala pang araw na tahimik ang dorm na to dahil sa mga kagrupo kong magugulo.. Pero kahit ganyan yang mga yan, syempre mahal parin namin ang isa't isa para magkakapatid narin ang turingan namin eh..
Bigla akong napatigil sa pagaayos ng gamit ko ng biglang May kumatok sa pintuan ng dorm namin..
Agad kong binuksan ang pintuan at nakita kong sa Manager -nim pala ang kumakatok."Uhmm Namjoon, Pumunta ka sa office ko mamayang after lunch may sasabihin lang akong importante." Bang PD-nim
Tumango naman ako sabay sabing "Ok po manager hyung"
"Sige hihintayin kita ah." Sabay umalis na agad ito..
Hays ano naman kaya ang sasabihin ni Manager-nim? Sigurado puro paalala lang ang sasabihin nun at tungkol sa mga sched namin after ng vacation. Lagi kasing ganoon yun si manager-nim . Laging maaga nya sinasabi para daw mapaghandaan na agad namin ung mga sched namin. Hays.
Sobrang pagod na nga kami sa mga sched namin eh buti nalang talaga naisipan ni manager-nim na magbakasyon muna kami ng 2 months sa Pilipinas para makapagpahinga.. Pero asahan mo pagbalik namin dito sa Sokor, sunud sunod nanaman ang scheds namin pero di narin bago sa amin dahil lagi namang ganto ang nangyayari kapag tuwing natatapos na ang summer vacation namin.

YOU ARE READING
Lucky ARMY
Fanfictionisang babaeng baliw na baliw sa grupong bangtan boys.. ..... .......... See More