Jungkook's POV
Kakasakay lang namin ng Van pagkalabas namin ng airport. Grabe unexpected ang tumambad samin doon! grabe talaga ang PH Armys .. Hindi namin inakala na ganun ang tatambad samin. Nasurprise talaga kami sa nakita namin.
Nakita kasi namin na may hawak na banner ang ilan sa kanila "WELCOME BACK TO THE PHILIPPINES BOYS, ENJOY YOUR VACATION" tapos sumigaw pa sila ng 'WELCOME BACK TO THE PHILIPPINES BANGTAN SONYEONDAN'. Kakatapak palang namin dito pero sobrang saya na ng naramdaman namin.
Habang nakasakay kami dito sa loob ng Van at bumabyahe, napatingin ako sa bintana ng sasakyan sa likuran..
Nabigla naman ako at walang sumunod sa amin na ibang armys. as in!
Kaya napaisip ako totoo nga na disiplinado ang mga fans namin dito. Tama si Manager-nim ng napiling pagbabakasyunan namin.😊
Pagkatapos ko tumingin ng maigi sa bintana ng sasakyan, napasandal ako sa kinauupuan ko ng mahinahon. Haaaay sigurado ako makakapagpahinga kami ng maayos ngayong bakasyon.
Pero bigla akong napatigil nang may naalala ako...
Kanina dun sa malapit sa may mga nakahawak ng banner sa harapan nila may apat na babaeng nakakuha ng atensyon namin, pero isang babae lang ang hindi ko malilimutan..
Parang... Parang... May kamukha kasi sya ....
Familiar ung mukha nya eh
Aish hayaan na nga.!
Jimin's POV
Nandito kami sa Van ngayon maayos na nakakapagpahinga habang bumabyahe.
Grabe ang babait talaga ng PH Armys.. biruin mo wala man lang kami nakitang parang baliw na sumunod sa amin ngayon. Grabe first time to, halos sa lahat kasi ng bansang napagbakasyunan namin, may sumusunod samin, dito lang sa Pinas ang wala.
Buti natiis nilang hindi kami sundan sa sobrang gwapo ko .. Joke! hehe!
Dahil sa nangyari ngayon, feeling ko mas nagustuhan ko na magpabalik balik dito. At katulad ng kay V, parang gusto ko na ring makapang asawa ng Army dito. Hahaha!
Pero biglang may naalala ako eh.. May tumawag sakin kanina.. Sa PH sim na gamit ko..
Nagulat ako kasi......
tumawag sya???!!!!
sya kaya talaga yun?....
Paano nangyaring napatawag sya sakin?....
ang sabi nya wrong call daw.
Ang swerte nya naman na wrong call sya sa isang Park Jimin. Hahaha! Sa kanya ba talagang number yun? Sya ba talaga yun?
Aish. paulit ulit na tanong ko sa isip ko.. Hayaan na nga lang..
Pero may isa pang nangyari eh, may babaeng nakakuha ng atensyon ko/namin. kasi napansin kong nakatitig din ang mga kagrupo ko sa kanya.
Sa tingin ko iisa lang ang nasa utak namin.....
V's POV
Ang saya!! ang saya saya grabe! Finally nandito na kami sa Pinas whoo!!! Matagal ko nang pinapangarap na makapag stay ng matagal dito kaya etoo ung wish ko natupad na rin..
Kanina sa airport sobrang nasurprise at napangiti kami sa ginawa ng mga armys doon.
Hindi na bago na kapag tuwing may pagbabakasyunan kami eh may armys na nag aabang samin, Pero kasi sa iba, abang lang at tili minsan nagkakagulo pa. pero dito, hindi.. hindi sila nagkakagulo tilian lang ng tilian! at walang humaharang sa dinaanan namin kaya maayos kaming nakalakad. At dito nag effort pa silang isurprise kami.. Kaya nagulat kami at sobrang napangiti first time kasing mangyari yung ganto.. At ngayon naman nandito kami sa loob ng sasakyan, tingin ako ng tingin sa bintana sa likod kung may sumunod ba na mga armys, sa totoo lang lahat kaming magkakagrupo ay pinagmamasdan ang mga armys ngayon kung may susunod ba samin o wala.
Pero salamat sa Diyos, Napahinga kami ng malalim wala kaming naaninag na mga sasaeng fans na sumusunod samin.
Kaya isa lang ang masasabi ko sa bansang to. 'WOW' napaka disiplinado kasi ng mga armys. kaya hindi ako nagkakamali sa naiisip ko na gusto kong makapang asawa ng army dito sa Pinas. Kasi kitang kita ang pagiging mabait nila.
Nang makalayo layo kami sa airport ay nawala na rin ang tingin namin sa bintana..
Kaso biglang may naalala ako.. May babae kanina na nakakuha ng atensyon ko. Parang may kamukha sya or sya nga ba talaga yun? ay hindi baka kamukha lang..
Nakatitig lang sya sakin.
Hindi ko alam kung anong nangyari sakin at kinindatan ko sya bigla.. haaaaay nagtataka na ko ano meron sa mata ko? may sariling buhay? baka mamaya magulat ako nawala na to bigla naglakad na pala.
Bigla akong napaisip at nagsimula na ng topic sa mga kagrupo ko ang tahimik kasi. Baka mamaya mapanis na laway namin dito..
"Mga Hyung"
Nagulat ako nang bigla kaming magsalita ng sabay sabay.
"Hala! haha ang galing" Namamangha kunyaring sabi ni jhope hyung.
Anong magaling dun? ung sabay kaming magsalita? Haha ang galing nga.
Napatingin naman kami bigla kay manager-nim sa harapan sa tabi ng driver buti nalang at hindi nagising tulog kasi.
"Sige kayo muna" sabi ni Suga hyung.
"Hindi sige kayo muna hyung!" sabi naman ni Jungkook.
"Aish ano ba kasing sasabihin nyo nang matapos na to at ako naman ang makapagsalita!?" inis na tanong ni rapmon hyung.
"Ehh Jimin ikaw na nga ang magsimula muna.!" inis na sagot ni Jin Hyung.
"Ikaw muna Jin Hyung ladies first!" pangaasar ni Jimin hyung.
Nagpigil naman kami ng tawa dito.. kasi bawal kami tumawa ng malakas baka maistorbo si manager-nim at magising.
"Aba't sira ul--" Hindi na natuloy ni jin hyung ang sasabihin nya ng bigla akong magsalita.
"Hay nako! kung mag aasaran lang tayo dito, walang patutunguhan tong usapan naten!" inis kong sabi.
Lahat naman sila nagtinginan sakin.
"Ano?!" tanong ko.
"Ayoko mawalan ng swaeg kaya pls lang wag mong agawin." Sabi ni suga hyung.
"Abaaa... Nagsalita ang elyeen!" Sabi ni Jimin Hyung.
"Hyung ikaw ba talaga yan?!!" Tanong ni jungkook.
"Tama naman kasi si Taehyung!! Wala patutunguhan to kung magaasaran lang kayo.!" Sabi ni Rapmon hyung na halatang inis na inis na.
"Mukha naman kasing seryoso tong mga gusto nating sabihin sa isa't isa kaya kahit ngayon lang sana magseryoso kayo.!" Saway naman ni Jin Hyung
"V ikaw na nga muna magsimula!" Halatang inis din na sabi ni Jhope hyung.
"Napansin nyo ba ung apat na babae kanina sa malapit sa may hawak na mga banner?" pagsisimula ko.
"Oh?" Tanong nila.
"Napansin nyo ung isa dun sa gitna? ung may hawak na cellphone?"
hindi ko kasi madescribe eh. pero sya lang naman ang napansin kong may hawak na cellphone sa kanilang apat.
"Oo!" mabilis na sagot ni Jimin hyung.
"Oo napansin ko rin yun!" Sabi ni Jungkook.
At hanggang sa lahat sila nag si sang-ayunan na din.
"Napansin ko rin na.. halos lahat kayo nakatitig dun sa babae!" Sabi ulit ni Jimin.
"Wait pare pareho ba tayo ng gustong sabihin sa isa't isa?" sabi ni rapmon hyung.
at sumagot naman kami ng Oo ng sabay sabay.. Kaya pala kanina pa sila tahimik kasi pare pareho din kami ng naiisip eh.
"Hindi ba. .. parang .... kamukha nya si--"
Naputol ang sasabihin ko dapat nang biglang magising si manager-nim . . Naingayan siguro samin. Badtrip naman oh.. Wrong timing..!

YOU ARE READING
Lucky ARMY
Fanfictionisang babaeng baliw na baliw sa grupong bangtan boys.. ..... .......... See More