Kabanata 4

539 4 4
                                    

"Sige, mamaya perya tayo ha." Tangna, akala ko gagawa kami ng milagro. Panginoon, ako po pala ang manyak. Nang tumingin ako sa kanya, shit, natatawa si Dodong.

"Dodong, di ka nakakatuwa ha,"

"Sige. Pagkatapos nating magperya. Mag-aano tayo. Maglalaro."

"'Tse wag na, Nagbago na isip ko," irap ko sa kanya.

"Marie naman. Nagbibiro lang e. Sorry na." Lalapit sana ito pero bumalik na ang mga pinsan ko kaya di na ito tumuloy.

"Why can't you hold me in the streets, why cant I kiss you in the dance floor" mahinang kanta ni Dodong habang nanunungkit ng hinog na mangga. Shet, ang ganda talaga ng boses ni Dodong, nakakainlove. Nai-stress ako. I need yosi.

********

"Tay, ang sarap mo talagang magluto. Salamat dito." Nakataas ang paa ko sa upuan habang naka-kamay kumain. Ang lambot ng baka tapos malasa ang sarsa. Mapapadami kain ko, ah. Salu-salo kaming kumain ng tanghalian.

"Syempre, ako pa ba. Balak ko ngang magtayo ng karinderya eh," mayabang na tugon nito, may lumabas na kanin mula sa bibig. Kulang na kasi ang mga ngipin kaya naka-alpas ang kanin.

Napatingin ang maliliit kong pinsan.

"Magandang negosyo nga iyan," sagot naman ni Tito Jun.

"Pero pa'no na pagda-drive mo 'Tay?"

"Hindi pa naman ngayon, anak. Pag umuwi na ang nanay mo. Mahirap kasi pag ha-hire ka pa ng tao. Baka dugasin pa negosyo natin pag nagkataon."

"Ay, oo nga po ano. E, next year pa uwi ni Nanay e." Sumubo ako ng kanin, mamaya na ako iinom ng juice, mabubusog agad ako e.

"Pag umuwi si Tita, penge ako chocolate ha, ate marie," singit ni Gelay. Halos mabulunan sa dami ng nakapasak sa bibig.

"Oo na. Next year pa yun, tss " untag ko sa kanya.

"Mame oh," sumbong nito.

"Tumigil nga kayo. Kumain nang kumain," sabi lang ni tita.

"Ay, Marie. May sasabihin pala ako sa 'yo mamaya." Sa akin nakabaling ang atensyon ng lahat nang sabihin iyon ni Tatay. Napatingin ako kay Dodong, namula ito.

Pumaling ako kay tatay, seryosong nakatingin sa akin. Paktay ka diha.

"Sige po." Nang matapos kaming kumain, ako na ang nagkusang maghugas ng mga pinggan. Pampalipas kaba. Naku, baka pagbuhulin na kami ni Dodong. Kinudkod ko nang todo ang mga pinggan para maalis ang kanin.

"O, wag mo panggigilan ang plato. Nananahimik yan e." Napatalon ako sa gulat sa baritonong boses ni Dodong.

"Bakit ka ba nanggugulat? Aatakihin ako sa yo e!" reklamo ko sa kanya.

"Kape pa more." Lumapit ito at akmang hahawak sa nakalublub kong kamay sa planggana. "O, tulungan na kita para di ka mapagod. Puro pawis ka na o," sabi nito sabay hinipan yung noo kong pinapawisan. Salagay mainit e. Summer kaya. Lumayo ako nang kaunti. Naaasiwa ako sa closeness namin.

"Umayos ka nga. Kaya ko na 'to," asik ko sa kanya. Pero wag ka, I love how he smells.

"Kaya mo na ba 'to?" paanas na tanong nito saka nilapit sa hips ko yung umbok niya. Napalunok ako. Hinimas niya ang puwit ko, syet.

"'Dong, ano ba?" Nahihirapan na akong magpigil, ha. Kapit lang, Marie. KAPIT LANG.

"Pag nakita ka ni Tatay, sige ka." paanas kong banta sa kanya. Taksil ang boses ko tangina.

Para naman itong napaso at nilayo ang kamay.

"Sige na nga. Perya tayo 'maya ha. Basketball lang ako." Kailangan magpaalam talaga sa akin?

"Oo na lang." Tiningnan ko yung short at panty ko kung nandoon pa. 'Kala ko nalaglag e.

*******REPLY BOX POLICY*******

*yode*

*****

"Ano pong pag-uusapan natin, 'Tay?" Tila nagulat pa si Tatay na mag-uusap kami. Astig talaga. Napayosi ito. Nakaupo siya sa mahabang bangko dito sa likod. Malilim dito gawa ng mga mayayabong na dahon ng puno ng mangga. Umupo ako sa kalapit nito.

"May boyfriend ka na ba, anak?" bungad na tanong nito saka bumuga ng usok sa kaliwa.

"Huh? Wala ah!" agad kong tanggi. Di mapakali ng mga kamay ko.

Wala naman talaga a!

"Magaling, anak. Gwapo si Dominic, ano?" Sa malayo siya nakatingin. Alam ko na kung saan patungo ito.

"E, opo Tay."

"Magaling ulit. May gusto ka ba sa kanya?" Juiceko, ganern ba ako ka-transparent? May gad.

Tumawa lang ako. Awkward. Magsisinungaling ba ako kay Tatay? Nakaka-guilty naman.

"Opo," nakayuko kong amin.

"Bagay naman kayo. Maganda ka, gwapo siya," seryoso nitong sabi.

"Tatay!"

"O bakit. Mabait kaya 'yan. Tapos matalino pa."

"Manyak naman," mahina kong bulong.

"Aano? Ano kamo, 'nak?" tanong ni fudra.

"Wala po. Sabi ko, tama naman. Ano bang pakirinig nyo??"

"Ahh...Kala ko manyak. Tatagain ko ang manoy nun!"

Naku,wag tay! Masarap ang ano nun! Gusto kong isigaw.

"Hindi, ang bait nga po e. Magalang pa sa matatanda."

"Ay, naku tama ka anak. Nagmamano nga iyon sa akin, samantalang sarili kong anak hindi."

"Grabe ka tay. Pag nagsisimba ako, nagmamano ako sa 'yo a." Nagtatampo pala si tatay pag di ako nagmamano.

"Kinikiss pati kita pag galing akong school. O, ang sweet ko kayang anak."

"Joke lang 'nak. Ang swerte ko nga kasi ang bait mo, e. Yung mga anak ng kumpare ko, may anak na. Yung kabatch mo dati?"

"Ay, oo nga. O, di ba? Ang bait ko. Wala pa akong anak. Wala ding boyfriend!" pagmamalaki ko. Medyo naguilty lang ako kasi may nangyari na sa amin ni Dodong at baka magkaanak kami dahil di kami gumamit ng condom. Patay ako kay nanay at tatay pag nagkataon. Ang hinihiling ko lang ay sana tama yung tinext ni Mitz na di ako mabubuntis.

"Basta pag magboboyfriend ka, sasabihin mo sa akin ha. Nang makaliskisan ko. Tulad niyang si Dodong, o bagay kayo."

"Parang gustong-gusto nyo si Dodong? Ano'ng meron?"

"Hindi naman sa gano'n anak. Pero... parang gano'n na nga. Gusto ko siya para sa'yo," magulong sabi nito. Ginulo din nito ang buhok ko.

"Ay, ewan."

Tumayo na si tatay at lumarga na.

****sorna. sino sasama sa perya?****


Akin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon