Kabanata 1

2.1K 16 1
                                    


•One•

Bumalik na ako sa kwarto matapos mag-almusal. Agad-agad, sisimulan ko na ang aking misyon. Syempre, kunwari inaayos ko ang gamit ko sa bag ko. Para-paraan lang.

"Hay, ang konti pala ng damit kong nadala. Lalabhan ko na lang ang mga ito kaagad pag nagamit ko na," pasimple akong tumingin sa mukha ni Dodong na himbing na himbing sa pagkakatulog.

'Oooh, ang gwapo naman ni Dodong. Hindi naman gan'to mukha nito last summer a?' inamoy ko ang buhok nito napapikit ako sa bango. 'Hmm, papa-liscious na talaga. Amoy safeguard. Ang linis amuyin. May narinig akong tumikhim. 'Shit, nagising na ata!'

"E, eherm! Ahm, ano inaabot ko lang yung phone ko." Kailan pa ako nagpaliwanag? Hindi sa kanya, ever.

"So, kelangang amuyin ako para maabot ang telepono mo?" sabi nito with his husky bedroom voice. Kinikilig ako, shet.

"Ahh, hindi naman. Hehe. Parang masherep ka kashi amuyin." Siyempre, sa isip ko lang sinabi iyong huling pangungusap. Pasimple kong kinuha ang cellphone ko sa ilalim ng unan.

Ano ba, Marie! Umayos ka nga! suway ko sa sarili ko. Lumayo ako paluhod at tumayo malapit sa pinto ng banyo.

"Ah, Dodong. Sige, tulog ka lang diyan. 'Paligo ako sa banyo mo, ha?" Hindi ko na ito hinintay sumagot. Dumiretso na ako sa banyo. 'Phew, I thought it's gonna be a piece of cake. I guess I'm wrong.' Hindi pala madaling mag-flirt. Bilib ako sa mga babaeng sisiw lang ang pakikipaglandian. Medyo tinagalan ko ang pagligo ko para wala na si Dodong paglabas ko.

Nang nagta-towel na ako habang palabas, nagulat ako kasi nandoon pa si Dodong.

"O, andito ka?" mukhang kagigising lang ulit nito. Sinunod 'ata nito ang sinabi kong matulog lang ito. Bigla itong namula at tumalikod.

"Lalabas na muna ako para makapagbihis ka." Sinara nito ang pinto. Napayuko ako. O.o Hah, pilya ka talaga, Marie!

*****

Mukhang nagkakasiyahan sa labas. May pa-videoke pa si Tito Obet. Si Tatay naman tumatagay kaagad. Hay naku, talaga naman.

"Marie, tara, kanta ka!" yaya sa akin ng isa kong pinsan, si Gian.

"Wag na. Baka di kayo makasingit pag nagsimula na ako, hahaha!" Pag kasi nasinggahan kong kumanta, dire-diretso na. Walang tigil. 'Kala mo concert ko, di naman kagandahan ang boses nasa tono lang.

Nagtetext lang ako sa mga kaibigan ko sa Quezon City habang nagkakantahan ang iba kong pinsan kaya nagulat ako nang may tumabi sa akin. "Uy, ikaw pala! San ka galing?" FC na talaga ako dito kahit medyo suplado 'tong Dodong na 'to. Gwapo kasi kaya ganern. Matangos ang ilong, medyo singkit ang bilugang mga mata, walang pimples, kissable red lips. Medyo maputi din ito.

"Diyan lang." tipid nitong sagot.

"Ah, sige. Diyan ka na, matutulog na ako e," tumayo ako at lumakad na papasok sa bahay. Maaga talaga ako matulog, pero mukhang mahihirapan ako dahil maingay sa labas. Nang nasa kwarto na ako, isinara ko lahat ng bintana para di makapasok ang ingay pero narinig ko ang pinto na bumukas.

"O, m-matutulog ka na rin?" tanong ko sa kanya. Namumula ang pisngi niya. Dahan-dahan itong lumapit sa akin.

"O, teka, bakit ka lumalapit?" tanong ko sa kanya.

Tuluyan na itong nakalapit sa akin. Naamoy ko ang alak mula sa kanya kaya alam kong nakainom ito. Sinandal nito ang dalawang kamay sa pagitan ng ulo ko. Nasa sulok pa naman ako sa may bintana.

Akin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon