Kabanata 3

809 7 4
                                    


•Three•

*****

"Pwede bang magpakipot?" biro ko sa kanya. Nanlaki ang mga singkit na mata nito. Di ata sanay sa mga ganoong biro.

"E-eh, paano 'tong nangyari sa atin?" natitigagal na tanong niya. At siya pa talaga may ganang magtanong ng gano'n. Tipo namang siya ang mabubunt--

Ako naman ang pinanlakihan ng mga mata. Hinampas-hampas ko siya saka pinaalis sa pagkakapatong sa akin. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko!

"Bakit, ano'ng nangayayari sa'yo, Marie?"

"Nagtatanong ka pa diyan. Di ba sabi ko sa'yo, sa labas mo ilabas?"

"Malay ko ba. Hindi ko na napigil e. Tsaka, nawala na sa isip ko. Ang sarap mo kasi e" sagot nito, pabulong na 'yung huling sinabi, nahihiya.

Di ko alam kung maiinis ako sa sagot niya o matutuwa.

"Pa'no pag nabuntis ako? Hindi, hindi pwede yon. Erase." naguguluhan ko nang usal.

"E di, pananagutan kita. Problema ba 'yon," sagot naman nito. Tinignan ko siya nang masama.

"Nasasabi mo lang yan kasi wala ka pa sa sitwasyon. Tsaka lasing ka pa, kaya wag kang epal," bara ko sa kanya. Tumayo ako at nagpanty. Malagkit ang pagitan ng hita ko pero di ko pinansin. Binuksan ko yung drawer ko at kinuha ang isang stick, sinindihan 'yon. Di na ako nahihiya kay Dodong dahil nakita na naman niya to. Wide hips, small waist, big boobs. Sa'n ka pa? Humithit ako ng isa at nagbuga, na-stress ako kay Dodong. Kunot-noo si Dodong, pero gwapo pa din ang hanep.

"Ano iyan?" tanong niya.

"Naiistress ako sa'yo e"

"Itigil mo yan,"

"Ayaw,"

"Baka mapaano si baby!" mahinang sigaw nito. Mabilis siyang lumapit at kinuha ang sigarilyo.

"Bakit ba? Wala pa ngang baby e,"

"Kahit na, Marie. Don't smoke. It's dangerous to your health," dinutdot nito iyon sa ibabaw ng drawer.

"Nyenyenyenye.." pang aasar ko sa kanya. Umiwas ako nang lumapit ito sa akin.

"Matulog ka diyan sa baba, dito ako sa kama."

"Marie naman e," maktol niya. Ang kyot, di maipinta ang mukha.

Pero wala na siyang nagawa kasi, naghihilik na ako.

"Pudrakels, kelan tayo uuwi sa QC?" tanong ko kay tatay habang nagkakape. Tulog pa si Dodong.

Akin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon