Chapter 1

3.5K 90 27
                                    

Third Person's POV

May isang grupo ng lalaking nagngangalang Bangtan Boys na mas kilala bilang BTS sila ay isa sa mga sikat na Kpop boy group sa buong mundo na taga South Korea. Ang grupong ito ay may pitong miyembro.
Kim Namjoon/Rap Monster/RM/ Badjao: leader at rapper ng grupo.
Kim Seokjin/Jin/Eomma Jin/Pink Princess/Super Mario: Visual ng grupo.
Jung Hoseok/Jhope/Jhorse/Babalu: Rapper at pinaka magaling na dancer ng grupo.
Min Yoongi/Suga/Gilagid/Gluta/Swaeg: Pinaka seryoso at pilosopo sa lahat Rapper din ng grupo.
Park Jimin/Jimin/Pandak/Pandesal: Vocalist, Main Dancer at pandak pero sya ang pinaka hot sa grupo.
Kim Taehyung/V/Alien: Vocalist ng grupo pinaka joker at weird.
Jeon Jungkook/Jungkook/Jk/Ilong/Fetus: Maknae ng grupo at halos lahat kaya nyang gawin. Kanta, Sayaw, PagraRap, etc.

Kasalukuyang nagpapractice ng sayaw ang magkakagrupo ng kanta nilang Fire. Nang biglang pumasok ang kanilang manager na si Bang Shihyuk o mas kilalang Bang PD-nim sa BigHit Studio na kanilang pinapapractice-an.

"Boys!" tawag nito sa pito.. Bigla naman silang tumigil sa pagsasayaw para harapin ang kanilang manager, inistop muna ni RM ang tugtog sabay lumapit agad sa kanilang manager.

"Ano po yun manager-nim?" Tanong ni RM na hinihingal pa dahil sa pagsasayaw.
"May sasabihin ako sa inyo."
"form a circle" dagdag pa ng manager nila. Agad naman nilang sinunod ang utos ng kanilang manager lahat sila ay pumwesto ng pabilog habang nakaupo ng pa-indian sit sa sahig.
"Ano po ung sasabihin nyo manager nim?" tanong ni jin.
"Nakapili na ko ng bansang pagbabakasyunan naten ngayong summer..."

"Sana sa Pilipinas." bulong ni V sa katabi nyang si Pandak este Jimin sa kanan.
"Sana nga hyung" Sabat naman ni ilong este jk na katabi nya naman sa kaliwa.
"Luh narinig mo yun hyung?" tanong ng Alien este V kay jk.
"Oo naman!" jk.
"aba hindi lang pala ilong mo ang malaki pati tenga mo! haha!" sabi ni V.
"hyung naman!" Sabi ni jk . Gusto nila na sa Pilipinas magbakasyon dahil bukod sa Korea, ito ang pangalawang pinakapaborito nilang bansa dahil bukod sa magaganda ang tanawin dito, base sa kanila, dito rin ang may pinaka mababait na ARMYs (fandom name nila.)

"Ahm manager-nim, saan po?" Excited na tanong ni Jin.
"Sa Pilipinas tayo magsa-summer vacation." ngiting sagot ng kanilang manager.
"SA PILIPINAS?!!" Sabay sabay na gulat na sabi nila Pero bigla nagbakas sa mga mukha nila ang pagkasabik.
"Hindi, hindi dito lang tayo sa Korea, joke lang yung sa Pilipinas!😑" Pambabarang sagot ng manager nila.
"Manager-nim naman oh" sabi ni Jhope.
"Eh manager-nim, hanggang kelan po tayo sa Pilipinas?" Tanong ni gilagid este Suga.

"2 Months."

"2 Months lang-- Aray  naman hyung!" Biglang nagulat si V nang bigla syang binatukan ni Suga
"Matagal na nga yun eh. Gusto mo dun ka na tumira?? Pasalamat nga tayo dun napili ni manager-nim na mag bakasyon ng 2 months, sa iba puro 1 month lang bakasyon naten. aarte ka pa?" Sabat ni Suga.
"Maghahanap pa ng chix yan kaya gusto nya matagal tayo dun!" Natatawang sabi ni Jimin.
"Aba sino kaya sating tatlo ni ilong yung mahilig sa chix?!" Sagot ni V
" Ohh nadamay nanaman ako jan!? si IU lang saken sapat na!" Jungkook.
"Wag ka nang umasa dika mapapansin nun!" Suga.
Hindi nalang sumagot si Jungkook bigla nalang nagpout ang kanyang ilong.
"Wag kayo magalala boys dahil pagkatapos ng vacation naten, ay sisimulan na agad naten ang wings tour at uumpisahan naten sa hongkong next sa beijing at Pilipinas ulit." paliwanag ni PD-nim.
"Talaga manager hyung?!!" Jhope.

"Yup!"

"Eh manager hyung, alam na ba ng mga armys na sa Pilipinas tayo magsa-summer vacation?" Tanong ni badjao este RM.

"Actually, PH Armys lang ang nakakaalam. Pinaalam ko na sa kanila para incase na isa man sa kanila ang makakita sa inyo doon ay hindi na sila magulat at mabigla nang hindi na kayo pagkaguluhan pa.. Tsaka kaya ko pinili ang Pilipinas para pagbakasyunan naten kase alam nateng mababait ang mga Armys dun kaya sure ako na walang manggugulo .. Maiintindihan naman yun ng mga PH Armys eh." Paliwanag ni PD-nim .

"Ahhh" sagot nilang lahat.

"Oh pano? friday ngayon at sa Sunday na tayo pupuntang Pilipinas. You only have one day para magprepare ng mga gamit na dadalhin nyo."

"Maiwan ko na kayo." At umalis na ng BigHit studio ang manager  nila. Naiwan ang pito na nagtatalon sa sobrang saya si V ay napapasuntok pa kunyari sa hangin sabay paulit ulit na sabing "Yes!" ung iba naman sumasayaw ng fire.

--------------
hiii!! huehue!! Sana magustuhan nyo story koo! thanks sa mga nagbabasa.. pagpasensyahan nyo na kung medyo sabaw pa. 😂Next chap na !😂 Don't forget to vote!😂😂😊

Lucky ARMYWhere stories live. Discover now